Saturday, September 18, 2010

Mario!


Medyo madami ang idle at walang calls dito sa opisina kaya heto nanaman ako at todo type sa keyboard upang magkwento kahit minsan ay alam ko naman na medyo walang kwenta. Anyway highway, habang nagsesetup ako ng aking computer at naghahanda ng mga sites na akinng kakailanganin for work, napadaan ako sa yahoo. Dun ko nabasa ang hidwaan sa pagitan ni mariel rodriguez at toni gonzaga(showbiz?) at doon ko din nabasa ang pagdeny ni shaina magdayao sa issue ng vaginal lock nila ni john lloyd cruz(denial sa kati!). Pero di tungkol sa dalawa ang topic ko. Syempre, magiging Mario ba ang titolo ng article(talagang article?) kung hindi tungkol sa famous character na si Super Mario.

Actually, September 15 pa na post ung nabasa ko tungkol sa mario pero ngayon kop lamang nabasa. Ayon sa bali-balita, ang ever famous na tubero ay nakabenta na ng milyones na video game. At my next week daw ay 25 years na aking naka-jumper na pulang tubero. 

Para sa kabuuan ng balita, check the link.

Alam kong andami pang chechebureche kaya ang blog na ito ay magbabalik tanaw lamang sa Super Mario characters na inabutan ko (Mostly ung sa family computer lang at konti sa playstation1).
1. Mario- Syempre siya ang bida kaya nga named sa kanya ang game. Usually ay red ang jumper na suot nia. Medyo chubby chubby sia. Kapag nakaka-touch siya ng FLOWERS, aun, nagiging puti ang suot nia. Wird diba? Kung kelan humawak ng flower saka nagmumukang pure at inosente ang damit ng bida. 

2. Luigi- Ang nakababatang kapatid ni mario. Payatot at mukang lalampa-lampa. Medyo nerbyoso.  Ang kulay ng kanyang jumper ay green. Same din halos kay mario, mahilig sa flowers ang character na ito at nakakagawa din ng fireball kapag humawak ng flowers. 

3. Peach- Ang prinsesa at ang girl sa game. Eto ang madalas iligtas ng magkapatid na tubero. Ewan ko ba, lagi atang nakikidnap ang prinsesang ito. Laging nasa dulo ng game. Since prinsesa nga, common color nia ay pink with tiarra. Feeling ko nga, baka itong si princess ay may lihim na pagtingin kay Koopa kasi laging nagpapa-take out at laging nakukulong sa kastilyo ng kalaban.

4. Toad- Eto ang echoserang palaka este echoserang kabute sa game. Ang munting bata na may mushroom head. Eto ang batang laging eepal sa mario games kung saan sasabihin nia na ang prinsesa ay nasa ibang kastilyo na. pasaway much ang kabuting ito kasi laging basag trip, Sya lagi ang madalas makita sa kastilyo ni king koopa.

5. Yoshi- Siya ang pet-pets ng mga tubero. Di ko matandaan kung bakit napasama ito sa Mario series. Sia ang nagiging transportation mode nila mario. Ang parang donkey pero hindi na parang dino na ewan na ito ay helpful kasi kaya niang kumain ng mga pagong na kalaban sa game. After kainin, pede niang iluwa para makapatay din ng ibang kalabs.

6. Koopa- Si Koopa o kilala din as Bowser ay ang pinaka kontrabida sa mga mario games sa panahon ng family computer. Sya ang oversized pagong with spikes sa likod. Sya ang bossing ng mga kalaban. Sia ang promotor sa pagdakip sa laging nakikidnap na prinsesa. May kakayahang bumuga ng malalaking bolang apoy.

7. Kooplings- Sila ang mga tiyanak na anak ng boss. Samut-sari ang mga characteristics at powers. Kung anu-anung sanib at pwersa ang taglay at mga wirdo din katulad ng ama. Sila ang mga kinakalaban nila Mario bago dumating sa final stages ng mga game. Sila ang mga mini boss.

Naghanap ako ng mga imahe ng mga kalaban ni mario sa game at heto ang napulot ko:

Madalas na kalaban ay ung mga pagong, mini brown mushroom, ung pnat eater na lumalabas sa troso, ung plant na nagbubuga ng apoy, ung piranha sa tubig, ung kupal na nakasakay sa ulap at naghahagis ng spikes na kalaban at so on.

Para naman sa usual na pagpapalakas nila mario, heto ang larawan ng common boosters nila ni luigi.
Nakakamiss pala ang game. Sino ba ang may family computer dyan, palaro ako.

10 comments:

  1. habang pinapanood ko ung pictures, naalala ko tuloy yung mga panahong naglalaro ako ng super mario sa isang piso arcade machine (un ba tawag nun?) ---haha, yung hinuhulugan ng piso for a 3-minute game....haha...or hanggang sa maubusan ng life si mario ..ayun...grabe ang impluwensya niya abot pa 20th century

    ReplyDelete
  2. naalala ko nung bata ako.. kaaway este kaagaw, i mean kalaro ko pala sa fam comp.. madalas na super mario ang nilalaro namin.. sa sobrang pagkacarried away nalalaglag pa sa upuan niya yung pinsan ko habang naglalaro..

    wala lang.. gusto ko lang i-share...

    ReplyDelete
  3. lam you ba na hadik din ako sa mario games. nalaro ko na mario 64, paper mario, mario rpg, super mario 1 2 3, world, ano pa ba..

    basta great game yan!

    yung kay jlc at shaina naman.. hihi

    ReplyDelete
  4. Ang nalaro ko lang na mario is yung mga nasa Gameboy pa. Never ako nakahawak ng N64 at mga sumunod pang consoles ng Nintendo eh.

    Pero for me the best pa din yung old school Mario! =)

    ReplyDelete
  5. @sendo, natry ko din yang hulog piso video game
    @yanah,heheh, buong body gumagalaw sa paglalaro
    @tong, wow, di ko natry paper mario. hahah, gusto mo ng wentong vaginal lock ha!
    @robbie,yep, old school mario is unbeatable.

    ReplyDelete
  6. Hindi bat nagawan din ng movie toh?? nakalimutan ko na kasi sobrang tagal na rin hahahaha... 2years ahead lang ang edad nya sakin.. hahaha opps bata pa me hhehehehe...

    happy burpday mario segali!

    ReplyDelete
  7. ahahahahaha super funny ng deskripsyon kina mario, luigi, at toad ahahahahahhahaha so glad i stumbled on this blog

    ReplyDelete
  8. @poldo, di ko sure kung may movie
    @will, salamat sa dalaw at pag-enjoy

    ReplyDelete
  9. Aww, sino ba naman ang hindi nakakakilala kina Super Mario and friends!!! naku, favorite ko din yan parekoy. Nung panahon na di pa uso ang internet at playstation, yan ang paborito kong laruin sa family computer.

    Haha natawa ako sa description mo tungkol sa pagnakahawak na sila ng FLOWERS haha, *green minded* XD

    Favorite ko char si Yoshi - dinosaur ata sya... diba nangingitlog pa yan hehe.

    Maraming available famicom emulator sa net. i-google mo lang at i-download mo - then play for life ^_^

    ReplyDelete
  10. @fiel-kun, may natry akong emulators kaso may virus, GBA lang na download ko, meron ding mario games kaso di sing astig ng family com.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???