Tuesday, September 14, 2010

Last Day sa Thailand!


Eto na ang super na nadelayed na wento nung naglakbay ang aming pamilya sa Thailand. Super pasensya dahil sobrang tinamaan ako ng katam last month kaya di ko naisisingit ang entry na ito.

July 31, Sabado. Last day na namin sa Thailand. 11pm pa ang alis ng eroplano kaya kailangan pa namin mag-ubos ng oras. Sa hotel, kailangan na namin umalis ng before 12 dahil kung hindi, considered as magdadagdag kami ng another day. All our bags are packed na and we are ready to go na ang hum ng utak at isip ko. Can't wait na para umuwi. Ready to gora na.

Before 12, umaga palang tinahak ko ang Kao San road upang hanapin ung nagbebenta ng voodoo dolls na keychains subalit wala. Damn! Nakakainis, di ako nakabili ng keychain na voodoo dolls. Anyway. Before umalis ng hotel, sinulit ko ito sa pagswim swim sa pool ng hotel. Di kalakihan ang pool ng hotel. Nung una, solo ko lang ung rooftop kasama ate ko. Di lumaon at nagsiakyatan na ang mga foreigners at dumami na ang tao. Puro mga chika babes at mga skins ang lumalabas. Show! Show some skin! Ewan ko kung ayaw lang nila ako makasama sa pool o nais lang talaga nila mag-sunbathing sa ilalim ng araw. Anu ba yun.... Mga tinapa at mga gustong maging tuyo ang mga fish. Grabe, ayaw nila sa tubig, gusto nila sa lupa. Anung klaseng mga sirenang yun, ayaw sumama sa shokoy. hehehe.





Napagdesisyunan ng pamilya na tumambay nalang muna sa mall upang doon magpalipas oras kesa maglakwatsa kami at maipit sa heavy traffic sa byahe papuntang airport. Upon leaving the hotel, ung si kuya tuktuk na nag-tour sa amin ang naghanap ng paraan para makahanap kami ng taxi na di over price. Nais kasi ng ibang taxi na 400 baht ang ibayad papuntang Siam Paragon Mall. Aun. Jackpot, instead of 400 baht, down to 100 baht nalang. Binilan nalang ng daddy ko si kuya tuktuk ng alak bilang friendly suhol. :D

Around 1 pm kami dumating sa mall kasi medyo nagbuibuildup na ang traffic sa main roads nila. Buti nalang at fixed rate ang taxi kundi deads. Pagpasok sa mall, pinaiwan namin ang mga bags at strollers dun sa baggage counter kesa naman dala namin kung san man kami magpunta. After ma-settle, nagusap-usap na libot muna, kanya-kanyang libot for 2 hours at magmimit nalang sa particular na lugar. 

Nilibot ko ang department store ng mall kasi medyo sosyal at high-end ang mga botiques sa mall. Shet na malagkit, ang mahal ng mga presyo ng mga bilihin. nangangatog ngatog tumingin kasi baka may mabasag o madumihan ako at sa akin ipabayad ang items. Ang nabili ko lang sa mall ay ung camera filter na may iba-ibang kulay. Alam ko na pede naman mag-edit ng pics pero wala lang, nahiwagaan lang ako kaya napabili ako. Habang inaantay ang mom ko at ate ko na alam kong sobrang matatagalan, napadaan ako sa car show. nangati ang kamay ko kaya kumuha ako ng larawan.





Delayed ng 30 minutes sa usapang oras ang ate ko dahil nuknukan un ng arts... Kung anu-anu ang pinamili, shoes at bags. Extra pasalubs pa sa mga agents nia at pansuhol sa mga bossing nia. Kumakalam na ang sikmura kaya nagdecide kami kumain. Medyo di heavy meal dahil may kamahalan nga ang mga pagkain. Umorder kami ng food at share share nalang sa 2 bottle ng tubig (di libre ang tubig). (di ko matandaan term tawag sa food, at ung name ng resto).





Need to kill more time kaya 2 hours pa kaming naghantay at nagpalipas oras sa mall. Doon ko nakuhaan ng larawan ung parang ocean park nila sa mall. Nagpunta nalang ako sa isang bookstore ng mall at doon ako namangha sa dami ng binebentang manga(kalabaw este ung comics). Wow! Ang serye ng Naruto at mga one piece ay andun. nakakatakam buksan at basahin pero di pede. Ninamnam ko nalang at binusog ang sarili sa pagtitig ng mga volumes ng one piece. Grabe... Gusto kong bumili kaso ala na me anda.


