Thursday, September 23, 2010

Kasal! Kasal!



Last week pa dapat ako magkukuwento tungkol sa pinuntahan naming kasal ng isa naming kaibigan subalit lagi akong tinatamaan ng katam kahit na madami akong time sa office. Ewan ko ba kung anung sapi ang meron sa akin at kahit madalas ay idle e pabasa-basa lang ako sa pex at walang ganang magtype. Hmmm... Hindi kaya side effect ito ng iniinom kong brazilian slimming coffee??? pede.....

So nabanggit ko na sa unang statement na umatend kami ng kasal. Yep. Wedding. Actually, di sia church wedding kasi medyo madalian lang kasi ang plano nila na magpatali at magpa-bind sa isa't-isa. So ang nangyari ay nagkaroon lamang sila ng simple daw na civil wedding.

Actually ang alam ko lang na pinagkaibahan ng church wedding sa civil wedding ay ang magkakasal ay hindi pari at syempre hindi sa simbahan ang venue. Pero laking gulat ko.... kasi kwento sa amin ni doc (another friend) na mas mahirap i-pa-annul kung civil wedding. Atsaka ang kwento sa akin ni groom, di pa daw pede mag honeymoon kung civil wedding. (totoo kaya ito?).

Going back, sa kwento, e sakto naman dumating ang groom at bride, sakto din kasi nandun na din ang ibang friends na di namin kasabay nagbyahe kasi malapit lang sila sa place. Lima kaming mga ka-opisina/friends ang umattend at umupo kami sa iisang table (bakaw kami, sinolo namin isang table, jokes, konti lang din invited at madaming space). 


Ang Kinasal
-Bless at Andy-

So nagstart na ang wedding. Habang Nagsasalita ang ung magkakasal ay effort ako sa pakikinig ng mga sinasabi nia. Ewan ko ba. Ilang kasal na ang napuntahan ko pero ngayon lang ako nakinig sa mga pinagsasabi ng magkakasal. Parang it's the first time na nag-internalize ako at inintindi ang bawat pangaral at chechebureche ng huwes. Napaisip tuloy ako.... Hindi kaya part of me ay nais nadin na makatagpo ng babaeng pakakasalan ko at makakasama ko ng panghabang buhay? hmmmm....

After nilang magpangakuan, syempre may suot singsing at vows ang dalawa. Then after a few more minutes... Mabuhay ang bagong kasal na! Hep-hep! Hooray! Chibugan na! Woops, nagkamali ako.... Inuna na ang ibang seremonyas tulad ng cake cutting, lovey-dovey-kalapatis at ang champagne o wine toasting.... At sa wakas, nagchibugan na!


Si Mrs. at Mr. Yu

For the chibogs, oks naman ang handang inihain ng Aristocrats. Ang pinaka paborito ko ay ang kanilang super sweet at tamang timpla at smooth sa bibig na leche flan. Okay na sakin na di masyadong mag-rice at mag-ulam basta sakto at yummy ang disirts. (no pics, di ko matiis, gutom na eh)

 Before matapos, syempre, kelangan may picture picture para naman may captured moments sa aming mga dumalo kasama si groom.


Khanto, babaeng lakwatsera, Doc, Andy, Mapanuri, Spiderham at Tita Angge

After ng kasal, diretso kami ng Robinson's manila para manood ng Resident Evil na na-iblog ko last week.

Congratulations at Best Wishes para sa bagong kasal. Officially Bless Yu na ung bride. :D

PS. Ung mga larawan ay ninenok ko lang sa photographer na si Spiderham.... Baka mademanda ako kaya kailangan ma-mention. :D

12 comments:

  1. aristocrat ang best kaabang-abang there sa wedding na yan!

    congrats sa kanila at best wishes!

    ReplyDelete
  2. best wishest sa bagong kasal. bkit parang ang daming nagpapakasal ngayon? ang tanong ikaw sir kelan ka b magpapakasal? bago mo sagutin yan. picture greetings ha? bwahahahahah

    ReplyDelete
  3. hindi ako fanatic ng mga kasal-kasal eh.. (bitter kase hahaha)

    best wished sa mga newly weds..

    hmmm bakit namna di pa pwede maghoneymoon ang mga bagong kasal kung civil lang?

    ReplyDelete
  4. salamat sa mga dumalaw.

    @kikilabotz, sige, gagawan kita ng pic greeting

    @yanah, heheh, bitter ka pala sa kasal ha... :p

    @tong, makakadating ang congrats mo.

    ReplyDelete
  5. ayos simple wedding pa yung lagay na yun ha :P

    oo nga bakit hde pwede maghoneymoon ang civilly wed na couples? and i've heard na ang mga kinasal sa civil wedding e hindi pwede magreceive ng communion (catholic church).

    ReplyDelete
  6. yun oh, kasalan moments kasama si gepz!

    did she tell you about the shang vouchers? pag maganda ang deals lets try hotel buffet ha. sama ka! ;)

    ReplyDelete
  7. congrats sa kanila..ikaw kelan ka ikakasal? hehe

    ReplyDelete
  8. aw.. nalalapit na din. akoy kinakabahan na..

    ReplyDelete
  9. at nagsslimming coffee ka khanto?..

    ReplyDelete
  10. @jeffZ, uu, naka 1 week na ako :D
    @midnight, malapit na wed mo :D
    @sendo, ako? hmmmm. di ko alam... hahaha
    @chyng, sureness, sama ako.
    @sikolet, uu, simple pa daw un... hehehhe

    ReplyDelete
  11. wow mukhang mayaman naman yung kinasal!tutyal ang venue!HEHEH!

    So khanto, ikaw kelan naman ang kasal mo?naks may ganung tanong

    ingat

    ReplyDelete
  12. @drake, ang kasal ko ay kapag nahanap ko na ung girl :D hehehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???