Saturday, October 23, 2010

Silang mga Sikat!

Malamig ang simoy ng hangin. Kay saya ng bawat damdamin. Halatang ber months na dahil ramdam na ang malamig na pakiramdam sa umaga. Nadarama na ng balat ang morning chills. Pero bago pa man dumating ang araw na hinihintay ng mga bata-batuta sa pamamasko at ng mga empleyado sa kanilang christmas bonus, hindi pwedeng hindi daanan ang isa pang okasyon; ang halloween.

Hindi ko masyadong naiisip na malapit na pala ang undas at ang araw ng mgakaluluwa kung hindi ako nadaan sa site ni Robbie or ni creative dork. Naaliw much ako sa halloween contest nia at dun ako naka-isip ng ideya kung ano ang maisusulat ko ngayon. So para sa topic for today, eto ang mga listahan ng mga sikat na pips tuwing araw ng patay o araw ng kaluluwa. Sila ang mga kinatatakutan sa mga kwentong horror.


1. Tikbalang- Heto ang isang uri ng creature na hap-hap. Hap human hap animal. Kadalasan ang hap animal niya ay horse kaya most likely ay kamag-anak eto nila petrang kabayo. Kadalasang makikita o naninirahan daw sa forest ang mga tikboys at tikgirls. Sila ang mga mapaglarung kumag na nantritrip sa mga travelers/ trippers sa mga bundoks. Ang ginagawa nila ay ililigaw ang mga madlang pipol upang hindi makarating sa paroroonan kahit sila ay lumingon sa pinanggalingan.


2. Kapre- Hindi pinaglihi sa kape ang mga kapre. Sadyang maitim lang sila. Hindi rin daw sila kamag-anakan nila yao ming at bonel balingit pero nuknukan sila ng tangkad. Di pa alam kung sila ay nagcherifer, nag growee or nag zenith growth na mula sa home shopping network. Kumpare ng mga kapre si FVR dahil pareho sila ng mga trip pagdating sa paninigarilyo ng tabako. Usually ang mga kapre ay popular sa pagiging bangag sa pagka-inlababo sa mga kababaihan at nagiging stalker sila. Feeling siguro nila ay super chikboy sila. 


3. Mananaggal- Ang creature na parang naging assistant ng magician dahil kayang mahati ang katawan sa dalawa. Sila ang mga babaeng may ability na similar sa hipon, pero sa manananggal; kalahati ng katawan ang natatanggal. Plus factor sa mananaggal ang ilusyon nila na sila ay angels. Parang ipis na nagpapanggap na paru-paro. Mostly ang upper part lang ang may kakayahang makapanakit ng pips sapagkat ung kalahati ay naiiwan at dehins natin maproprove kung lumalandi ito at nakikipag-do kahit kalahati lang ito.


4. Nuno sa Punso- Sila na ang maliit. Sila ang ka-size nila thumbelina at tom thumb. Kamag-anakan din sila ng dwende pero sinasabing mas powerful sila dito. Kadalasang nakatira sa punso o mga bahay ng anay at mga langgam.Wag na wag gagalitin at may angking powers ang mga ito. May kakayanang palakihin ang parte ng katawan na nakasakit at nakasira sa bahay. Unless na gusto mong mas palakihin ang junior mo, wag iihian ang punso at baka maging kasing laki ng poste ng meralco ang junior mo at hindi ka na makalakad. 


5. White Lady- Mga multong babae. Dehins pa ako nakarinig na white lady na binabae or lalake. Ang mga white lady ay ang idol ni sadako pagdating sa fashion statement. Ginaya ni sadako ang white dress na suot ng kanyang iniidolo. Ang pinagkaibahan lang ata ay marunong magsuklay ang mga whitelady at minsan ay tila nag-rejoice ang mga multong ito(aaa-AYOS). Kadalasang sanhi ng pagpapakita ng white lady ay dahil need nila ng justice ng sila ay ma-aksidente o magahasa. Pede naman daw kasing magsabi ng please, bakit pa kailangang pwersahan silang gagalawin.


6. Tiyanak- Ang anak ni janice! at siya din ang nasa likod ni Rosalka. Sila ang inspirasyon ni Jastin biber sa kantang BABY, BABY, BABY OOOOH! Actually, di naman talaga sila baby, sila ay impostor o mga mapagbalat-kayong nilalang at ginagaya ang mga bata para makapang-biktima. Di ko alam kung kamag-anak ng mga bampira kasi mahilig manakma at mangagat ang mga tiyanak. Sila na ang mga nakakata-cute na creatures. 


7. Tiktik- Hindi ito ang mga kumpare at kumare nila TORO, BOSO, ABANTE at BULGAR. Much more na kamag-anakan sila ng mga manananggal pero may sarili silang kakayanan at powers. Sila ang mga best kandidate para sa mga putahe tulad ng lengua dahil sa kanilang mahahabang tounge o dila. Wow hebigat ang licking factors nila dahil kaya ka nilang puluputan ng suuuuuuuuuper long na dila. Ang madalas biktimahin daw ng mga tiktik ay yung mga babaeng makati at nagdadalangtao. Fave nilang biktimahin ang mga tisbun dahil sa feel nila ang yummy at fresh na sanggol sa sinapupunan.

