Monday, November 1, 2010

Iskeri!!!!


Ngayon ang araw ng mga patay. Pero sa inglis, araw ngayon ng mga santo, all saints day kasi. Ngayon ang araw kung saan ang mga tao ay abala sa pagpunta sa mga sementeryo upang dalawin ang mga mahal sa buhay na sumakabilang-buhay na. Ngayon di ang araw kung saan lahat ng kwentong nakakapangilabot ay naglalabasan.

Wala namang nakakatakot o karimarimarim na pagpaparamdam at pagpapakita ang nangyari sa akin. Walang ghost story, walang mga kapre, walang supernatural phenomenon ang naganap. Matiwasay halos ang lahat marahil nadin dahil may pasok ako. Pero may isang pangyayari ang nagpatayo ng buhok sa batok. Isang kaganapan na nagpabaligtad ng mundo.

Habang papalubog na ang araw, ako ay nasa loob lamang ng bahay habang abala na naglalaro. Walang tao sa bahay sapagkat umuwi ang aking mga magulang sa probinsiya upang dalawin ang puntod ng aking kuya, mga tito at gradparents. Ang ate ko naman ay nasa trabaho kaya ang lahat ng bintana at pinto sa bahay ay nakasara. Tahimik ang lahat at walang ingay na madidinig mula sa lasenggong kapitbahay na laging naghahamon ng gulo. Tila nakikiisa siya sa mga kaluluwa, manahimik naman kahit minsan lang. Ninanais na ng aking mata na pumikit at matulog na lamang ng makarinig ako ng busina na nagmumula sa harapan ng bahay.

Isang sasakyan na parang fx ang tumambad sa tapat ng gate. Mula sa loob, binuksan ang pinto upang alamin kung sa kapitbahay ba ang sasakyano sadyang sa bahay namin ito naghohonk. Isang babae na may edad na ang lumabas at kumatok sa gate. Tila may hinahanap. Nilapitan ko kung anung pakay niya at nagtanung. Marahan na sinabi ng babae na hinahanap niya ang aking magulang. Nagulat ako kasi di ko siya kilala mula sa hanay ng mga naging ka-opisina ng aking magulang o kaya naman ay kamag-anakan. Nagpaliwanag ako na wala ang mga pips at folks na hinahanap nila. 

Nag-isip ng sandali ang babae at di ko mawari kung ano ang nais niya. Di ko alam kung aalis na ba iyon or may nais ipasabi. Hanuba yun, e kung tinext nia nalang kaya ang pirints ko. Hassleness. Nag-antay ako hanggang sa may sabihin siya. 

Para akong estatwa sa kinatatayuan ko ng marinig ang mgasinabi niya. Gulantang at windang ang nadama. Ang mga paa ay nawalan ng lakas at ang tuhod ay parang nalusaw. Huwat?!! Ano?!! Ano itong aking natuklasan. Akala ko sa telenobela lamang ito tunay na nangyayari. Akala ko sa mga libro lang ito nagaganap. Di ako makapaniwala. Bakit? Seryoso?! 2 words lang ang nasabi ko na pabulong, " Pak shet". 

Pumasok ang babae sa kotse at tila may kinakausap. Ako naman ay di makapaniwala sa nadinig ng aking ears. Ako?!! May kakambal?!!! Joke ba ito?!! Asan na si bitoy?!! may sisigaw ba ng YARI KA?!!! wala. Tahimik ang lugar kasama ng ilang kandilang nakatirik sa mga gate ng kapitbahay. Bakit?!!! Bakit after all this time. After ng ilang taon. 24 years!!! Bakit ngayon ko lang nalaman na may mga kapatid ako na hindi ko man lamang nakita at nakilala. In my 24 years of existance ay wala akong naamoy, nasagap, nadinig na chismis tungkol dito. Anu to, deepest secrets? Bakit nila nilihim ito!! 

Lumabas na ulit ang babae. Kinausap ako kung handa ba akong makita sila. Handa na ba akong makita ang aking mga kapatid. Ready na ba akong makita ang mga kakambal. OO, mga as in hindi twins, hindi triplets. Pak! Hindi ko inexpect na imbis na multo at maligno ang makikita sa araw ng patay, e mga kadugo at family members ang masasaksihan. This is it! Kailangang harapin ang katotohanan. Let's face it, Let's do it! Go!

Napadora the explorer ako at binilang isa-isa ang mga kapatid ko. uno, dos, tre, kwatro, singko, sais, Siyet-e. Watdapak, Octuplets kami. Bakit wala namang napabalitang ganto dito sa pinas ah?!! Aw, aw! Napaluha ako kasabay ng pagpatak ng mga butil ng tubig na nagmula sa kalangitan. This can't be happening!




























Octuplets!!!
[Fiction Story]

10 comments:

  1. haha fumi-fiction ka na rin ngayon :D galing nung octuplets picture XD

    happy halloween!

    ReplyDelete
  2. Juskopo pare-pareho ang tabas ng mukha!

    ReplyDelete
  3. parang crop tas copy paste yung mga face. hehe

    ReplyDelete
  4. hahaha ininlarge ko talaga ang pic hahaha magkakamukha nga hehehe...

    ReplyDelete
  5. Akala ko pa naman totoo na. Pero, mga mukha nila talagang pare-pareho ang ilong.. Hahahaha,, ilong nakita?!?! :D:D:DD::D

    ReplyDelete
  6. @sikolet, kailangan mag fiction paminsan minsan

    @glentot, magic by photoshop

    @g4strainer, kagebunshin mode yan :D

    ReplyDelete
  7. @ellenjoy, yep, tila ganun ginawa

    @jag, talagang ininlarge? heheheh

    @michael, bat kaya ilong ang nakita mo? hehehh

    ReplyDelete
  8. hahaha! akala ko kung ano na, ung mga kakambal mo pala.. hehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???