Friday, September 10, 2010

Kaze No Stigma



Naka-pila balde ang mga dvd na dapat kong panoorin last restday ko subalit mastado akong naaadik sa paglalaro kaya nakapetiks lang sila sa loob ng aking bag. At dahil alam ko na baka matambakan ako ng mga dvd sa bag ay minarapat ko ng magsimulang manood kahit paunti-unti. Multitask muna kasi nanonood ako habang naglalaro at habang kumakain. Hindi ko muna sinimulan ang mga movies kasi oras ang gugugulin at kailangan ng todo atensyon kaya anime series ang aking sinalang.

Natapos ko na ung mga fave series ko na Naruto at One Piece at tinapos ko na din ung continuation nung She's beautiful na nambitin sa akin kasi barok ang mga final episodes. I'm down to the last series na nabili ko at inilabas sa aking dvd bag. :D 

Ang series na aking nabili ay nirecommend lang ng suki kong tindera ng dvd sa quiapo. Sinuggest nia ito sapagkat alam nia na complete ang series at may ending. So since ang ibang anime ay bitin pa at putol at kulang sa episodes, pinili ko eto.

Going back, Isinalang ko eto at di naman ako nabigo sa unang episode. Nakaka-excite kasi tungkol ito sa mga magicians. Masta may kinalaman sa magic-magican at powers-powersan e naeenjoy ko talaga. Ang kwento ay tungkol sa isang lalaki na itinakwil ng kanilang angkan sapagkat isa siyang weak. Bakit siya nabansagang weak o mahinang nilalang? Dahil ang angkan nila ay ang mga clan ng fire mages o mga taong may kakayanan na kumontrol at magmanipula ng apoy. Ang masaklap pa noon ay tinalo siya ng babae dahil nagharap sila for a showdown upang makuha ang isang kakaibang sandata o espada na ipinapasa sa kanilang henerasyon. Aun. Layas mode ang bata at after 4 years, he is back.

Sa pagbabalik ng bida na nagngangalang Kazuma Yagami, siya ay isang ng makapangyarihang mage. At ang malaking pasabog ay hindi mage ng fire. Itinakwil nia na ang kapangyarihaan ng apoy at nagmaster ng kapangyarihan ng hangin. 

Nasa episode 5 na ako at mamayang pag-uwi ko ay isisingit kong makapanood ng iba pang episode.

note: Ng sinesearch ko ang buod ng kwento sa net, naguluhan at na-lost ako sa tagalog wiki kasi sobrang taglish na barokish. hehehe. pero keri pa naman maintindihan.... slight.
http://tl.wikipedia.org/wiki/Kaze_no_Stigma

10 comments:

  1. hmm... try ko nga panoodin yan. :)

    ReplyDelete
  2. peborit ko din ang one piece.. :D
    naruto.. haysssssss tinamad na ako sa sobrang kahabaan.. mahaba pa sa EDSA... try ko nga maghanap nyan at mapanuod...

    apir! ka-libran! ahehehehe

    ReplyDelete
  3. siguro mga 2-5 episodes pa lang napapanood kong shows ng one piece.. naruto naman about 10 episodes... dili me mahilig siguro sa tagalized animes. try ko later. download me here.

    ReplyDelete
  4. Matagal ko na gusto panoorin ang naruto, kaya lang ang hirap talaga makahanap ng oras, lalo kung napakademanding ng school. :( but i really have to find time for it.

    ReplyDelete
  5. khantotantra ---mababa pa nga yang 7 chanches. after kami nagkita sa eb. more tahn 6 months ko syang finollow at comment nako comment. pero wala ako nagenerate na interaction. then bigla ko nalng napansin na ako lang ini-skip nya. yun. tapos parang wala parin sakin. then after nung eb last sat. it all occured to me again. nadepress ako ng 3 seconds.and then this post.

    ReplyDelete
  6. hmmm.. binasa ko din at naguluhan din ako.

    dabest padin ang naruto, at yung manga panalo. :-)

    ReplyDelete
  7. @midnight, panalo manga ng naruto
    @pusang kalye, awts, saklap naman na naiiskipan ka.
    @rah, syempre, studies muna mapriprioritize bago anime.
    @tong, baka hilig mo magbasa ng sub title :D
    @yanah, yep, uber long ang OP at Naruto
    @karen, hope you like it, 20 episodes lang ata to

    ReplyDelete
  8. naghahanap ako ng bagong series..siguro maganda din naman ito.ahhehe...yung tenchu tenge kasi bitin.potah

    ReplyDelete
  9. astig yung pics kala ko flame of recca.. gusto ko rin yung ganyang mga palabas... woohooo. hahanap ako ng ganyan.. :)

    ReplyDelete
  10. Huhuhu mukhang interesting. Nakakainis ang tagal ko nang hindi nakakapanood ng anime. Everi since paggraduate ko ata wala na.

    Yung Naruto at Bleach kasi binabasa ko na lang every week yung manga kasi mas updated eh.

    Sana makabalik ulit ako sa panunuod dahil ang dami nang bagong titles ang lumabas since 2008. T_T

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???