Tuwalya- Check!
Tshirts- check!
Deodorant-check!
Shorts- Check!
Briefs- Check!
Slippers- Check!
Toothbrush- check
Handa na lahat ng gamit ko para sa nakatakdang team outing namin. Biyernes ng umaga ay nakapag-empake na ako ng mga dadalhin. I'm so excited, and i just can't hide it. Makakapag-chillax mode nanaman!
Nagshift pa muna kami dahil saturday pa talaga ang outing. After ng 9 hours ay ready na ang lahat. Nag-aantay na kami sa itinakdang time ng departure. Before the call time na 2am, nag-decide muna ang team na uminum ng kape at baka makatulog ang driver at wingman. At dahil dyan, nakapag starbucks pa ang madlang pips at nakakuha ako ng libreng stickers para sa starbucks planner.
Dumating na ang time at everything is ready to go to na. Dinibaydibay ang mga pips para magkasya sa tatlong cars. Slightly convoy ang drama. Dalawa sa cars ay may dalang walkie-talkie para makapag usap kung san mag-aantayan and everything. It took us around 3- 4 hours dahil may time na nagpa-gas, palengke at nagjinglebells pa. Makalipas ng ilang oras na nakalapat ang pwet sa upuan ay narating na namin ang destinasyon. Welcome to the jungle beach. Welcome to Punto Miguel, Laiya Batangas.
Good thing at walang naka-reserve na other pips sa place kaya maaga kaming nakapaglagay ng gamit sa room na aming ni-rent. May limang double deck na kawayan na good for 2 kaya good for 20 ang place. Di sya aircon pero sapat na din kasi may bintilador at malaki naman ang mga bintana. At since ang iba sa mga kasama namin ay may partners, masuwerte akong nakakuha ng kama na solo ko lang :p.
Kahit medyo bangenge pa dahil straight from shift, nakapag-prepare na kami ng breakfast at nakapagsaing nadin. Sandwich, hotdogs and eggs lang ay solb na. Nagpalipas muna ng ilang saglit at nagready na ang mga pips para sa games/ activities.
First game ay ang tinawag na obstacle course. Bakit obstacle course? Di ko din alam. Pero ang nangyari ay hinati kami sa 3 teams. Sa first part, may scavenger hunt o ang maghanap ng kung anong bagay. Then, time for frisbees kung saan kailangang magpasahan ng frisbee at dapat masalo. Third part ay ang paswertihan sa paghagis ng 2 coins. Dapat ay pareng chub o parehong cha para makaproceed sa last round. Last ay ang memory card game. Panalo ang team na kinabibilangan ko sa game na ito. :D
Team Awesome
Second game ay ang hybrid patintero. Bakit hybrid? Iyan ay dahil nakablindfold ang mga players. Tanging ang team captain lang ang wala at ang games commitee. This is a game to test coordination at pagfollow sa instruction ng leader. Nakakalito ito kasi naririnig mo minsan ang commands ng kalaban at nakikifollow ka kung saan ang punta ng binabantayan mo. Ang mahiraps lang nung ginanap ang game na ito ay nasa 10am na at tirik na ang araw. Grabe ang sikats at matutusta ka kung naging subrang tagal ng game. Ang chocolate brown kong kutis ay naging dark chocolate brown na. Sadly ay na-olats ang team ko sa game na ito. Pero fun syang gawin
After ng makataktakpawis na patintero, nabusy ang madlang pipol sa paglalaro ng baraha habang niluluto ang aming tanghalian. Nahati ang pips sa dalawang card games, ito ay ang tong-its pips at ang 123pass pips.
For tanghalian, sinigang na baboy ang aming kinain. Swak na swak ang lasa sa kumalam na sikmura. Kahit diet-dietan mode ako ay naka dami ako ng kinain. After mananghalian ay nagdecide na magkaroon ng pahinga muna at kumuha ng konting tulog.
Itutuloy....
PS.: ang mga larawan ay kinuha ko sa facebook ni spiderham, ni mapanuri, multiply site ng punto miguel at sa isa pang kaopisina. :D
awesome outing!
ReplyDeletena miss ko bigla ang mga dati kong ka team. at ang mga ganitong outing. Haist! Sarap! Okay dyan sa laiya nakapunta narin ako dyan one time, sarap mag road trip :-D
ReplyDeletewhatta great and fun outing! sana masundan pa ito..
ReplyDeletewow! ang saya naman
ReplyDeletenakyutan ako dun sa double deckers.. hang kyut nilang tingnan :D
kainggit..
wow ang saya naman nyan parekoy! yan ang mga nami-miss ko sa pinas....ang mga malulufet na outing!
ReplyDeleteblogenroll \m/
Nakow, mukhang ang saya nung mga pa-games niyo pang nalalaman,, ako??? Hindi ako masyadong outdoorsy type, kaya enjoy kayo diyan ... :D:D:D:D:D:D
ReplyDeleteNaiwan mo toothpaste! LOL!
ReplyDeleteHaaayyy meron akong memorable memory diyan sa Laiya... *laslas pulso*
aw.. ang saya saya.. sana may outing din ang mga bloggers. hehe
ReplyDeleteang nice naman jan sa laiya. maidagdag nga sa aking listahan hehe
ReplyDeletemukhang enjoy ang team outing :D
@spiderham, awesome!
ReplyDelete@jepoy, sarap nga mag road trip kasi malayo.
@whattaqueso, sana nga maulit
@yanah, anlaki ng double decks dun.
ReplyDelete@Nobenta, yep, ansaya nga. :D
@Michael, yes, masaya yung games
@thegasoline, iniwan ko toothpaste, makikihingi lang
ReplyDelete@MD, sana nga may outing din
@sikolet, yes, nice dun.
Woooaahhh ang saya! nakakainggit hehehe.. di bale nakaka enjoy parin dahil sa kwento mo! salamat hehe
ReplyDeleteWow! Nice team building...I was in Laiya 3 years ago...ang ganda ganda pa rin ng beaches dun hehehe
ReplyDelete@poldo, nawa ay nag-enjoy ka
ReplyDelete@jag, tama, ganda nga ng beaches. :D
Wow Punto Miguel! Nag Team Building din kami dyan before pero dun sa isang branch nila sa batangas, I forgot where. saya ng vibes dyan. Hehehe.
ReplyDelete