Tuesday, October 26, 2010

Bubble Years


15 years na pala ang gag show na Bubble gang. Grabe, antagal na pala nito sa ere subalit patuloy padin sa pagbibigay ng tawa at ngiti sa mga manonood. Ibang klase ang tatag at tibay nito kasi ang mga ipinantapat dito ay mga natsugi na pero ang bubble gang ay nakadikit padin.

Naalala ko pa noon nung time na very popular sa channel 5 ang gag show na Tropang trumpo. Remember the caronia jingles at seiko wallet song. Dito nabibilang ang dalawa sa main cast ng bubble gang. Si Bitoy at si Ogie ay kasama sa famous na Tropang Trumpo crew pero nirecruit at napabilang sa Bubble Gang. After switching at magpasa hanggang ngayon ay sila padin ang kasama sa original show.

Natatandaan ko pa noon na inaabangan sa eskwelahan yung mga music videos ni bitoy kung saan ang english song ay ginawang tagalog at ang tagalog ay ininglish. Nakakaaliw din ang spoofs ng mga commercial kasi gayang-gaya nila. Sino ang hindi humagikgik sa Ang Dating Doon nila brod.pete, kung saan laging may walang pakialam na si brader jocel. Alien?! 

Madaming guest naang mga nakasama sa show. Meron ding casts na dumating at pinalitan pero tila nakadikit na sa puso ng pinoy ang show na ito. Congrats sa Bubble Gang, 15 years! wow!

Eto ang mga dahilan kung bakit mastinatangkilik ang bubble gang! (Ara, Assunta, Ruffa Mae, Diana, Francine, Jackie)








Woops, may hahabol pa daw:





Happy Weekend Everyone!!!

13 comments:

  1. Grabe ang tagal na pala ng Bubble Gang. Ngyon ko lang nalaman yan ah. hehe

    Pero minsan di na ganun nakakatawa ung mga gags nila.

    ReplyDelete
  2. being able to stay in the airwaves for 15 years is a great achievement,

    ReplyDelete
  3. Tagal na nga nitoo.. naalala ko pa yung mga kasabay nito sa kabilang istasyon... yung super laffin at ang ginaya nilang Tropang trumpo :)

    ReplyDelete
  4. Halos lahat ng mga gurlash ng bubble gang e malaki ang SUsonod!! ang hahawt pwera kay MIkka wahahaha..

    walang kupas at tatatag pa! ang tibay ni toybits..

    ReplyDelete
  5. @deej, Case to case ang mga jokes and gags.

    @spiderham, yes, korek!

    @mD, tama, super laffin ang katapat nito at tinapatan din nung may kasamang viva hot babes na show.

    ReplyDelete
  6. @poldo, talagang malaki ang mga susunod :p

    ReplyDelete
  7. true!! grabe no, dati elementary pa tayo, ngayon may anak na yung iba na elemntary na at may bubble gang pa din.
    they deserve to be named longest running gag show..

    ReplyDelete
  8. i watched this episode na 15 yrs na sila and na-realiz eko nga since 1995 pa sila! darn! 15 yrs, elementary pa nga ako nun but indeed, they've deserve it! :D

    ReplyDelete
  9. ha ha, naalala ko nga yung tropang trumpo - lagi kong inaabangan yun. ang saya. Tapos dun na nagsulputan yung mga gag shows.
    The best section ng bubble gang yung mga commercial spoof nila -- kakaaliw.

    ReplyDelete
  10. wow 15 years! alien! haha wag lang mawawala si bitoy at ogie sa lalo pang magtatagal ang bubble gang :D

    ReplyDelete
  11. 15 years is something...Natawa ako sa dalawang last pictures ahahaha

    ReplyDelete
  12. @chyng... uu, antagal na nga.

    @thepinaysolobackpker, they truly deserve

    @yods, topang trumpo at bubble gang mga best gag shows

    ReplyDelete
  13. @sikolet, alien! heheheh. tama ka, si bitoy at ogie ang best assets.

    @jepoy, pamatay hotness ung last 2 pics. :p

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???