Sunday, June 12, 2016

Dumalaw sa Davao

Hey! Mabuhay ang kalayaan! Malaya ka nga bang talaga? Baka naman nakabilanggo ka pa din sa puso ng iba. Hahahah.

For today, magbloblog ako ng wento ko sa aking byahe sa Davao na naganap noon pang January. Hahahah, i know sobrang tagal na pero pasensya na dahil busy at medyo nagkaproblema ako sa aking memory card kaya di ako makabunot ng mga larawan para sa blog na ito.

Nakapag-soul search na ako sa Cebu at sa Ilocos noon kaya naman para maiba ay sinubukan kong hanapin ang sarili ko sa may Mindanao area. Kaya ng mag-ka-seat-sale ay bumili na ako ng ticket ko at naghanda ng possible itenerary at humingi ng tips sa kakilala na nasa Davao.

January 11, maagang lumipad papunta ng Davao. Mga 9am ay nakalapag na ako doon at kumuha ng ilang litrato.






Matapos ay nag-jengga-jeep ng 2 rides para makapunta from airport patungo sa SM Lanang. Oo, nag-mall muna ako dahil heavens knows ko na 2pm pa ang checkin thingy sa aking accom. Dito muna me naghanap ng ilang bagay na need ko like tsinelas at ibang anik-anik. Dito na din ako nagLunch.




Matapos mananghalians, nag-walk-walk-walk-walk-walk ako from SM to Red Planet Hotel. So check-in mode at naligo dahil mainets. Then sabi nga ni SarahG, Libot-libot-lang, libot-libot-libot!






Actually chineck ko din yung ibang malls na madadaanan. Hahhaha. Walang basagan ng trip kung gusto ko mag-mall hop. Then napadpad ako sa People's Park.








Matapos makapaglibot, chill-chill lang at breeze walk kemerut. Feeling safe naman maglakad pero syempre bawal ang aanga-anga. Follow rules. Tumawid sa tamang tawiran ganyan. Then matapos makapaglakad at mapagod, chumibog ng hapunan.



Dahil gusto ko lang magpahinga sa stress ng work, mga 8pm, nasa hotel na muli ako at bumorlogs. Hahahaha.

January 12, Day 2. Nag-late-almuchow sa kainan na nasa ground floor lang ng hotel at gumayak na. SInundan ko ang mga instructions sa akin ng kaibigan kung ano-ano ang sasakyan papunta sa parke ng keso, ang Eden Park. lols. Parang 1 hour and a half na Jeepney ride tapos habal-habal(tricycle) papunta sa park.
Dahil gutom na, nag-buffet lunch muna ako doon. Medyo Mahalya Fuentes ang foodang pero pede na din, magiging choosy pa ba ako. Andun na ako at wala namang karinderyang bukas sa lahat ang matatanaw sa paligids.








So libot mode sa Nature park. Medyo malamig ang hangin dahil parang bundok area na yung lugar. Parang tagaytay-ish ang peg ganyan.

Balak ko sana i-try yung Sky Bike chenelin pero kinabatutan ako at ninerbyos at na-awkward kasi mag-isa lungs ako kaya naman okay na sa akin ang mag-sight seeing at tumingin sa mga grupo at magjojowawits na trinatry ang ilan sa mga activities.



Pagdating ng hapon, at nag-anticipate ng possible hirap bumiyahe pabalik (meron din rush hour na mahirap sumakay) nagpasya na akong bumalik na sa City proper. Eto yung time na namili din ako ng mga pasalubs sa mga friendships, napadpad sa Areneyow de Davao at naghapunan sa mall at bumili ng ilan sa malalapang sa pagpunta ko beach.



January 13, Day 3. Beaching time! So commute mode patungo sa pantalan. Nagdecide kung magmamainstream Samal Island Adventure or chillax mode lang. Since gusto ko lang chumill, hindi ako nagdecide na mag Pearl Farm. Nagpunta ako sa Talicud Island (jowa ni Harap Island). At nagbeach mode ako sa Isla Reta (Asawa ni Isla Reto).











5pm lumarga yung bangka pabalik ng port at pagdating sa city ay namili na lamang ako sa mall ng makakain at nagpakabusog. Nag-empake na din ako dahil kinabukasan ay babalik na ako sa manila at diretso agad sa trabaho sa gabi.



Masaya at nakapag relax ako sa aking pagdalaw sa Davao. Sayang nga lang at di ko napuntahan at nadalaw yung Philippine Eagle park. Nais kong makabalik dito para matry yung mga hindi ko nagawa. Pero hopefully may mga kasama na para hindi nakakalonely ng light.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!





3 comments:

  1. Naghahanap ako ng mga bloggers na aktibo pa rin sa blogging. Halos lahat wala na. :( Pero I'm happy meron pa rin kahit papano at kasama ka na dun. :)

    ReplyDelete
  2. hala napadalaw ka pala dito di ka man lang nagpasabe.. SO how was it? balik ka sunod...

    ReplyDelete
  3. Ay.. too sad nga.. anyways bet kong bumalik ka sana ngayong darating na kadayawan... mag-eenjoy ka talaga August 16 or whole 2nd week ng august.. tas gelo sabihan mo ako pagbalik mo ha...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???