Ang araw na ito ay puno ng pinaghalong tamis at pait .
Kahapon, after ng shift ko, around mga 12 midnight ay napagpasyahan ko na gamitin yung free starbucks drinks na aking nakuha nung last time na nag starbucks ang team. Ginamit ko yung resibo para makakuha ng libreng panulak at pampagising. While drinking that free mocha smoothie, grabe lang ang kalsada, walang maparang sasakyan pauwi. Lahat ng jeep ay puno na. Kahit ang venga bus na g-liner at rrcg ay standing ovation at sardinas mode. Almost 30 minutes na akong nakatayo sa sidewalk pero talagang bokyas. Buti nalang at nakatyamba ng isang jeep na may konting space.
Pagkauwi ko, medyo busog pa ako sa jampak food na kinain ko sa opis kaya inisnab ko muna si jalibi at diretso sa bahay na ako. Pagkauwi ay harap nanaman sa computer at nagcheck ng games. Grabeng lag padin. Kafrustrate na bawat [indot ko sa keys ay walang epek sa character at di namamatay ang mga monster, bagkus, yung character ko ang nadeds. Shet. So inistap ko muna ang paglalaro. Pagsilip ko sa ref para tumingin ng machichibog ay tumambad sa akin ang dalawang kahon ng surpresa. Bakit? Kasi bihirang magkaroon ng laman na kahon sa ref. So dali-dali kong binuksan at tumambad sa akin ang hephep horay cakes! Woot-woot! Suweeeeeet! Isang Blueberry Cheesecake at Isang rectangular yellow-pink cake. Kahit tulog na ang mudra ko ay binulabog ko at tinanung kung pedeng lantakan. Wagi! masaya ang bituka at alagang bulate ko! :p
After ng 5 hours straight na paglalaro at pagkain ng cake ay napagpasyahan na ng katawang lupa ko na magpahinga. Humilata ako sa bed at mabilis na natulogs. Naalimpungatan ako at nagising ng medyo badtrip. Pano, yung cellphone ko parang tanga, di nag-aalarm. Tapos pag tinetest naman, dun naman sya tutunog. kaasar-cesar. mas nabad-mood ako kasi may news na nasagap ang aking ears na kailangan ko daw mag givesung ng kaperahan sa aking mudra para sa padaasal ng lola kong natsugi 2 years ago. Okay lang na magbigay kaso di pa nga nila binabalik yung 14k ko. Jusko pong pineapple, Nakalista nanaman ata sa tubig ang perang inuutang nila. Pinabayaan ko nalang muna at isinalang ang dvd na How i met your Mother. Kailangang hindi ignoramus sa kwento kaya play the series mode na ako. Ayun, good mood na uli ako dahil sa kwento.
Around 4pm ng mag-getset na ako para sa meet-up naming mga college friendships. Magkikitakits kami sa Trinoma para pagkwentuhan at magcatch-up-an. Medyo trapik sa ortigas. tagaktak man ang pawis ay may-i-walk ang paa ko papuntang mrt para makasakay. Aw-aw-aw. rejected na ang stored value ticket ko. At mukang pila ng willing-willie ang ticket booth kasi may sira ang cashier. Nagdecide nalang ako na before ko imeet ang frienships ay sa megamall muna ako at manood ng movie na Harry Potter. Habang nagpapatuyo ng sandamukal na pawis ay nakarecieve ako ng text. Di ba puwedeng i-move ang meeting? Juskopo. Na-cancel pa! Nasayang ang eport ko at ang pagdala ng gift ko sa kanila pero wala e. C as in cancelled na talaga. Sa mga oras na iyon ay parang gusto kong manood ng Saw instead of HP dahil sa dismay pero kailangang chillax.
Nakabili na ako ng ticket sa Harry Potter at kumuha ako ng seat sa may itaas sa bandang gilid kasi walang tao dun. Solo ko halos ang space. I-feel at home at seating comfy ako. Na-enjoy ko ang preview ng ibang movies. Bago magsimula ang show, aba, may 5 medyo oldies na kasing edaran ng parents ko ang umupo sa row na nasa harap ko. okay lang sana kasi medyo bansut at di naman balakid ang ulo nila kasi tall naman ako ng onti. Pero ang nakaka-buraot ay yung kumag na babaeng nasa harapan ko. Ansarap niyang tadyakan, batukan, kaladkarin at ihagis pababa ng theater dahil text ng text. Anung masama kung nagtetext, yun ang nasa isip ko nung una. Silent naman siyang magtext, yan ang second na nasa isip ko. pero ang nakakabadtrip ay buong movie ay nagtetext sya! Bakit ako apekted??? kasi nakakadistract yung lights ng jologs na cellphone nia na parang medyo upgraded sa nokia 3310. Ewan! Grabe. Nakakasilaw ang lights habang ang buong paligid ay dark dahil sa movie. Kailangan ko pa minsang dumikwatro para maharangan ng hita ko yung ilaw sa leche niyang cellphone. Ansarap ipakidnap kay jigsaw yung kupal na iyon. Ewan ko ba kung napilitan lang siyang manood pero sana ay di nalang siya pumasok. Pasalamat siya at maunawain ako ng slight at na-forgive and not forget ko siya at nakapag-focus ng onti sa movie. Na-aliw ako sa pagkakagawa kasi similar sa book at okay ang pagkaka-film. Nakakasad nga lamang dahil sa deaths ng 2 minor characters na hindi naman human. Kudos. After ng movie ay nag starbucks ako para makapagpakalma.
Pagkauwi sa bahay, medyo tomjones na ang aking mga alaga. Di naman kasi nila feel ang kape at as prefered nilang mag-carbs. Ayaw nila ng panulak lang at mas type ang mga tinutulak. Pagkapasok ko, sinilip ko ang ref at ang dining table, olats. Wala. Chineck ko ang rice cooker, walang rice. Doomed! Na-sad ang mga bulats. Pagkasilip ko sa kitchen, may pasta at spaghetti sauce pa. Nag-prepare na ako at niluto ang spaghetti at gumawa ng sauce. Walang giniling na pork at hotdog at walang tuna or sardinas kaya ang ginamit na meat ay isang lata ng meatloaf. After mga 45 minutes ay nakakain din ako with matching coke at natirang cheesecake.
Solb na ang araw na ito. kahit may mga di magandang naganap ay nabalanse naman ng mga matatamis na things. Yun lamang!
Kung ako sa iyo, pinaslang ko na iyong babae kung naiistorbo ang movie experience ko sa Harry Potter ng mga kalokohan niya... Hahahaha.. :D
ReplyDeletenice so detailed escapade, badtrip ung canceled lakad mo ah. Badtrip nga ung nag txt kasi maliwanag ang ilaw sana ibaba ang phone hanggang sahig diba hihihihi
ReplyDeleteGrabe! Parang a few posts ago puro weight loss ang nakita ko sabay dito puro pagkain! Wahahaha. In fairness nakakainggit yung 2 cakes sa picture mo! Huhuhu... pati yung spaghetti mo... nakakagutom tuloy!
ReplyDeleteang galing ng spaghetti mo khanto, talagang ginawa mong initials ang meatloaf. hehehe
ReplyDelete