Eto na ang kadugtong ng paglamyerda ng aming team sa Laiya Batangas. Kung noong nakaraang dalawang kwento, ito ay tungkol sa day event nung nag-outing kami, ngayon ang night event naman ang aking ishe-share.
After mag-muro-ami, back to shore na kami at nagbanlaw dahil malagkit ang tubig dagat. Habang nakapagtanggal ng lagkit sa katawan at mawala ang asin na natuyo sa balat, ang karamihan ay nagprepare na ng pang dinner. habang ang ilan sa mga pipol ay naghahanda ng mga putahe, ang iba naman sa amin ay naglaro pa ng isang game. Kami ay naglaro ng straw building game. Sa pamamagitan ng mga straw, kailangang makagawa kami ng mataas at matibay na tower gamit ang straw with the help of some tali, bato at tingting. At dahil sa game na ito, nakagawa kami ng mala-graph na tower.
After nun, syempre tom-jones na ang bituka ng batang si khanto kasama ang mga indians kaya ang dalawang rice cooker na puno ng kanin ay tumaob at dahil yun sa mga nilutong putahe tulad ng piniritong tilaps, experimental adobo, inihaw na babs at kamatis. Bundat kung bundat ang mga taong nagdidiyeta kaya after nun, ready na ang lahat sa final game for the night. Kasabay ng pag-ulan ng booze na kabayong pula, ang madlang pipol ay naglaro ng napaka-komplikado at makapigil hiningang 'Pinoy Henyo'.
Matapos ang laro, ang iba ay nag-light-painting gamit ang kamera ni spiderham. And then, since maganda ang liwanag ng buwan kaya gora ang mga pips sa dalampasigan o seashore upang mag chillax at magpatuloy ng konting inuman. Ang iba ay nagpicture picture pa sa tabi ng beach habang ang iba ay naglublob sa dagat sa ilalim ng maliwanag na buwan. After nun, back to base na para matulog at maaga pang aalis dahil may pasok kinabukasan.
Maaga din kaming nagising dahil 9am ay kailangang makalarga na dahil ang iba sa amin katulad ko ay may shift pa ng 2pm. Nakapag-relax ako ng todo sa lakad na iyon. At after a week lang, i know na i will be back dahil katabi lang ng punto miguel ang pupuntahan for another outing :p
TC!
PS: Salamat ng todo kay spiderham. Next time, may sarili na sana akong digicam. :D
astig ng picture yung nagdrawing ng k. pano yan?
ReplyDelete@kikilabotz, may dslr na cam si spiderham tapos may penlight/flashlight. Kung ano ginuhit, yun ang lalabas. Di ko din alam pano gawin yung trick e
ReplyDeleteawwww nagutom ako dahil sa mga food pics :(
ReplyDeletetumaob ang rice cooker san ka pa! hihi
ReplyDeletepwedeng pahingi ng fish mukhang yummy!
nandyan na ko:-)
team building na malupit ba to Khanto? Nice one! hehe!
ReplyDeletekuya khanto? Una sa lahat maraming salamat sa lahat.. Sa payo at mga pag bisita...anyway regarding sa new post mo na ito? Ang masasabi ko lang napaka say ng bonding moments nyo hehe..
ReplyDelete-halojin
Gagayahin ko nga yung nagdrowing ka ng letter K. haha...
ReplyDelete@sikolet, heheh, natakam ka ba?
ReplyDelete@tong, yez, taob talaga! :D
@behn, thanks.
@halojin, thanks.
ReplyDelete@glentot, go. abangan ko yung pics sa blog mo. :p
nagutom ako sa pics.. ang sarap naman, inuman sa dalampasigan.. :)
ReplyDelete