Sunday, November 7, 2010

Khanto Pick: Perfect Match


May bago nanamang korean series na ilalabas ang abs-cbn. This time, hindi siya ilalagay sa afternoon slot pero sa primetime ito ilalaunch. The name of the series is "Perfect Match" pero ang real name nito ay "Personal Preference" or "Personal Taste". Di ko alam kung bakit kailangan pang baguhin ang title nito pero bahala na sila.

Since di naman ako nakakanood ng primetime shows dahil sa schedule conflicts at ayaw ko din manood ng chop-chop series kung saan andaming pinutol na eksena kaya nag-quiapo mode ako at binili ang series sa suking tindahan. Hayoko ng nabibitin at naiinis ako sa andaming preview ng last episode at next episode at kakarampot na episode for the day kaya mas enjoy ako sa full blown episodes from dvd.

Ang kwento ng series na ito ay tungkol sa isang bebot na niloko ng jowa. Ang jowa niya ay pumatol sa kaibigan nia for 10 years. Ang masaklap pa, ang isa sa friend nia at ka-partner sa negosyo ay ninenok ang pera nia leaving her sa pooritang sitwasyon. Kailangan niya ng kadatungan para hindi mailit ang bahay na nailoan nung friend nia. Sa kabilang dako, May isang boylet na nagtratrabaho sa isang architectural firm. Mayroon silang target na kumpanya for bidding kaso ang kalaban nila ay giant company na sugaps at madupang. Upang manalo sa bidding sa isang proyekto, kailangan niyang malaman ang architectural design ng bahay nung girl.

Sa buong 16 episodes, iikot ang wento sa dalawang characters na nagkapalagayan ng loob habang siyempre may mga kontrabida katulad ng manunulot na friend nung babae na nais din ahasin ang new papable ni bebot. Andun din ang ex-boyfriend ni bebot na nais makipagbalikan dahil si girl ay anak ng isang bantog na architect. 

Bakit ko napili ang series na ito? Dahil yan sa yan ang lagi kong napapanood na commercial lately kapag umuuwi ako at kapag napapanood ko ang Juanita Banana. In fairness, maganda ang istorya at mga twists :p

Heto ang ibang larawan ng posters ng series na ito (ginoogle ko lang)




7 comments:

  1. Mukhang ang kulit ng palabas na yan ah... hehehhehehe

    ReplyDelete
  2. buti naman kase hang lapeeet yata ng quiapo sayo.. hahaha
    sa totoo lang dito ko sayo kumukuha ng mga idea kung anung dapat bilhin.. anung dapat i-dl na movies blah blah blah.. mostly naman nakukuha ko, well, except dun sa mga iskeyri.. alam na.. hahahaha
    inggit lang ako kase nare-raid mo ang quiapo.. gawain ko din yan dati eh hahahaha

    ReplyDelete
  3. @xprosiac, tama, makulit ang wento

    @yanah, dumadayo pa ako sa quiaps para mag dvd hop. :D

    ReplyDelete
  4. Maganda iyan, khanto, promise!! Napanood mo na ba ang ending niyan?!?! :D:D:D

    ReplyDelete
  5. madalas palitan ng ang name kasi pag korean series parang ang pangit nung literal na translation nila, pag minsan din di totoo yung title sa DVD sa quiapo

    ReplyDelete
  6. @indecent, ang ending may sex scene :D

    @Michael, uu. Natapos ko na last thursday.

    @spidey, hahah. korek. imba ang title minsan sa dvd

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???