Hi guys, I'm back! Yes, it's been a while na walang update sa blog na ito pero heto ako, tumitipa ng mga letra upang makapagbuhos naman ng kung anik anik na nasa isipan.
Nais ko na iwento ang personal ganap pero baka nekstaym na lang para madami dami naman ang iwewents.
So for the meantime, chika ko lang ang tungkol sa netflix shenanigan. Actually wala naman akong account kaso meron ang ate ko na nagshare ng account so ayun, pede naman magtake advantage. Sayang ang chance.
In the past almost 1 month, kapag restday, doon ako nanonood ng series para pampalipas oras/araw. So for today, Share ko lang mga napanoods ko.
Note, eto yung mga series na hindi english dubbed. For some reason, turn off sa akin na nagiging english ang series. Like, nawawalan ako ng gana na di marinig yung native language ng mga series. Oks kasi ako na nagbabasa ng sub while watching.
1. Itaewon Class (Korea)
Kwento ito ni koyang bunot hairstyle na kinalaban ang isang richie kiddo sa school. Instead na mag sorry sorry sorry sorry♫♪ aba, tigas ulo (hindi yung ulo sa baba ah). So na expelled sha. Tas saklap ng kapalaran ni koya mo kasi na-tegibels ang kanyang pudrakels. Ang nakapatay? Yung richie kiddo. And pinagtakpan ang kaso.
Nagalit si koya mo and sinugod mga kapatid nia si richie boy at jinombag nia ito. E richie nga diba, so nabaliktad ang sitwasyon at nakulong si koya mo.
So medyo kinda story to ng revenge and redemption chuvachuchu. Nag promise si koya mo na babangon sha at dudurugin sila ganyan keme while creating his own resto kinda thing na kokompetensya sa fambam ng nang-api sa kanya.
2. Re: Mind (Japan)
Eto naman ay tungkol sa 11 na merlats na biglang nagising out of the blue sa isang misteryosong lugar and more specifically, nasa isang dining table sila. Kaso di sila makaalis dahil naka kadenang ginto ang kanilang mga feet sa ilalim ng mesa.
Then, napansin nila na may missing na upuan, which is specifically dapat sa isa pa nilang kaklase which is nabully nila at out of the blue nawala.
And so it is time for the merlats to remember ang mga kagagahan na pinaggagagawa nila and everytime na uunravel ang kapokpokan at anikanik nila, out of the blue isa-isa silang nawawala.
3. Ossan's Love (Japan)
Eto ay wento ni Haruta na isang 33 years old straight as a ruler na medyo di pinalad na magkaroon ng lablayp. Kinda hari ng sablay-ish ang peg nia sa buhay.
Then magugulantang ang kanyang mundo ng out of the blue, nalaman niya na ang kanyang 50ish bossing ay inlababa sa kanya at nagtapat sa kanya ng pag-ibig at willing to divorce ang asawa para kay Haruta.
And the same time, isang new katrabaho ni Haruta named Maki (hindi california) na naging roomie niya at nagtapat din na may gusto din kay koya mo.
Insert Moonstar88 song 'nahihilo... nalilito♫♪♫'
4. Girl from Nowhere (Thailand)
This is a story about a girl named Lucky. chost. Nanno ang name ni girl. Isa syang transfer student na hobby magpalipat-lipat ng school.
Pero si ate gurl ay isang kinsa Psychotic-ish/Paranormal-ish. Ang ganap nia sa buhay ay pumasok sa different schools at umeksena sa mga pampam na tao, show the dirty side of humans ganyans.
Every episode, new school unless naging 2 part ganyans.
5. Sotus (Thailand)
Eto naman ay wento sa isang college/University kung saan may system kemerut named SOTUS. Ito ay kina hazing-ish initiation-ish na walang pagpapaddle ng mga pwets. Basta papahirapan kayo ang anik-anik na task.
So newbie or freshie etong si koya na naka white sa picture at una ay against sha kung anong kapekpekan na pagpaparusa na ganap at somehow kontrapelo sha kay koyang may red polo shirt.
However, mukang as time goes by, may naging something between kay koya white at koya red. Lols.
At yan lang muna. Di ako makapanood ng madami since kakain ng data ang panonood and naka prepaid wifi lang ako and its so magastos. Nako, kung nakapag DVD hunting lang sana ako sa quiaps bago nag ECQ, di sana madami na ako napanoods. hahahaha.
O sya, hanggang dito na lang muna. Will update soon.
TC!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???