Sunday, August 7, 2016

Suicide Squad

Hello! It's me! Nagbabalik si Khanto sa kanyang bloghouse upang magdala nanaman ng sinalitype na anik-anik para sa mga nagbabasa pa ng blog.

Habang busy ang karamihan (kasama na din ako) sa pagchachase ng pokemon at ng pavements, ako ay nagpunta ng mall para manood ng peliks. 

Ang latest sa mga sinehan ngayon ay ang film na related sa DC universe. Yeah, DC... disconnected ganyan. Basta yung peliks na may kinalaman sa mundo nila Batman, Superman ganern. May title itong Suicide Squad!


Oo, alam ko may mga readers na allergic at masyadong sensitive in terms of knowing the details of the film hanggang di pa nila napapanood so ito ay isang babala! Alert! Alert! Alert! Wag magpatuloy kung shokot kang malaman ang ganap sa pelikula.

Pagbilang kong taklo, nakatago na kayo....

Isa....


Dalawa.....


Taklo!!!!


Ready ka na ba talagang mabasa ang review-reviewhan?

Okay... Let's Go!

Insert cool sountrack here.....

Papakita one by one ang mga bida sa peliks na ito. well, kinda. Basta konting patikim kung sino ang mga folks na kasama sa film.

Then ipapakita sa screen itong si Annalise Keating ng How to Get Away with Murder. Nagpalit siya ng wig kaya di mo sya mamumukhaan. May kausap siyang guy na di naman importante masyado sa film at ichichika-minute niya kung ano ang kanyang plan.


So ang sabeh ni ateng Annalise ay dahil sa recent na ganap na pagkamatay ni Superman, nangangamba (insert 'Kaba' song ni Tootsie Guevarra here) sila na baka nektaym ay may meta-humans na sumugod-sugod at maging kalabs.


So ang brillint idea ay gamitin ang mga bad guys upang sila ang gawing weaps/tools para kalabanin ang kalaban. And thus pinakilala isa-isa kung sino ang mga gagamitin nilang nilalangs.

Papakilala ko sila sa inyo, doncha worry.

Una ay si Agent J na nagchange career at naging isang Hitman for hire named Deathshot. Papakita ang kagalingan niya sa paggamit ng baril at backstory kung pano siya nahuli/nakulongs.



Then ipapakits ang rose among thorns na bad guys. Siya si Harley... Steve Harley chost. De... joke lungs. Si Harley Quinn. Papakita din ang story niya at ang lablab niyang si Joker.


Then pinangalanan din ang iba pang folks. Katulad ng isang guy na tough na mukang halimaw at mukang crocodile. Nope, hindi po siya kamag-anak ng mga congressman ng pinas. Siya ay may namesung na Killer Croc.




Kasama din ang isang guy na may kakayanan na magpalabas ng apoy. Nope, wala siyang brilyante ng apoy ni Pirena. As in inate ang kanyang prowess. Siya ay pinsan ni Human Torch. Ang name niya ay Diablo.



At last na pinakilala ay si Eric ng Divergent. Nagchange image siya at nagtago sa pangalang Captain Boomerang.



And so kailangang i-pitch ni Annalise ang kanyang project sa higher ups. At para convincing ang kanyang powerpoint presentation, kailangan may live demo kemerut.

Dito ipapakilala ang isang girlay na ang backstory ay isang archeologist na natuklasan ang isang kwebs at sinaniban ng entity named Enchantress.


Shepherds, di tatakbo ang wents kung walang kontrabida para sa mga kontrabida. So etong si Enchantress ay kupaloid na nakatakas at nagteleport kemerut at pinakawalan ang kanyang Brother. At sa kanyang pagpapalaya, sila ay nagpakawala ng supernatural stuff.

Kaya pinatawag na ang grupo ng mga bad guys at binigyan sila ng trackerjackers para madali silang matunton at pwede silang paslangin due to detonation thingy. Sila ay pinailalim sa command ng isang sundalong jowawits ng sinaniban ni enchantress na may name na Rick (hindi reyes ang apelyido).


Joiner din sa mission impossible ang isa ding katana/samurai-ish girlay na may maskara na nagngangalang Katana (nope, hindi yung kapatid ni Soka ng Avatar the Last Air Bender).


Isinama din ang isa pang kalabs na may namesung ns Slipknot pero sa kasamaang palad ay tsugibels agad sya. R.I.P.


Binigyan sila ng mission para iligtas ang isang importanteng folks. Along that mission, nalaman ng bida-kontrabids na delikads ang pinasok nila, at parang suicide ang gagawin nila. Thus ipinanganak ang grupong Suicide Squad.

Syempre pakitang gilas dapat ang mga bida-kontrabids kaya may mga fight scenes and gun scenes. Laban laban, o bawi bawi get get aw.

Then eeksena ang pagtatangkang pagligtas ng boyfie ni Harley na si Joker. So enter ang payaso.


At para sa climax, kailangang may #SquadGoals. Ito ay matalo ang kalabang si Enchantress at ang kanyang brothah.

At Nagtapos ang pelikula after ng fight scene. Hahahahah. Syemps di ko na idedetalyado ang mga ganap. Hello! Laki ng matitipid mo kung iwento ko lahat-lahat diba??? lols.

Score for the film?? Bibigyan ko siguro ng Suicide 8.8 ang film na ito. Hindi standing O pero hindi olats. Sakto lungs... Keri lungs. Sapat naman.

Good points:

-Magaling ang skills nila DeathShot, Harley Quinn, Katana.
-Oks naman for me ang portrayal kay Joker.
-Center of attraction ang role ni Harley Quinn.
-Okay din ang angas ni Annalise Keating.

Bad/ Meh points:
-Fonts... Yung pagpapakilala per characters. Magbabasa ka ng nakasulat sa screen.
-Kaderder yung parang mga blackheads na nagkatawang tao na kalaban.
-Since DC formula, may singit ng comedy pero for me it's a bit dry (nuks, may dryness??)
-Hindi ako na-move (o, wag literal ha.. i know mabigat ako at di talaga mamomove).
  what i mean is hindi ako masyadong nag-root para sa mga bida (except kay HQ).
-Di rin ako gaanong na-excite sa clue/hint para sa next movie nila. Like.... K.

Di na tinatanong kung kailangang panoorin sa sinehan or not. Dahil ang katotohanan na ito ay dedepende sa bulsa at attitude ng audience. Kung may datung, go! Kung tamad, malamang sa alamang pirats.

O cia, hanggang dito na lamangs. Tekker!



2 comments:

  1. Hahaha! Aliw pa rin ako sa review mo. Ikaw na talaga ang institusyon sa pagrereview na ganyan. Haha

    Pero walang appeal sa akin ang pelikulang ito. Sorry no sorry.

    ReplyDelete
  2. I like this movie din nagenjoy ako
    but the movie critics hated this movie

    The imporant thing is kumita siya ng malaki worldwide

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???