Short post lamang ito sapagkat medyo kilo at mainit pa ang pakiramdam ko dahil sa lagnat/sinat.
Kahapon, biyernes, ito ang first day of the week ko sa work. Pagkapasok ko ay medyo madaming calls sapagkat madaming naka-training. So it ended na jampak calls sa umaga. Ang good thing ay medyo humupa ang dami ng calls nung hapon.
Then nakita ko sa tv at sa spam email na may sale daw sa megamall. Ito ang toy kingdom warehouse sale. Nag-flip ako ng coin kung pupunta ako or hindi. Nag-heads kaya nagdecide akong pumunta. Habang papunta, biglang umulan. Wala akong payong. Basa! Pero ang good thing di naman ako super duper wet at nakapunta din sa mall.
Pagdating doon sa mall, shemay, jampak ang tao. Nakakahilong maglibot at maghanap ng good buys. Sakit sa ulo ang paghalughog ng toys. Ang masaklap pa, anghaba ng pila sa cashier. 3 hours ang inabot ng pagpila. The good thing naman e may nabili ako at nalabanan ko ang test of patience.
Nung pauwi na, walang masakyan. Queueing ang mga sakayan. mamimili ka kung san mo gustong sumakay, sa Bus na gagawin kayong sardinas o sa epex na pila balde o sa jip na mala pila ng wowowee. Patatagan ng paa kasi kailangan mong tumayo. Good thing ay nakasakay naman agad sa jip at di trapik.
Kinagabihan, masama na ang pakiramdam ko. Nasusuka ako at nahihilo. Ang temperatura ay tumataas. Nagiging hotness ang body dahil sa natuyuan ng ulan. Boom. Tinablan ako ng lagnat. Kaasar. Di nanaman ako makakakuha ng perfect attendance sa opis. May absent nanaman ako. Ang good thing, umuwi na ang dad ko na galing probinsya at tila kumpleto kaming apat sa bahay. Inalagaan pa ako dahil may sakit ako.
Yan lang muna at pahinga mode muna.
get well soon po khanto! nexttime, magdala na ng yong-pa, para di mabasa ng rains. :)
ReplyDelete@khanto tsk! Bioflue mu kuya khanto.. Partida may lagnat ka pa nung ginawa mo yung post na 2... Hehe pagaling po!
ReplyDelete-halojin
@BatangG, salamat. Di lang ako naging prepared sa rain
ReplyDelete@Halojin, Biogesic lang nasolb na. Ingats!
isang pack ng hello panda lang yan at gagaling ka na..hehe.. in sickness and in health, true blogger pa din; :)
ReplyDelete@whattaqueso, tama!!!!
ReplyDelete