Tuesday, November 9, 2010

Share the Love!


Napapalapit na ang pasko kaya oras na para sa pagbibigay ng saya at pagmamahal hindi para sa sarili kundi para sa ibang tao. Heto ang mga bagay-bagay na kailangan ng ating tulong.


Ating suportahan ang 'Isang Minutong Smile'. Ito po ay isang proyektong para sa mga batang nangangailangan. Para sa mas detalyadong info, click the links below:

 Next na pede nating suportahan ay ang community Outreach ni Ms. Chyng. Mag iisponsor lang kayo ng isang bata para sa christmas party ng isang bahay ampunan. Sa halagang 150 pesos na katumbas ng starbucks sticker ay makatutulong ka na sa pagpapasaya ng kiddies. For more info, click the link below:

Last na sa pamamahagi ng ligaya. Mag-pasaload na sa aking cellphone. Joke. Last ay ang Ma-Aga ang pasko ng Jollibee. Mag share ng mga toys sa mga kiddos! Meron ba kayong mga nakatambak na toys na in good conditions pa? Stuffed toys na medyo maalikabok at napabayaan? Pede namang ipa-laundry at ibigay sa mga chikiting para matuwa this christmas. So share some goodies at ilagay sa mga boxes sa any Jollibee branches.

Ayun lamang pow. Bow. Nawa ay makapagbigay tayo ng ngiti, tuwa at saya sa kapwa!

2 comments:

  1. wow!
    salamat po for this post..
    keep smiling! ahihihihi

    ReplyDelete
  2. touched naman ako.. hehe
    thank you!!!!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???