For some unknown reason, medyo may gana akong magsulat ang maglagay ng content sa aking bloghouse. Siguro kailangang ibalik ang passion sa pagsusulat at pagwewento ng anik-anik.
For today, share ko lungs ang isang peliks na pinanood ko. Ito ay isang zombie themed film na syemps tungkol sa zombie...zombie...zombieee-uh-in your heaaaaad, in your heaaaaaad, zombie, zombieee in your lawn, theres a zombie in your lawn. (kudos kung nagets mo yung dalawang songs na minashup).
Magsisimula ang peliks sa isang bahay kung saan may mga group of folks na nagtatago sa kadiliman/nakakulong sa haus. Andoon sa balur na iyon ang mag-asawang inlababo sa isat-isa at ilang folks.
Then out of the blue may isang raymond bagetsing na nag tok-tok-tok isang milyong pasok sa door. Puso ang pinairal kaya pinapasok yung kiddo. But... may dalang kamalasan si bagets. Tila na tawag niya ang mga zombie sa safe place.
Ayun. Pak pak pak ganern ganern ganern at sumugod mga kapatid ang zombies sa haus. One by one, piece by piece, flesh by flesh ay kinain ang mga folks.
Nag-attempt tumakas yung mag-jusawa kaso makokorner na sila. Walang forever ang peg ng lalaki kasi iniwan niya at tumakas siyang mag-isa at hinayaan ang waifuuu.
Ang nakatakas na lalaki ay walang iba kundi si Rumpletiltskin.
Then chuva chuchu flash ng slight narative kung anong ganap per week after magkaroon ng outbreak ng zombiezombies. 28 weeks later, ang sabeh ay clean na... deads na ang mga otoko at merlats na nagtransformers to zombs.
Then, sa main city ng London Bridge is falling down, andun ang area na namumuhay ang mga clean na folks.
Then enter sa eksenabels ang dalawang chikiting patrol na it turns out ay junakis ni Rumpletiltskin. Then inquire mode sila sa kanilang pudrakels about sa kanilang Ina Magenta. Chinika minute naman ni rumple na tegibels na ang mudraks pero di niya sinabing iniwan nia ito.
Dahil some kids are just pasaway at pampam ever, tumakas ang dalawang bagets para puntahan ang old balur nila. Di daw maremember ni boy yung peslak ng kanyang mudrakels. Like seriously? Wala silang naitabing pics??
Pagdating sa house, natagpuan nila ang kanilang mudrax. Somehow naka survive ito. Dinala sya sa facilty para i-examine at nalaman na infected ito pero hindi nagmamanifest ng symptoms ng pagkaulol.
Pero naguilty si Rumple at pumasok sa room ng infected waifu niya. At sila ay nag hot steamy sex! Charot! Hinalikan ni rumple ang kanyang wife at poof, he became coco crunch.
At nagkaroon ulit ng outbreak sa should have been safe place.
At sa pagkaroon ng kill spree sa mga affected at hindi affected, andyan sa eksena si Dr. Moira ng X-Men apocalypse na isang doctor na nag-aaral sa zomvirus. Siya ang nagtangkang iligtas ang pasaway na mga bagets.
Eeksena din si Hawkeye na isa din sa tutulong para makatakas ang mga pahamak at puno't-dulo ng outbreak. Sila ang mag-eescape mode.
At dyan ko na muna puputulin ang wents... hahahahah.
Kung sa simula pa lungs ay tinigok na yung dalawang bagets na tumakas at hindi nagfollow ng rules, edi sana walang outbreak. So lesson of the story, pahamak ang mga kiddos. hahahahahaha.
No score for the peliks... nabwisit kasi ako sa kaepalan ng bagets. Pero infer, cool yung part na inararo ng elisi ng helicopter yung mga zombies. So bigyan ko ng score na 8.
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???