Wednesday, September 1, 2010

Dos

 
 
Isa itong mahabang kwento................
 
Parang kailan lang, ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin..... Wooops. Adrama naman ng panimulang linya ko. Erase!

Parang kahapon lang noong makagraduate ako sa kolehiyo at nagtatangka na akong makahanap ng mapapasukan. Halos every week ay nanghihingi ako ng allowance sa aking magulang upang magpaprint ng resume na gagamitin sa aking pag-aapply ng trabaho. Every week din ay may isang tawag  o text nessage ako mula sa mga hr kung saan iniinform ako na pumunta para sa exam o interview. Madaming kumpanya na ang pinasahan ko ng kokomband at print ng aking larawan subalit deds o dedend... Luz Valdes ang nangyayari at  major major loser at we will call you ang aking naririnig. April to July ay lugmok at sad ang aking application story. 
 
Buti na lamang at ng dumating ang August ay nakatanggap ako ng isang call na ni-refer daw ako at kung nais ko daw ba na mag-exam. Since, another opportunity eto ay grab na grab na at aking tinanggap ang paanyaya. Location ay sa eastwood libis. Sa a isang mataas na gusali, doon ako nagtungo. Shuhunga-shunga at pa-pormal epek pa ang aking suot ay nagtanung ako about sa exam. Aun. Mga lima ata kami o lanim na sabay-sabay na mag-eexam. Pinasunod kami ng isang guard at umakyat kami ng iba pang floor. Doon nag-umpisa ang nerve wracking na mga tanung. Ung exam ay IT related pero ewan ko ba, may essay part at logic din. Ang masaklap ay may exam na anlabo ng illustrations at pagkaka-xerox kaya sakit sa mata. Luckily, After 2 hours, pasok ako sa next round. Sa pagkakatanda ko ay 2 kaming natira. Sa next round ay grammar at reading comprehension nalang ata un at konting part sa mga anti-virus at mga worms, virus at trojans. Hula-hula lang at swerte naman na-reach ko naman ang passing grade. Kahit pawisan ay oks lang. Tinanung ako kung pede na ako magpa-interview. Nag-inarte ang lolo nio at nagsabing may exam ako sa ibang place ng hapon. Good thing pumayag. Bumalik ako kinabukasan at na-interview ako ng tisay na parang amerikana pero grabe, anlupit magtagalog. :D After ng interview, pinabalik ako sa HR at ininterview ng isa pang beses. Actually, mukang kunwaring interview nalang at inilahad na ang aking pinakahihintay. Finally, Job offering na. Ok ang sweldo at wala ang aking iniiwasan..... ang  James BOND! Ayokong matali sa isang lugar for years lalo na kung di ko na feel at di ako masaya sa aking napasukan. Nanigurado lang ako..... parang sa building, kailangan may fire exit. Tinanggap ko na ang offer at pumirma ng kontratang parang artista. Pinababalik ako ng september kasi kailangan ko daw muna mag-asikaso ng mga baranggay certipikits at mga sss at kung ano-anung anik-anik.

At dumating nga ang Unang araw ng Setyembre. Sakto ito kasi lunes. Eto ang Hiring official hiring date ko. Sept. 1, 2008. Nung araw na iyon ginanap ang unang orientation namin sa opisna. Rules at rules at rules at procedures. 1 day event lang at half day lang. Pinababalik kami kinabukasan dahil dun na magsisimula ang training. Eto na din ang umpisa ng pagpasok ko ng 11pm-8am. Now, welcome sa night shift!

Tuesday, first time ko na pumasok ng gabi. First time ko na umalis ng bahay ng 9:30 ng gabi pero hindi para maglakwatsa kundi para pumasok at mag-training for work. First time kong makikita ang trainer. Eto din ang first time na uminom ng kape upang magising. Puro first! taym pers! 

