Super overdue na ng kwento kong ito pero ngayon lang ata ako nagkaroon ng energy upang itype at ikwento ang karugs ng pagpunta namin last July sa Thailand. Yes, i know, tamad na ako sa tamad. After ireformat ang aking laptop at di ko nabackup ang mga pics ay tinamad akong kopyahin mula sa facebook ang mga larawan. Worry not choknat, heto na ang kadikit ng mga naunang adventures.
Bago matapos ang Day 2, dumaan kami sa Reclining Buddha. Di ko matandaan ang name kaya ginoogle ko at napag-alaman ko na ang term nila sa place na iyon ay Wat Pho. Day 1 pa dapat namin to bibisitahin subalit may aberya kasi parang may festival/ holiday ng temple nung day 1. Madami din ang pumupunta dito upang kuhaan ang nakahigang Buddha. Grabe ang laki at haba nito at kulay ginto(di ko tiyak kung gold plated o gold talaga). Aside from the nakahilatang buddha, kumuha ako ng larawan ng ibang statues sa paligid ng temple.
Fast forward, punta na tayo ng Day 3. Wala kasing matinong wento kapag gabi, di ako party peeps kaya di kami gumala ng night.
Sa ikatlong araw, tanging ako at ang aking ate ang nagpunta sa amusement park sa Thailand. Ayaw ng parents kong sumama kasi wala naman daw silang masyadong gagawin doon. Nagdecide ang mader-pader na magpunta nalang sa town ng bangkok at mag-foodtrip o magshop (tiyange mode).
8am ang call time namin. Bumaba kami ng hotel 7:45am. Nag-antay kami sa pipick-up sa amin. Ang nangyari, ang susundo sa amin ay nakaupo lang din sa lounge. Di ata nia inakala na pinoy ang susunduin nia. Pinatawag nia pa sa helpdesk na puntahan kami at dun nalaman na kanina pa kami nasa baba. Bago pumunta sa amusement park, sinundo pa sa ibang hotel ung kasama sa trip. Family na parang Pakistan. Basta, mga lahing muslim, di ko alam ang nationality e. Inabot kami ng 2 hours bago makadating sa lugar.
Pagdating sa lugar, medyo inabot pa kami ng 15 minutes bago nakapasok kasi pinagdedesisyunan pa nung kasabayan namin kung kukunin nila ung snow world kung saan magbabayad sila ng extra money. Di namin kinuha un kasi nagkukurips kami ng ate ko. wahaha.
Sa loob ng Dreamworld, malawak ang first part. Eto ang part kung saan pede kang mag-picture picture kasama ang kung anu-anung bagay/ design. First part ay mga designs for lovers. Heart shaped topiaries, mga heart dome beanch at kung anu-ano. Okay ang part na ito para sa lovers. May mag-jowa nga na dun nagkukuhaan ng pics para sa wedding ata nila.
Sa mga susunod na part, may mga pinaliit na 7 wonders of the world at iba pang place para magpakuha ng mga pics. Meron din silang area ng kanilang maskot na bubuyog/ salagubang/ insekto. Pictures galore muna bago magtry ng ibang rides.
Mga 11am ng nag-uumpisa ng dumami ang tao. Mas madami ang mga nagfifieldtrip na estudyante kesa sa mga tourist. Sabi ng guide namin, mas madami daw pag weekends. Ayun, mga kasabayan namin sa paglilibot ay mga parang grades 2-6 at may mga uniform na parang nanggaling sa panahon ni Atienza, bulaklakin na parang hawaian shirts.
Mascots
1pm ang scheduled lunch namin. Mas okay ang lunch ngayon kasi buffet talaga sya.Hindi masyadong ginagalaw ng mga foreigners ang kanin. More on bread sila at more on meats. Sa mga chinese naman, dun sila gora sa mga noodles section. For desserts, mga salad at fresh fruits ang noofer ata minatamis na black gulaman. Busogsarap!
Habang tinoutour ang kabuuan, nakakabadtrip na di namin nasakyan ang cable car kasi under maintenance. Anhirap din sumakay sa rides kasi 2 lang kami, walang magbabantay ng gamit. naka 1 ride lang ako at di ko nagamit ang ride all you can sticker na kasama sa package. Inenjoy ko nalang ang pagmasid sa mga nasa paligid.
For something as souvenir, na-engganyo akong maglaro upang manalo ng prize. Medyo may kamahalan ang ticket kasi 40 baht ang bayad. Pero okay ang prize kasi anlalaki ng mga stuff toys at kung makakajackpot ka, sulit naman ang binayad. Amportunetly, di ako nananalo ng pang jackpot. Ang consolation prize na nakuha ko ay isang ice cream at small keychains.