Ang mga nasa taas ang famous dito sa ating bansa pero meron pang iba kaso di ko na kayang idiscribe kasi tinatamaan na ako ng katam. Runner-ups lang ang syokoy, Undin, blacklady at iba pa.

update* heto ang larawan ng undin :D

Advance Happy halloween guys!

Note: ang mga larawan ay nakuha sa google search :D

22 comments:

  1. isa lang ang kinatataukutan ko diyan always....ang potangenang tyanak na yan.ahahahhahaa..

    tapos yang mga duwende na yan..ang kukyut..lols...ahahhaa...ay sabi mo pala iba sila sa nuno sa punso...hmmmm?parang pareho lang e..lols

    ReplyDelete
  2. @maldito, tyanak ang nakakakilabot kasi from cuties magiging monsters

    ReplyDelete
  3. tanong: 'yung red lady ba eh variation lang ng white lady?

    sa tuwing nanonood kasi ako ng mgb dati (nung mga panahon pa ni kabayan) eh dun ako lage natatakot. lalo na 'yung reenactments. tangina, katakot umihi pagkatapos manood.

    pero sa ngayon siguro, ang pinakanakakatakot na eh si justin bieber, ang tiyanak ng makabagong henerasyon. yayks!

    ReplyDelete
  4. Potek na picture ng tiyanak, parang cyborg ang itsura~

    Yung nuno sa punso kamukha ni Dobbie sa harry Potter.

    Bwahahaha!

    ReplyDelete
  5. @lio_loco, variation na ata yung red lady. at tama na nakakatakot kumilos sa bahay after watching magandang gabi bayan halloween edition :D

    @spiderham, high breed kasi yung tiyanak :D

    ReplyDelete
  6. meron akong kwento sa mga yan.. naunahan mo ko bossing wahahaha..

    pinaka nakakatakot dyan e yung malanding white lady i heyt et!!

    ReplyDelete
  7. hangkyut nung pic ng manananggal hee ^_^

    sa undin talaga ako natakot ng sobra. ayokong magbanyo nun dahil sa undin na yan :(

    ReplyDelete
  8. ang galing nmn may halloween post ka na!!!

    aus ah..naaalala ko nga dti nung may mgndang gabi byan pa..naduduwag akong umihi ng mgisa pag npnood ko ung halloween special nila..

    nakakita na ko ng whte lady dati...at hindi ako ntakot nag totot kami lol

    ReplyDelete
  9. Ayokong-ayoko manood dati ng MGB kapag hallowwn special,, hindi ako nakakatulog.. May tanong nga pala ako, ano ba iyong undin?? :D Hahaha,, wala akong muwang e.. :D:D:D:D

    ReplyDelete
  10. unang petyur pa lang ayaw ko na.. sensya na hahaha eto ata entry mo na talagang hindi ko binasa..
    iskeyrd is daw me eh..

    ReplyDelete
  11. @Khanto haha! natuwa ako sa description mo bawat creature. walang bahid ng katatakutan.. puro katatawanan.

    ReplyDelete
  12. @poldo, takot kang landiin ng white lady :p

    @sikolet, yung undin baka mandakma sa inidoro :p

    @rico, katakot pag mag-isa ka sa haus or walang adult sa haus tapos magandang gabi bayan ang ppanoorin.

    ReplyDelete
  13. @michael, ung undin ay parang syokoy na hindi. Galing siya sa shake rattle and roll. Si ai-ai ang nabiktima ng undin.

    @yanah, sige, skip na lang, baka matakot ka ng subra

    @behn, saka na ang horror kapag undas na :D

    ReplyDelete
  14. pinakakyut ang undin. hahaha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  15. Update sa UNDIN...
    Yan ang character na di ko makakalimutan! napulot ni Manilyn reynes sa isang ilog/kanal/baha ahh basta stagnant water at parang EGG ng palaka tapos yun lumaki ng lumaki gamit ang water sa inidoro hanggang naging ganyan ng itsura!

    sa pagkakaalam ko mabait ang UNDIN kasi bandang huli pinakawalan din na sa wild where undin belongs... BOW

    ReplyDelete
  16. @kikilabotz, nothing beats undin

    @poldo, naaalala mo pa ang detalye ng undin :p

    ReplyDelete
  17. sino naman ang di makaka alala sa undin e yan ang isa sa pinaka the best horror creature sa pinas plus ang GALING NG ARTE dyan ng isa ding ULTIMATE HORROR QUEEN Na si MS.MANILYN REYNES halos lahat ng magaganda at pinaka nakakatakot na pinoy horoor film andun sya!!! pinoy pop culture na yan si MANE ang UNDIN at ang MGA ASWANG!!! takot ako

    ReplyDelete
  18. @anonymous, bagay kay mani ang horror films :D

    ReplyDelete
  19. haist my kakilala acu kamukha ng undin ..
    hehe !!!

    ReplyDelete
  20. pagnakatabi q sa pagtulog yang white lady na yan naku puh!!!!! sasapakin q yung pinong-pino

    ReplyDelete
  21. hahaaha,. aus to ah,. nakakatuwa,.hahaha,. lol,.

    ReplyDelete
  22. @jennifer, wakokkok, literal na hawig ng undin?

    @anonymous, sapakin mo na :p

    @philip, salamat sir

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???