8pm ng nag-umpisa na kaming lumarga papuntang airport. kailangan maaga at baka di kami makauwi kung late dahil sa trapik. Naging mautak ung taxi driver at tinanung kung sa regular road kami o mag-special way na parang nlex. Pinili namin ung special kesa maipit ng trapik kung meron man. Ayun. Maaga kami ng 2 hours before magsimula ang pagcheck-in. Picture- picture muna. Nung pumasok na kami at nagreready na para sa pagboard ng plane, daan muna sa security. pak! Bawal ang bottled water. Goodbye sa baong tubig. Sa loob nalang daw kami bumili. pak! Nahuli ang ate ko kasi inilagay nia sa bag nia at tinago ung giant yakult na binili nia. kala nia makakalusot. Explain pa sia. No kenat be sabi ng thailander official at no choice, laklak mode sa 3 bottles ng yakult litro. Okay ka ba chan? shet! bloated sa yakult kasi nadamay ako, pinainum para maubos. 





While inside at waiting for the plane, hanap pa sana kami ng souvenir items sa Duty free pero mababagsakan ka ng higanteng martilyo sa ulo mo dahil ang mahal ng mga items. Juskopong pineaple, ang isang maliit na keychain ay worth 200-400 baht na kaagad. Ano to? Ang item na sinlaki ng ipis ay sobra ang presyo. Watdafudge! Since kailangan na din ubusin ang baht dahil magiging nonsense na ito sa pinas, bumili nalang ako ng hotdog sandwich at DQ. Over! pati food dito ginto. Since busog pa ako, ginawa ko nalang souvenir ung ibang baht na natira.

Pagsakay sa eroplano, ung mag best buddy na kasabay namin paunta ay present din. Same with the aleng nag-solo. Kasabay namin ang mga magkakatrabaho atang mga medyo gurangers na sobra kung magdadadakdak. Jusme, anlakas ng boses, akala nila nasa palengke! Ansarap ihagis sa emergency exit ng plane. Grabe lang ang ride pauwi kasi medyo malakas ang turbulence(tama ba spelling?). Napa-pray ako na lumanding kami ng safe. Ayun nga. Safe naman.

Since madaling araw na kami dumating sa clark airport, wala pa ung bus. Grabe ang fx or taxi, kumikitang kabuhayan. Ang mahal makasingil. Since wala naman kaming choice, ginawa namin, pahatid sa Dau at transfer kami sa bus pauwi. Exhausted na nakauwi pero nagawa ko pang magfacebook agad ng linggo ng umaga.

end.

Tips:
1. Bilin na ang dapat bilin bago umalis. ( I regret na di ako nakabili ng voodoo doll).
2. Mainam na gamitin ang natitirang pera sa labas. Sulitin na pamili ng souvenirs.
3. bawal ang water o liquids sa airport. Follow rules, wag pasaway! 
4. Mas maigi kung may susundo sa inyo- over price ang fare sa airport pauwi.
5. Enjoy the nice trip.... Home sweet home!

note: ung voodoo doll po hindi sya ung pangkulam. String dolls. eto larawan.

17 comments:

  1. Yeah ang mahal nga ng mga souvenir items sa airport kaya dapat sa labas ka talaga bumili--sa mga palengke nila hehe!!! mura pa... pero walang tatalo sa prices ng mga products natin dito... grabe mura pa rin dito dba! sa totoo lang,ang swerte natin. sbrang mura pa rin dito.

    anyhoo, kmusta naman tyan mo!? haha! nakakaasar noh. grabe sa lahat pa nang pwedeng inumin nang mabilisan--yakult pa! haha! namannn. sarap ng mga bacteria o haha! overload sila sa tyan mo haha! nice pics dude! :D

    ReplyDelete
  2. Sobrang nag enjoy ako sa series ng thailand adventures mo, Salamat sa pag share, alam ko na gagawin ko pag punta ako ng thailand. Balak ko rin kasing pumunta...Parang gusto ko rin ng voodo dolls hihihi. Swerte mo dahil nakita mo ang mga chikabebes sa pool na naka two piece bwahihihi

    ReplyDelete
  3. ang saya naman ng adventure mo, tapos kasama mo pa family -- kakainggit!
    gusto ko din ng keychain na voodoo doll-ang cute, nag ko-collect kasi ako ng keychains..
    tama ka, nakakaasar pag may kasabay sa plane na sobrang ingay-bad trip, sarap pa naman mag emo dun habang nakatigin sa clouds...

