More than one month na ang nakalipas nung ako ay nagbirthday at sad to say ay hindi nakadalo ang mga college friendships ko dahil mga busy-busihan ang mga frogs este nahiya sila kasi di naman lahat makakadalo. So instead, nangako sila na they will make up to that at ililibre nalang nila ako kapag nagkita-kits kami.
Note: Medyo magiging mahaba ang kwento, jumingle ang dapat jumingle bells.
Fast forward, After a month, nabalitaan namin na ang isa naming friendship ay back to singlehood na after ng almost 7 years na relationship. To comfort at to party daw ay nagkaroon ng plano na magkita-kits last week pero due to something, naudlot ito at na-reschedule kahapon.
Trinoma, yan ang madalas na meeting place naming college friends dahil malapit ito sa mga bahay ng madlang pips. 8pm ang meeting time namin kaya 5pm palang ay nagprepare na ako. Holiday kaya akala ko konti lang ang mga pasahero sa mrt, pero it turns out na mali ang aking akala. pak. Medyo siksikan padin. At ang masaklaps pa doon, pagpasok ko, nyeta, may umaalingasaw na paa. Juice ko pong pineapple, toxic ang amoy! Nanunuot! Buti na lamang at may dala akong pabango sa bag ko kundi shemay, di ako makakadating sa meet-up.
Saktong 8 ay nakapag-kita-kits na kami. Since ako daw ang ililibre, ako daw mamili ng place. Sabi ko sa tabi ng Seafood Island para ibang resto naman pero ang nangyari, pagdating dun, naisipan na lamang na dun sa dating tambayan na lamang since mag-nonomnom kami....So enter the Gerry's Grill ang mga pips.
Nababangit ko na noon na sa aming college pipols, di kami umaabot ng sobra sa apat. kapag may meet-up o gathering, madami na ang apats. So tulad ng usual gathering, aba, apat-dapat-dapat-apat ang drama ng pagkikita. Walang binatbat ang power of two at power of three sa power of four.
Kaming apat na nagkita-kits ay naghanda na para chumibog. At since treat nila yun, wala akong ginawa kundi ang mag-antay ng order nila. Ang kinuha nila ay yung group meal na composed of grilled pork bbq, grilled squid, chopseuy at grilled chicken. Sayangs at wala kaming digital camera para kumuha ng pictures ng food.
habang nagpapakabusog sa chibog, nag-catchup na kami tungkol sa mga buhay-buhay. Naghagilap ng balita about other batchmates at other pips. Nagulat ako kasi late na pala ako sa balita na ang isa pang kasama sa barkads ay juntis na. So sa pitong katao sa aming group, lima na lamang ang walang anak.
After masimot ang bawat butil ng kanin sa plato at masaid ang pagkain ay umorder na kami ng toma. Ni-recommend ng isa ang nomnom na nag-ngangalang 'Cerveza Negra'. Ang kwento niya ay parang red horse lang daw yun. So tig-iisa kami ng boteng negra. Lintek na negrang yan, kumakapit ang pait sa lalamunan. Ewan, though di naman malakas ang tama, parang di kaya ng aking taste buds.
So habang nilalaklak ang alak, nag-umpisa na ang wento. Ang wento tungkol sa break-up ng isa naming friend. Ayun, sawa ang dahilan. Sawa (hindi yung ahas, di rin ga-ahas) ang reason. Parang fell-out of love ang naganap. Wala ng spark daw. Wala ng improvement. Wala ng reason to hold on. Ayun, bago man mag 7 years, it ended. Pero elibs ako kasi walang mukmok factors, tila happy ang magkabilang party. So ang dalawang kampo ay tila nag-partey-partey! They are free!
Since ayaw na namin dun sa nyetang negra ay sa kabayo na lamang kami. Tuloy padin sa mga kwentuhan. Tuloy sa mga follow-up. Dun ko din nalaman na nagkaroon ng pustahan ang tatlo sa aking friends. Aba, mga loko, ako ang naging guinea pig. Nagpustahan kung within 2 years ay magkaka-'aksidenteng' Baby ako o magiging tatay. Ang mga kumag ay pinagtripan ang aking pure self. May ibang kwento pa tungkol sa akin ang ginawa ng mga kups. Nilait lait pa ako! Pak! Sabi konting ayos lang daw ang gagawin at baka makahanap na ako ng love life. Sabi ng isa, isang MAJOR OVERHAUL daw ang gagawin. Aba, binibira ako. i hate it... pero alam kong totoo.
Binigyan ako ng mga payo. Sinabihan ako na kailangang magka-make-over sa akin. Binigyan din ako ng mga tips katulad na dapat babaan pa ang mababang standards. Grabe lang.
Ang power of Four
Since magsasara na ang Gerry's grill, nagdecide na kaming lumipat. Hehehehe. Napilit ko sila na ilibre ako ng kape. Yep. Tinangka kong buyuin sila na magkape para makumpleto ko ang stickers para sa planner. Sa bait nila ay nakakuha din ako ng first planner ko. Ngayon, sisimulan ko na ang magkaroon ng plano sa buhay. :D
First Real Planner ko,
hindi to notebook katulad ng Jollibee planner last year
After ilang minuto, uwian na kami since may pasok pa sila. Ang day with them ay nakakaluwag ng damdamin kasi nagiging masaya ako. Salamat sa kanila at konti lamang ang gastos ko sa araw na iyon. :D
note: Ang power of Four ay currently mga single dahil mga sawi sa pag-ibig ang tatlo habang ako naman ay di pa nakakahanap ng spark :p
Ang 2 pics ay kuha gamit ng cellphone ng isa sa mga pips.
Ang 2 pics ay kuha gamit ng cellphone ng isa sa mga pips.
TC!