Soft skills Training- eto ang unang training na aming ti-nake. Eto ang pag-aaral about sa US culture, timezones, pronounciations, at kung ano-ano pa. Eto ang way para makipag-communicate sa other pips since ang magiging line of work ay somewhat Call center type. Korekted by, kakausap kami ng mga kanuto at kailangan ay atlist maayos ang aming pananalita at maiintindihan kami ng mga clients or customer. Nag-assessment exam kami. Buti nalang pasado. Dinouble check ata kung may pi en ep dipek kami. Chineck din ang mga schwa at slur. Sinubukan din ang mga short ang long vovels. Kailangan be careful sa pagbanggit at pagpronounce tulad ng BEACH at PACK. Sa 19 na nag-training, isa ang na-eliminate. Kung sino pa ung medyo bibo at nagpaparticipate sa discussion, sya pa natsugi. 
 
Sumunod na traininng namin ay products training. Dito ay tinuruan kami sa product na aming isusupport via phone. Ano ang aming produkto? Eto ung aming Antivirus. Tantanan. Pahirapan sa pagmemorize kasi mga 5 products ata un. Though may magkakaparehong features, may mga terms na talaga namang nakakalito at nakakabangag. Di ko na eelaborate masyado kasi sakit sa ulo. Ang masasabi ko lang, dito ko unang natutunan ang mga firewall firewall at mga anti-spam. :p Dito kami nagkaroon ng tinatawag na Close-case kung saan binigyan kami ng scenarioat kailangan namin magbigay ng solution based sa natutunan namin sa training or sa pagsesearch namin sa database ng support articles. Sabit nanaman ako at pasing lang ang nakuha. Dyos ko pong pineapple, anhirap isiksik ng new knowledge sa utak na puno pa ng mga kaalaman mula sa kolehiyo, delete. delete muna....  Sa labin walong pumasok ng products training, dalawa ang nalagas sapagkat ang isa ay bumagsak sa close-case(parang napag-initan ng trainer[di ko sure kung tama]) at habang ang isa ay biglaang di nagpakita. Ang last text nia, traffic at naglalakad sya..... Hanggang ngayon naglalakad padin ata sya. Masayang part ata dito ay ang unang sweldo ko..... It's heaven sensation na makatanggap ng lagpas 1k. :D

Third training ang tools and process. Sandali lang ito pero kasi parang halos nagbebeta test lang kami ng mga installation ng software at pagsagot ng mga test scripts. Actually eto ung part na nagkaroon ng parang gap between ng batch namin at ng aming trainer. Hehehe. Basta... hirap ikwento kaya skip ko na ung part na un. Sa third training, isa ang nalagas kasi laging late. Attendance ang malaking factor sa scores namin.

Last stage bago kami madeploy ang Academy bay o ABAY. Eto ang parang incubation at at preparation para madeploy. Di pa alam kung email or phone support kami kaya ginawa namin both. May times na nagchachat or email support kami at may times na nagphophones kami. Kalmado ako pag chat at email days pero pag phones..... Ay nako... nangangatog at nginig tuhod ako lagi. Laging naka-tututututok-tutok. Tutok na tutok at nangangatal at buckle to the max ang dila ko sa pag-ingles at pagkausap sa mga amerikano o kaya minsan ay aussies. Demn. Ang masakit ay tinatanung ako minsan kung taga-india ba ako. It hurts, it hurts you know! After ng 3 weeks, nakatapos kami ng training at na-deploy. Kalahati sa amin ay sa email habang ang kalahati ay sa phone. Di natupad ang wish ko na mapunta sa email support at sa phones ako na-assign. Sad thing, may isang nabawas sa amin, dahil sa attendance. Batch 14 kami at saktong 14 na katao ang nakapasa.

Nag-reminis lamang ako kasi ngayon ang 2nd anniversary ng aming batch. From 19 down to 14 people. Though may nagresigns na, ang masasabi ko lang, ang journey at trainings namin ay isang experience na di ko malilimutan.

:D

5 comments:

  1. haverdey pala sa batch mo :D
    haverdey sa job mo.. :D

    ReplyDelete
  2. ang saya naman! di ko talaga keri ang ganyang trabaho yung pagsasalita ng streit inglish.. hirap at feeling ko paginterview palang aabot na sa lalamunan ang betlog ko...

    ReplyDelete
  3. waw. hapi anniv. sana magtagal ka sa work

    ReplyDelete
  4. congrats!! tingin ko isa kang jenius!! galing ehh parang maning mani lang ang pagkakapasok mo sa work!

    ReplyDelete
  5. andami mo namang pinagdaanan. happy 2 years sa work!

    kanpai ^_^

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???