    ReplyDelete
  4. meron ding mga voodoo dolls keychain dito. hangkyuts. tamad nga lang ako bumili :P

    sa thailand din pala dyamante ang bilihin sa herfort. akala ko sa pinas lang. tsk

    cool cars! saya naman ng thailand vacation niyo. ^_^

    ReplyDelete
  5. @travelista, over ang jumbo yakult, sobra sa tyan. :D
    @jepoy, salamat sa dalaw. Nawa ay may napulot kang makatutulong sa trip mo.
    @yodz, yan ang pinanghihinayangan ko, ung voodoo keychains
    @sikolet, wow, meron din voodoo dyan sa lugar mo? wowowow.

    ReplyDelete
  6. Ayos! ang saya! salamat at kasi nafeel din namin yung adbentyur mo dyan sa thailand! woohooo...

    ReplyDelete
  7. Gumawa ka na lang ng voodoo doll mo tas gawin mong keychain, bigyan kita ng buhok ng kaaway ko tas tusukin mo ng needles yung voodoo doll. :D

    ReplyDelete
  8. Kamusta ang maliit na swimming pool? parang isang padyak mo lang asa kabilang dulo ka na ulit ^_^

    ReplyDelete
  9. Srsly, natatakot ako sa mga rebulto nila...

    ReplyDelete
  10. para na rin kasama ko nagtour sa thailand..
    kaiinggit..
    kaenjoy...
    thanks for sharin..
    gusto ko nung doll.. hahahaha

    nakakainis.. hidni talaga naguupdate tong site mo sa blogroll ko. :( kung hindi pa ko mangatok ng kusa dito di ko pa malalaman na may bago kang post waaaaaaa

    ReplyDelete
  11. ^ +1. hindi naguupdate yung blog mo sa blogroll ko.. weird..

    anyway.. ang nice ng BKK no? i just find this place uhm weird. sa dami ng buddhas and temples nila around, add mo pa yung pictures ng king nila everywhere - LEGAL ANG PROSTITUTION pero ILLEGAL ANG CASINO. how ironic!

    ReplyDelete
  12. @poldo, thanks at naenjoy mo.
    @ferbert, heheh, good idea.
    @kazumi, yep, konting padyak, nasa dulo na
    @glentot, uu, scary, laging mukang nakasimangot rebulto
    @yanah, may ganyan din aq sa blogroll ko.
    @chyng, talaga? aw, mas hokey ang bentahan laman kesa sa gambling... lupit.

    ReplyDelete
  13. parang ang saya saya ng thailand mo ha???

    ReplyDelete
  14. weeeh...naunahan mo na ako sa pagbisita sa thailand...gustong gusto kong pumunta diyan kaso mukhang hindi pa pwde...virgin pa kasi ako..joke.

    yang vodoo dolls.meron ako..woodedn nga lang...nangongolekta ka niyan?

    at yung carssssssssssssssss......yung carrrrrrrrrrrrrrsssssssssssssssss....leche! ang gaganda!! payag akong ibenta ang laman ko makabili lang ng ganyan! ahahahaha

    ReplyDelete
  15. @sendo, masaya naman sa thai.

    @maldito, hehehe, nbalitaan ko legal ang prostitusyon sa thai kesa sa gambling, go sell the meat :D

    ReplyDelete
  16. Wow ang ganda nung mga kotse! Sports car na sports car ang dating, na parang dapat gwapong gwapo yung bibili ng ganun. Wahaha.

    Actually meron ding mga voodoo string dolls sa PH dati but they're soooo expensive! I mean, for keychains they are a little bit pricey. Pero I guess kasi effort naman kasi gawin yun.

    Mukhang todo enjoy ka talaga sa Thailand ah! Kainggit! Hehehe.

    ReplyDelete
  17. @robbie, tama, mahal dito sa ph ang voodoodoll, kaya nga i regret na di ako nakabili ng madami sa thailand.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???