Thursday, November 25, 2010

Walang Indianan 2!

Medyo on the mood na ako para magkuwento kaya heto nanaman ako at nagtytype ng kung anu-anong mga salita para matuloy na ang balita at wento ko tungkol sa naging outing namin sa batangas. Kung matatandaan, noong nakarang Sabado ay nagpunta kami sa Laiya batangas upang ganapin ang aming team outing. Naputol ang aking kwento right after ng lunch kaya heto na ang karugs.

After namin kumain ng sinigang na baboy at nabundat sa food, Napagpasyahan ng team na magpahinga muna kasi ang iba ay wala pa talagang tulog. Ang balak sana ay mga 3pm ay gigising upang ipagpatuloy ang game. So ang lahat ay abala sa Pagnakaw ng idlip at magpahinga ang katawang lupa. Ang iba sa boys ay naglaro pa ng pusoy habang ang iba naman ay diretcho hilata na sa kama para ma-rejuvinate ng powers.

Lumagpas na ang 3pm pero ang iba ay bagsak padin at nakahilata sa bed. Gumising ako para naman makita ang dagat. Then from there, nagkayayaan na kung sinong gustong mag-snorkeling Nung tinanung namin ang presyo, 150 pesos lang kasama na daw yung gears na gagamitin katulad ng googles at yung tubo sa snorkel. Nung unang estimate namin, mga apat lamang kami na may balak mag snorkel pero habang kami ay nagpreprepare na para pumalaot with the help of life vest and everything, unti-unti naming na-engganyo ang iba na sumama at from 4, e lumagpas na kami sa sampung katao. 

Kasabay ng maingay na ugong ng motor ng bangka ay nag-journey na ang bangka at nagpunta sa snorkling site. Ready na ang mga madlang pips with the googles at yung tubo para makahinga ka. Ang iba ay di na gumamit ng gears at tanging life vest lang ang dala. One by one ay nagsisitalunan na ang mga madlang pips na parang nagmamala-Muro-ami lang. ARYA!!! Yan ang sigaw na nais sabihin ng isip ko pero wala e, basta tumalon na lamang ako kasabay ng napalaking tsunaming naidulot sa karagatan. Syempre joke lang yung tsunami. Di yun totoo!


Sa loob ng isang oras, ininjoy ko ang malinaw na dagat at ang kakayanang lumangoy sa malalim na parte ng dagat. Pers taym ang pagsnorkel kaya sa una ay bobito kong sinoot ang googles na hindi nakokover ang aking nose. Ayun, ang-alat sa ilong at anhirap huminga. Boploks mode lang. Buti ay nakaramdam ako ng bopol-sense at na-correct ko naman ang ka-tangahan. Nakakapag-swim-swim-swim na ako habang di hirap ang ilong sa paghinga. 


Nakakatuwang pagmasdan ang mga isdang nasa ilalim ng dagat. Iba-ibang laki. Walang masyadong colorful na isda katulad ni nemo at ni doris pero nakakatuwang pagmasdan ang mga water animals na lumalangoy from different direction. Nakakamangha ding pagmasdan ang mga corals na nasa ilalim. Makikita ang mga bahay at tahanan ng mga isda. 

Sayang at wala akong underwater camera upang kumuha ng larawan ng mga tanawin sa dagat at mga isda. Buti na lamang at may dalang camera si spiderham kaya kahit paano ay may souvenir pics ako sa aking unang snorkel. :D

itutuloy......

10 comments:

  1. natawa ako dun sa tsunami XD

    i love snorkeling :) salamat sa lifevest para sa mga taong tulad ko na hde marunong lumangoy :D

    ReplyDelete
  2. wag kakalimutan ang kwento ng sultan sa part 3~

    ReplyDelete
  3. sarap mag-snorkling. peyborit ko yan kaso kinakabahan ako lagi kapag ginagawa yan kasi di ako marunong lumangoy!!

    blogenroll \m/

    ReplyDelete
  4. ang sarap naman nyan,busog na ang tyan busop din ang mata!

    Libre mo naman ako brod oh, isama mo ako next time!hehehe

    Ingat

    ReplyDelete
  5. nakakainggit...sama naman kami next time :)

    ReplyDelete
  6. Sayang naman walang makukulay na isda... dito kasi maraming makukulay na isda nandito rin sina nemo at doris hehehheheheh

    ReplyDelete
  7. sobrang hindi ko makakalimutan ang laiya sapagkat na sugat ako ng bongga dyan. Medyo malalaki kasi ang bato dyan...

    ReplyDelete
  8. @sikolet, tma, thanks sa lifevest. :D

    @spiderham, cge. :p

    @ako din, di ganu marunong :D

    ReplyDelete
  9. @drake, sige, sama ka :D

    @karen, cge, sama kau ni drake :D

    @xprosiac, buti pa dyan, makulay :p

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???