Yo! Kamusta na? Kelangan mag-update update din sa blog kaya heto nanaman ako at nagsasalitype ng kung anong tumatakbo sa aking isipan ngayon.
Kanina lungs, yeah, kani-kanina lang ay naglakad nanaman ako mula opisina namin sa ortigas pauwi dahil pahirapan ang pagsakay sa jengajeep. You know, parang nakikipag-amazing-race.
At habang pauwi at napagoda wave masyado sa paglalakad, naalala ko na may bagong food resto kinda thingy na malapit sa balur so bumaba ako sa jeep at nagdecide magfoodtrip....alone. lols
Welcome to Brick Burger na matatagpuan sa kahabaan ng C. Raymundo (kapatid ni Ina Raymundo) sa Pasig.
So when you make pasok, makikita mo na ang theme nila ay Lego, you know, the toy with the quote 'Halika, magpatungan tayo!'. Yazz! Yung maiimagine mo yung kantang 'Everything is awesome!!!!'.
So imake upo (hindi yung omaygulay) sa isang table na good for two at imade senyas kay kuyang servidor na i will make order na.
So since specialty dito ay burger, i made order ng Burger na Cheesy Mac Somethingy. Ayon sa description, cheesy burger with mac and cheese and bacon bitsy. Tapos may nakalagay na mag add ng 45 ata yun at may fries na so gora na ako.
Then i don't wanna be mukang ewan na Burger lungs... no! Ditch diet for a while! Umorder ako ng pasta coz pasta is life.... wait... Pesto pasta is life!
Bumili na din ako ng red tea nila.
So habang nag-wawaits ng jorder, picture picture saglit ng pedeng makita.
Lego displays
Lego table
Yung design sa loob ng table
Lego themed place
Lego figs na nakaframe
Then dumating na yung inorder ko. Unang Dumating ang redish tea. Sumunod ang Pesto Pasta. Then yung side fries at yung Burger.
Pesto
Burger with Mac and Cheese
Yung top buns ng burger ay hindi hugis lego! ZOMG!!!! Watdapaks! Vuket ganern?! Like kaya nga Brick Burger... dapat lahat ng burger nila hugis Lego... But No no no way.... Hindi pala.
Chwali, may mali din ako. I know that it takes two to tango. Dehins ako nagtanong kung lahat ba ng burger nila ay hugis lego. Naging potassium ako... yeah... Pota Assuming! Pero kasi... diba... Kaya nga Brick Burger namesung... dapat lahat ng burger hugis lego bricks.
Waley ako reklamation sa taste ng burger as i mentioned above at wala din ako problem sa Pesto Pasta. Masharap naman parehow.
But nadismaya ako ng light sa fries. Fries is life din pero i don't know. Ang portion ay so konti and the size of the fries in terms of cuts, jeske, payatot at pandakekok.
All in all, Keri Underwood naman.
Ambiance/theme: 9
Food Taste: 9
Menu : 8
(oo, kasama yung menu thingy kasi walang indicator ng size at kung ano ang may hugis lego brick na buns)
Pahabol na pic: yung bill-out kemerut.
Pahabol na pic: yung bill-out kemerut.
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care
Onggg Moholll : )
ReplyDeletebet ko ang lego.. pero like u hindi ko bet ang fries na slim shady! :p
ReplyDelete