Bago umuwi, na-curious ako dun sa wax display kasi gagawa sila ng sculpture na galing sa kamay mo. Aun, nauto ako at nakisample ako. Inilublob ang kamay ko sa tubig na pinuno ng malamig na tubig at yelo at sabay inilublob sa lusaw na wax. mainit pero keri lang dahil sa numbness na gawa ng yelo. Nag-ilang ulit na dippings ang ginawa until kumapal ang wax. Hayun, tinanung ako kung bibilin ko at gagawan na nila ng base at kulay. Since dyahe naman, nagbayad na ako. 200 Baht ang bayad.... pede na din na parang lugi na ewan ang aking nadama.
Bago umuwi, papalapit na ang call time na 3:30pm, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Silong mga kapatid ang takbo ng mga estudyante at mga turista. Pati kami ng ate ko ay silong galore din. Shemay, 3:30 na at di pa humihina ang ulan. Anlayo ng pwesto namin sa gate ng meeting place. May isang indian guy na kinuha ung giant umbrella na nakatupi lang sa isang table at ginamit ito upang payong. Aba, di na ako nagpahuli at ayoko naman maiwan sa place na iyon at lusong sa raining cats and dogs at dinampot ko ang isa pang giant payong. Hebigat dalhin kasi anlaki ng tangkay nito at mahirap ibalanse. Mahirap din maglakad kasi malakas talaga ang ulan at madulas. Keri lang ang parang agaw eksenang naglalakad sa gitna ng buhos ng ulan. malapit na kami ng makita namin ang pamilya na kasabayan namin pati ang guide namin na nakasilong. Sabay sabay kaming sa jumbo payong. E wala na din kaya nagpabasa na din kami sa ulan. baha na ng onti sa harapan ng amusement park pero nakasakay din kami sa van, mga basang sisiw.
Ang biyahe pauwi ang pinakamatagal kasi inabot na kami ng rush hour at traffic hour. Ang pinakatraffic ay dun sa papunta sa hotel namin. Imagine na from 6-8, ang pag-aantay namin dahil sa traffic. Over, di kumikilos ang mga sasakyan. Ang mga stoplight ay laging naka-stop at kung mag-go man, split secs lang. Natuyo na ang basang damit at basang buhok at dumilim na ang kapaligiran pero di pa kami nakakadating. Grabs lang talaga. Pagkauwi ay ligo sa banyo at palit ng damit at saka natulog nalang. :D
itutuloy......
Tips:
1. Iwasang magbyahe around 4pm onwards, simula na ng traffic jam, usad pagong.
2. Iwasang mag-taxi, ubos ang pera nio kapag maiipit kayo sa traffic.
3. Ang dreamworld ay ieenjoy ng mga kids at kids at heart.
4. Para sa akin, wag i-try ang wax thinggy, heheh, medyo mahal.
5. Hurricane ang name ng ride na super amusing(kaso di ko natry at walang larawan).
woah, nakanganga ko sa bawat pictures. dili ko alam kung na-aamaze ako or naiinggit!
ReplyDeletegrabe mr superman! thailand naman tong gala mong to.
ay pwede pong pasukin the pyramid?
wow..wow..wow...
ReplyDeletekakainggit naman...
*inggit much* tlga...
Ang ganda ng mga shots parekoy!
ReplyDeletePupunta din ako jan pag nagkapera ko at jan ako bubusina:-)
wow! ang saya!
ReplyDeletesalamat sa mga tips... dahil dyan gusto ko nang makapunta sa lugar ng mga talangka(thai) hihii
Inggit much! Ndi ako nakapuntang Dreamworld nung nagpunta akong Thailand! Syet gusto kong bumalik tuloy. Like now na! Hehehe!
ReplyDeleteang ganda nung mga Buddha, pangarap ko yan, maka visit sa mga exotic places. Mga temple sa Tibet, China or Japan - napaka mysterious. Fanatic kasi ako ng Buddhist way of thinking/Philosopy (whew).
ReplyDeleteSana makapag ipon ako para makapunta din dyan..
Salamat sa pag share!
NICEEEE! =) Gusto ko ding makapunta sa ibang bansa. Parang totoo ung eiffel tower. =)
ReplyDeleteThanks nga po pala sa pag comment sa "Pagbabago" entry ko.
DeejSpeaks
bagay mo pala maging superhero :D kaw na si superman!
ReplyDeletegusto ko makita yung reclining buddha :)
kk inggit nmn...
ReplyDeleteNatuwa naman ako sa toes ng reclining buddha...
ReplyDeleteaww man... d ko napuntahan ung dream world! :( pero thanks for sharing!!! :D
ReplyDeletesomething's wrong. hindi naguupadte yung blog mo sa blogroll ko.. weird..
ReplyDeleteaw, baka may tops ung blogroll. meron din akong mga blogroll na di lumalabas na updated na sila
ReplyDelete