Thursday, November 11, 2010

Kulang sa Time


Nananakaw ba ang oras? May pumipitik ba nito? May store ba para makakuha ng extra time? Grabe, mukang tama nga na time is gold. Pero Time is endangered species din.

Ewan ko ba. Sa 24 hours parang kulang yun para sa mga nais kong gawin at mga task na nais kong pagkaabalahan. Andaming nasa listahan ko pero anhirap atang mag time manage.

Heto ang mga tasks na gusto ko sanang ipagsiksikan sa isang araw.

1. Magmarathon ng new korean series na 'My Girlfriend is a nine tailed fox'. Ang hirap isiksik sa sked ang panonood nito kasi 1 hour per episodes.

2.Mag palevel sa dragonica. Adiktus na pero pero ambagal magpalevel sa hinayufak na game na ito. per day ay mga 5% lang ng exp ang nakukuha ko for 2 hours. minsan negative pa kasi nadedeadbols sa lag.

3. Gusto kong mag-aral muli ng programming. Parang anhirap naman kasi kung sa calls na lamang iikot ang life ko. Gusto ko din naman ma try na matawag na programmer. :D

4. Mag-exercise at magpapawis. Ako naang majubis. Ako na ang majinbabuy. Grabe, i need to shed some pounds. Kailangang mareinforce ang pagtake ng slimming kape. amp.

5. Mag-relax, mag-bakasyon at magtravel. Nais kong makapunta ng iba-ibang lugar at mag-dora da explorer. Where are we going.... to the bitch este beach....

6. Work. Nais ko ng extra work for extra income. magkukuracha mode na magkakayod para sa kadatungan. Gusto kong humiga sa kama na puno ng pera.

7.Blogging. Nais kong magsulat ng mga adventures o ng kung ano-ano. Nais ko din ang makapasyal sa kung-saang blog para lumawak naman ang online friendships.

8. Matulog. Since napapadalas ang pag-ulan, parang nais ng katawan ko na humiga sa kama at matulog at maghihihilik. 

9. Painting/drawing. Nais kong matutong gumuhit. Drawing bata kasi ang mga gawa ko at walang binatbat sa mga artists kaya nais kong ma-enhance ang paggamit ng lapis.

10.Mag-swimming. Gusto kong magbabad sa tubig at maglangoy langoy na parang syokoy. Gusto kong mag floating sa tubig habang umuulan at malakas ang hangin.

Sensya na sa mga wirdong bagay na aking pinagsasabi. Andami ko kasing nais gawin pero restricted ang kaya kong maakomplish dahil sa iba-ibang rason. Kung meron nga lang nung time room sa dragonball na kung saan ang isang araw ay katumbas ng isang taon, edi madami na akong nagawa. :p

15 comments:

  1. Pambihira! Mahirap nga pagsabay sabayin yan sa isang araw, gusto mo pa magtravel? E di hindi lalo nagawa yung ibang trabaho. Haha. Pero hindi masamang magpahinga. Have some time for yourself. Relak relak lang kasi. Di masama yun. Haha.

    ReplyDelete
  2. apir sa 4,5 and 6.. makarelate ako jan..
    sa tulog? honga.. papalamig ng papalamig lalo dito.. pero ayaw matulog ng katawan ko. syet!
    at ang oras.. mukhang parehas taung tinakbuhan..
    tae! ako lang ang laging puyat na mashoba! pano ba itei?

    ReplyDelete
  3. @yow, tama, hirap talaga pagsabayin. hehehe.

    @yanah, same tayo, slightly puyat lang naman sa akin kasi kailangang maglaro after ng shift tapos maaga ang giosing dahil mainit na.

    ReplyDelete
  4. Eto na ang sinasabing so many things so little time... ganyan din ako... lalo na ngayon! hehehehhehe

    ReplyDelete
  5. eASY easy lang.. lahat e magagawa kaso hindi sabay sabay! kaya yan!! gow! hehehe

    ReplyDelete
  6. Set your priorities which you like to do first. Hindi mo pwede gawin lahat yang mga bagay na iyan ng sabay sabaw.
    Huwag mong i-sacrifice ang pagtulog, di mo maramdaman yan ngayon, pero later you'll know what i mean.
    Speaking of sacrifice, meron mga bagay na pwede mo isacrifice for the mean time.

    ReplyDelete
  7. Gusto mo palit tayo ng daily routines, khanto?? Ang ginagawa ko lang naman: aral, tapos tulog. Iyon lang. :D

    ReplyDelete
  8. 4 tama dapt magpapayat ska dapat pag pawisan tlga dahil mabuti s katawan yun..hehe ska 5 makpg relax.. Hehe -halojin

    ReplyDelete
  9. hirap talaga kapag ang daming gustung gawin. biruin mo, di na ako makapetiks sa bago kong work kaya medyo controlled ako sa FB at blogging. siyempre may chatting pa ako sa labs ko. tapos may sarili rin naman akong totoong buhay sa labas ng computer. ayun....kulang din ang time sa pagtulog. tulog ng tulog puyat. kain ng kain...sana pumayat!!

    blogenroll \m/

    ReplyDelete
  10. @xprosiac, andami kasing kailangang gawin. hectic much.

    @poldo, iniisip ko sana may kagebunshin :p

    @spidey, anhirap hanapin ang dapat iprioritize, lahat nasa number 1 :D

    ReplyDelete
  11. @michael, gusto ko yan!!! pero kailangan din may work para may peraness!

    @halojin, tama, dapat mataktak ang pawis

    @nobenta, dapat multitask mode ka pala. Busy ka sa mga tasks. blogenroll!

    ReplyDelete
  12. where are you going? to the bitch? ahahaha. anak ng putik. hahah . natawa ako dun ha? cg humayo ka at magpakarami. haha

    ReplyDelete
  13. Marami rin akong gustong isingit sa daily routine ko like more tulog, more time magmuni-muni, mag-exercise at magemote. Sayang. Sana iconsider na lang ang 2 days as 1 day.

    ReplyDelete
  14. @kikilabotz, heheheh. beach talaga yun, wrong pronounciation lang

    @glentot, parang gusto ko yan, 2 days is 1 day :p

    ReplyDelete
  15. pareho tayo sa ilang bagay.. =) but im a programmer now, all i need to do is the rest you stated below, pewo wala akong time.. huhuhuhu! talagang ma karelate ako sayo... =)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???