Thursday, September 2, 2010

luha

 
 
Tulala at tuliro, eto ang makikita sa taong tila inabot ng kamalasan. Naglalakad sa gilid ng kalsada, nakatungo at walang pakialam sa kapaligiran. Tuloy lamang ang paglakad ng paa sa kung saan man siya dalhin. Nakayapak lamang at nagpapaltos at pudpod na ang kalyo sa paa. Sige lang ng sige. Lakad lamang ng lakad. DI alam kung saan tutungo at di alam kung sa mapapadpad.

Sa gitna ng paglalakad, ang kapaligiran ay nag-umpisang dumilim. Dumidilim na hindi dahil papadating na ang mga buwan at ang mga bituin. Ang kalangitan ay unti-unting nilalamon ng kadiliman. Ang mga puting ulap ay naging kulay abo at unti unting umiitim. Kasabay ng pagbabago ng kapaligiran ay wala pading patid ang mga binting patuloy na kumikilos. 

Wala ng tao sa kalsada ang makikita. Sa sidewalk sila nag-aabang. Nag-aantay na tumila ang buhos ng ulan. Ang hangin ay sadyang malakas. Ang ihip nito ay kayang tangayin ang mga payong na mahina ang pundasyon. Kasabay ng buhos at bagsik ng ulan ay patuloy padin ang mga paa sa pagtahak sa landas na madulas.

Kulog at kidlat, iyon ang nadinig at nakita. Basang-basa sa buhos ng tubig na nagmula sa kalangitan. Himinto ang kanina pang pagod at nangangalay na mga paa. Tumingala sa kalangitan at hinahayaang halos mabulag sa patak ng tubig na bumabagsak. Kasabay ng pagtingala, makikita ang kanina pa palang namumula at namamagang mata. Habang pumapatak ang butil ng tubig, kaakibat nito ang luha na nagmumula sa mata ng isang taong grasang nawalan na ng katinuan dahil sa pait ng naging nakaraan.

(wala akong magawa at halos paulit-ulit na ang mga post sa forums na binabasa ko.... nagtry lang akong gumawa ng parang kwentong scenario habang malakas ang ulan na kitang kita sa bintana dito sa 11th floor ng opisina.)

3 comments:

  1. Naks ang lawak ng imagination.. o nangyayari sa totoong buhay hihihi

    have a great day khanto!

    ReplyDelete
  2. Naks ang lawak ng imagination.. o nangyayari sa totoong buhay hihihi

    have a great day khanto!

    ReplyDelete
  3. ikaw ba yung taong grasa parekoy? hehe!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???