Eto ang mga bagay-bagay na naganap sa akin simula kahapon hangang sa ngayon.
1. Ang pwesto ko sa opisina ay nagtotopak nanaman. Di ko alam kung anong kamalasan ang meron sa pwesto ko sapagkat laging may problema sa computer. Nung mga nakaraang lingo, ang topak nito ay sa monitor. After nun, nagtopak naman ang UPS. At etong linggong ito, leche, laging nag-frefreeze ang pc ko kaya ngayon ay pinapaayos ang cpu and therefore palaboy nanaman ako at nakiki-pwesto sa mga absent at may restday.
2. Paubos na ang Brazilian slimming coffee na aking tina-take tuwing umaga. Some friends told me na di gaano effective ang mga iyon but somehow, nakatutulong sa akin ung coffeee kasi tila madali ako pagpawisan. It could be a sign na medyo natutunaw ang some fats sa aking katawan.
3. Level 45 palang ako sa nilalaro kong online game. Grabe. Ang hirap na palang magpalevel after mag change job. Di ko alam kung dahil may pasok ako kaya di ako makapag-adik. Nauubos lang ang oras ko kakapatay ng mga hinayupak na palaka pero .01 percent lang ang nadadagdag sa experience.
4. Kahapon ay napanood ko ang sinusubaybayan kong Survivor Nicaragua. Medyo madugas ng konti kasi magkasabay ang immunity at reward challenge. Ang masaklap pa ay nanalo ang tribe ng mga matatanda. Boo... At nakakatakot at nakakakaba ang votes dahil nasa chopping block si sexy Brenda. Buti nalang at ung isang lalaki ang natanggal. Natsugi dahil sa kanyang pagsasalita ng kung ano-ano.
5. Ngayong araw na ito, since medyo idle naman ay sumilip ako kung anong pelikula ang magandang panoorin. Isa sa napili ko ay ang Hachiko. Ito ay ang pelikula tungkol sa isang aso naging matapat sa kanyang amo. Grabe, Napaluha ako sa eksena dahil ang aso ay nag-aabang sa harap ng train station kung saan palaging bumababa ang kanyang amo nung ito ay buhay pa. Parang Patrash lang. At ang nakaka-iyak na part ay 9 years na naging cycle sa buhay ng aso ang pag-abang.
Ayan lang muna.....
parang magandang panuorin yang movie na yan....mukhang maganda at mukhang maiiyak ako.. hehehe...
ReplyDeletehindi kaya may balat ka sa pwet? :D
Alam mo ba na yung movie ni Hachiko ay based sa true story? Sad no? Napakaloyal talaga ng mga aso.
ReplyDeleteAng mga Windows talaga ay prone to sira. Kaya gusto ko na talaga bumili ng Mac kaso walang pera. T_T
yup alam ko yung hachiko na yan! Totoong nangyari yan eh!
ReplyDeletemukhang cool din panoorin ang survivor nicaragua, pero survivor philippines muna ako!hehhee
Ingat
@yanah, ewan ko, chineck ko naman pwet ko wala... heheheh
ReplyDelete@robbie, uu, sa japan daw based ung story.
@drake, di ako makanood ng survivor phil. kasi kailangan ng matulog ng ganung time. heheheh.
Napanood ko ang movie trailer ng Hachiko mukhang nakakaiyak nga lalo n yung naiwan ang mga aso...
ReplyDeleteI believe di malas ang puwesto ng workstation mo...baka may balat ka lang sa puwet di kaya? hahaha JOKE lng! Nakiki-FC lang sayo LOL...
Pkitong kitong! ( :
so anong slimming coffee yung effective? papainom ko sa officemate ko! hehe
ReplyDeletesabi ni geppz maganda daw pwesto mo jan eh, gilid, pwede mag-internet all you want!