Sunday, June 19, 2016

Finding Dory

Bulaga! Nagulat ba kayo? lols. Nagbabalik nanaman ako sa aking bloghouse upang mag-update at maglagay ng content at maglinis ng mga agiw-agiw ganyans.

For today, ang post sa araw na ito ay ang review-reviewhan ng pelikulang kalalabas lamang sa takilya nitong nakaraang thursday. Ito ay ang sequel ng peliks na Finding Nemo, ang pelikulang Finding Dory.

Lagpas 10 years na noong unang pinalabas ang peliks na Finding Nemo pero after ng napakahabang taon na lumipas, dumating na din ang karugs ng film. 

Babala, ang post ay naglalaman ng detalye sa pelikula kaya kung imbyernadette sembrano ka sa spoilers, excuse me, alis po muna kayo. Like now na.

Hahahah.

Kung wala kayong ideya anong ganap sa Finding Nemo, pakigoogle na lang ang wiki page nila. Nakakatamad isalitype at ichikaminute ng ganap sa first film.


Okay. So, isang taon na ang nakakalipas simula ng ma-rescue ni Clown Fish dad named Marlin (hindi Blue ang first name) at ni Dory (hindi Cream ang first name) ang bagets na clownfish named Nemo (hindi Sarah Gero ang first name).

So tahimik na ang buhay ng mga fisheroo ganyan. Si Nemo nag-iischool na at si Forgetful Dory naman ay chumechever bilang assistant teacher thingy.

Then sumigaw si IDa ng Shaider... TIME SPACEWARP, NGAYON DIN! oooom shigishigi matarashigi ooooowaaa!

Flashback ng past ni Dory noong isa pa siyang mini fishy. Pinakits na meron siyang Nanay, Tatay, gusto niyang tinapay. At simula pagkabata pa lang ay may short term memgap na talaga si Dory (hindi mon ang apelyido).

Then na-curious na nga etong si Dory na may naaalala siya. So kailangan niyang hanapin ang kanyang fambam. No choice naman ang mag-amang clownfish kundi samahan ang kanilang forgetful fishy.

During the trip muntik na mapahamak ang bagets na si Nemo dahil sa kapalpakan ni Dory. And so nag-galit-galitan si Marlin ang batang ama. Nakapagbitaw siya ng harsh lines kay Dory.

Then napadpad si Dory sa Marine institute thingy. Nacapture siya pero nakatakas sa tulong ng isang Septupus (seven na lang kasi ang testicles este tentacles) named Hank.

Then may deal sila na tutulong si Hank pero ang kapalit ay ang tag na nid para mailipat ng ibang location ang septupus.

Then napadpad pa sa ibang lugar si Dory at na-meet niya ang isang Butanding at isang whale. Habang nagtritrip si Dory sa iba-ibang lugar ng marine institute, mas dumadami ang flashback thingy. 

So libot-libot lang, libot-libot-libot ang ginawa ni Dory until mapadpad siya sa dati niyang tahanan at nalaman na wala na doon ang kanyang fambam.

Naligaw pa more at kung ano-ano pang misadventure at ganap at at the end of the film, they lived happily ever after.

Syempre di ko naman talaga iwewento lahats lahats ng ganap. Manood kayo, it doesnt matter kung sa sinehan or abangers na lang kayo sa suking downloadan or mga stream checkcheck sa FB ganyan.

For me, bibigyan ko ng score na 8.9999999 ang film.

Okay for me ang takbo ng film. Oks parin for me ang animation. Cool din na may mga added animals  na nakasama during the movie.

Pero kaya nabawasan ng .1 para maging 9 ang film ay dahil sobrang tagal ng inantay ko para sa sequel. Like seriously, bagets pa lang ako noong inilabas ito sa sinehan, around high school. Seriously... 

Hahaha, sige na nga, isarado na nating 9 ang score.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

1 comment:

  1. Gusto ko rin panoorin yan, abangan ko na lang sa suking downloadan hahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???