Habang nagpapalipas ng oras kaka-refresh ng blogger kung sino sa mga sinusundan ko ang may recent post ay napadpad ako sa blog ng Nomnomclub.com at dun ako napatingin sa isang kontest. Ito ay ang kontest para sa premyo ng Starbuck USB. Korekted by ang nabasa nyo, USB! Though nagiging trend at uso na sa opisina ang external hard drive ay wala akong kebs at pakels kasi para sa akin, for small personal files, wagi ang usb. So heto ako at nag-eeport para sumali sa pakontest.
Para makasali, wala kang gagawin kundi magtala ng 5 wish items for christmas tapos dapat hindi kukulangin ng 100 words and then kailangan mong i-link yung website nila na nomnomclub.com at pagkatapos nun, magpadala ng email sa admin<@>nomnomclub.com with your name,
Heto na! Heto na! Heto na! Waaaaaa! Dooooby! Joke! Heto ang aking 5 wishlist para sa nalalapit na kapaskuhan.
Di ko naman itinatago na medyo na may kalakihan na ako. Fine! Chubbiness na ang aking katawang lupa. Mula sa size 32 na pants ay nag-jump na ito ng 6 steps forward. So kapag kinumpyut nio yon, size 28 este 38 na ang bewangs ko kaya need ko ng items na makakapagpa-trim down ng aking hubog. Aba! Nais ko din naman na maging hunky hunkyhan ang body at magpakita ng pandesal sa tiyan kaya ang nasa wishlist ko ay mga gamit na makakatulong na mag-reduce ng weight at make that flabs to abs! At since isa akong couch potato, ang nasa listahan ko ay ang mga slimming things/items na napanood ko sa telebisyon, partikular na sa home shopping network. Heto ang best 5 ko.
1. Silhuet 40(siluwet kwarenta)- Heto ang kauna-unahang slimming item na napanood ko sa telebisyon. Ito yung parang sabon na ipapahid mo sa iyong body habang naliligo sa medyo mainit na water para bumukas ang pores tapos magbabanlaw ka using cold water para umepek ang pagtunaw ng fats. Di ko alam kung meron pa nito pero pasok ito sa aking list.
2. Power Juicer- may isang palabas tungkol sa oldies na mahilig mag-juice kaya kahit gurangger-z na ay fit na fit padin ang nagremind sa akin ng item na ito. Eto yung ipapasok mo lang yung kung-ano-anong prutas tapos voala, may juice ka na. Pedeng carrots, celery, apples, grapes at orange. Ang good thing pa ay hinihiwalay nito ang balat sa juice. O ha, iwas soda at ice tea mode para pumayats.
3. Lesofat- Oo! Tinatago ko ang taba ko. Kaya nga pasok sa third slot ang diet pills o slimming pills o supplement na ito. Actually, nagkaroon ako ng matinding pagmumuni-muni kung lesofat ba talaga ang ilalagay ko kasi pede din ang kangkunis, ang xenical o ang slenda. Pero dahil catchy ang tagline nito, win na win ito para sa aking listahan.
4. Total Sauna- Dahil wala akong masyadong pera upang magpunta sa gym ay nararapat lamang na ilagay ko sa listahan ang item na ito. Kahit nasa bahay ako at nanonood ng tv o nagbloblog or naglalaro ng online games, maaari akong pumasok sa loob ng item upang magpapawis at ma-feel ang sauna even at home. No need for expensive gym membership! wagi!
5. Ab Rocket- Syempre, kapag natunaw na ang mga fats at tabs sa aking katawan ay kailangan naman na maging firm at magkaroon ng mga maskels sa aking tyan. Dapat na i-welcome ang six-pack abs sa tyans. Syempre sa tulong ng ab rocket, matotone at maiisculpt ang body para maging kasing hot-hot-hot ang aking wankata.
Ayan lang muna. Di pa ako nakakapag-isip kung sasalihan ko naman yung sa Starbucks planner 2011 contest.
Ngayon lang ule nakabisita dito bossing! hahahaha..
ReplyDeleteAko din on going na ang pagpapayat!! kailangan para sakto sa paguwi hindi majubis.. hekhek..
good luck sa wish list :D
naks! nakakareleyt ako dito! parang gusto ko din ng number 4. ang cool!! anyways, sana manalo po kayo sa contest at ma-gra ang bonggang bonggang starbucks usb! :)
ReplyDeletenaks ako din gusto ko ng pumyat hahah...takbo k ng 10km a day effective ata yun nyahhaa..
ReplyDeleteboom ngaun lng nkabisita ulit
haha gusto ko rin nung no. 2! feeling ko kapag nagkaroon nako ng power juicer papayat nako. kaso hanggang ngayon di pa rin ako nakakabili :P
ReplyDeleteHayuuup bakit puro pampapayat!
ReplyDeleteyun oh.. gusto ko yun yung usb na Sb,,, hehehehe :D
ReplyDeletenakalimutan mo kankunis.. hehe puro pampapayat talaga ha.. bakit hindi mo i-wish ang new volume ng hip-hop abs.. haha :P
ReplyDelete@poldo, kelan ba uwi mo. sana nga mag-efect ang diet sa atin :D
ReplyDelete@BatangG, sana nga manalo :D
@Unni- payat ka naman unni ah. :D
@sikolet, mahal ang power juicer. cant afford aq
ReplyDelete@glentot, siyempre, para pumayats na this christmas
@axl, sige, sali ka na din.
@JeffZ, hmmmmm, pede yan, luma na songs sa hiphop abs.
ReplyDeleteHindi naman obvious na gusto mo mag-lose ng weight no? Hehehehe.
ReplyDeleteaw.. at ang ganda ng USB...gaya mo, mas prepared ko din ang usb kumpara sa external HD (dahilan ng walang pambili ng external).. hehe
ReplyDeleteBakit parang last year pa yung contest para sa usb? Di ko sure ah? Haha. December 9, 2009 nakalagay eh. Ang contest ata ngayon eh yung planner lang. Ang cute pa naman nung USB.
ReplyDelete@robbie, actually hate ko magpapayat :p
ReplyDelete@MD, same, walang pera pambili.
@Yow,thanks. Napansin ko nga :( o well.