Friday, September 30, 2011

Chatime

Hellow there! Kamustasa kalabasa?! Hahaha. Restday ko pa kaya di ko pa muna ipagpapatuloy ang SG trip kwento tungkol sa pagpasyal sa Universal Studios. Pasabikin ko muna kayo ng slights. wahahaha. 

Dapat for today ay movie review ang gagawin ko pero baka nauumays na din kayo at di nio na feel ang review kaya naman let's shift to foodies. wahaha. akswali, drinks ang mapropromote ko.

Kanina, nanood ako ng peliks na 'Ligo na U, Lapit na me' (abangan ang review by next week lols.). Right after ng movies, naglibot muna me sa mall at doon ako tinamaan ng uhaw. Yung uhaw na hindi alak ang hanap kundi something sweet. 

Lilipat sana ako sa Greenhills to try yung talk of the town na Happy Lemon kaso mukang matratrapik me pauwi kaya naman sa isang kakompitinsya na lang ako bumili. Ito ay ang 'Chatime'.


Ang Chatime ay isang brand na nakikilala dahil sa pagbebenta ng mga tea drinks na tulad sa Serenitea. Ang store na nadalaw ko ay sa may Robinsons Galleria na katabi ng Supermarket, tapat halos ng national bookstore.

Since nakwento ko na di ko masyado feel ang tea drinks kasi mahilig ako sa sweet drinks kaya naman nung pumila ako para bumili ng drinks nila, ang aking inorder ay ang 'Chocolate Mousse'.

Perstaym ko umorder sa ganto kaya naman ignoramus mode. Ang alam ko lang ay name ng order at size pero di ko alam na may mga extra anik-anik pa na detalye ang drink. Tinanung ako kung anong level ng sugar. Wow! May level! Pedeng pumili sa mga different percentage. Tapos may tanung pa kung lid or seal para sa takip. Nasabi ko na lang lid.

After makapagbayad ng 95 petot for the Large choco mousse, binigyan ako ng parang flying saucer na ewan at mag antay na lang me. Akala ko parang sa istabaks lang na tatawagin pero i am so wrong. Medyo hi-tech sa ignoramus ang nangyari. Aba... jumijilaw ang disk. at nag vivibrate pa!

Heto ang larawan nung disk at nung design sa place ng Chatime.



Nung makuha ko na ang aking order, syempre, kailangan pekpekturan para may ibidinsya na naka-order me. lols. Maganda yung design ng seal. ang cutie. Parang yung hersheys kisses



Ang lasa ng order???? Ay nakow! Wagi sa aking testbuds. wahahaha. Ansarap at antamis. Hindi lang like, +1 pa! hahaha. Pwede ko na tong alternative sa mocha frap ng sirenang may dalawang buntot. ahahahah. Panalo.

For tea lovers, di ko alam lasa ng iba kaya kung natry nia na ang chatime, sabihan nio ako ng masarap na plebor ha!

O cia, hanggang dito na lang muna. nagmamarathon pa ako ng samu't-saring korean/thai films. TC!

Thursday, September 29, 2011

First Site

Hello! Kamusta na? Kung nag-aabangers kayo sa karugs ng karugs ng SG trip, sensya na, madedelay muna iyon kasi mabagal net sa haus. hahahaha. Para na din di kayo maumay kaya may gap between the posts. For today, film chever muna tayo? okay? well, no choice naman kayo e, hahahaha. :D

Ang pamagat ng peliks ay ' Bang Kon Care Care Bang Kon'. Well, kung nahahabaan kayo, ako din. hahahaha. Paikliin natin ang taytol, 'First Site'. Ahahah, parang jejenese ang ispelling ng site. :D


Ang average na tibok ng puso ng tao ay 72 beats per minute. Pero kapag ang tao ay naiinlababo, aba, palong-palo ang heart beat hanggang 150 pataas!

Ang wentong First Site ay tungkol sa isang babaeng nagwowork as messenger ng break-up. Siya yung taong nagsasabi sa tao na break na ang magjowawers o kaya naman hiwalayan na ng puti sa de color. 

Ang girl ay naghahanap ng kayang 'Luigi' kasi feel nia sya si Princess sa Super mario. One day, biglang kumabog ang dibdib nia (not the boobeys). Nasilayan niya ang isang guy. Kaso di nagkaroon ng chance na makilala nia ito. Naglaho si guy kaya naman hinanap niya ito sa tulong ng boy next door na makikilala nia.

 Si boy next door at si girl

Si guy na hinahanap ni girl :p

Ang peliks ay bibigyan ko ng score na 8.5. :p Bakit? Maganda yung plot. Kiniligs me ng slight sa mga eksena tulad nung katabi nia lang si guy of his dream pero di nia napansin. Mga ganung moments. Saka maganda si girl :D Ang nagpadeduct lang ay yung ilang comedy eksena ng mga taong wala naman relate much sa main characters. Bwahahaha. 

Okay yung movie at nirerecommend ko naman. Ahahahaha.

Pahabol, yung boy next door may kahawig na blogger. :D napansin ko lang.... parang si __________. :D clue: giant nut.

O cia, hanggang dito na lang muna. Mag hohorror naman siguro me pero scheduled post na sa mga following days. Para naman sa next SG adventure..... sa Siloso Beach naman ang punta at ang Universal Studios. :D O cia. TC!

Singapore-Lah Adventure : Ang Karugs

Good Day mga folks! Another day so therefore kelangan na ng karugs ang kwento kahaps. :p Kung nabitin kayo at sumakit ang puson (hahaha), wag mag-alala eto na ang pagpapatuloy ng adventure sa SIngapore Day 1.


Tapos na ang madlang pips sa pagmomoment at pagnamnam ng rooms at pagkuha ng litrato sa kung saang bahags ng kwarto kaya naman oras na para maglibots. Sayang naman ang oras kung tetengga lang kami sa room (sa akin oks lang-tv mode cartoon network :p ). 

Pagkababa sa lobby, connecting na ang hotel papunta sa kung saan place ng Resorts World. Dumaan kami sa parang tunnel na may lcd screens na may desenyong aquarium. Connecting to sa may Casino area ng Resorts World at sa mga different shops. 














Connecting na din pala ito sa Festive Walk. Dito matatagpuan ang Lake of Dreams na parang malaking fountain chever. Para mas madaling ieksplain, hayaan ko na lang ang mga larawan ang mag-pakita ng mga nakita ko. :D 



















Yung picture sa taas, kung mapapansin ninyo ay may Merlion statue na. Doon ang next destination. Lakad-lakad lang kasi magkakalapit lang naman.Pero bago yun, syempre, pede magpapiktures sa mga anik anik na madadaanan.





Makikita sa lugar ang mga giant letters na bumubuo sa salitang SENTOSA at doon ka maaaring magpapiekpektures. Sa mga camwhores.... this is the place to be. Pose kung pose at kung ano anong positions ay gawin na. ahhaaha.













Ng magdilim na, nagprepare naman kami para manood ng show na 'Voyage De La Vie' o sa inglis daw ay 'Voyage of Life'. Eto ay isang parang play na acrobat thingy sa Resorts World. Nagpalit muna kami ng medyo pormalan meaning di ako nakashorts. ahahaha. Nakakadyahe kasi ang mga tao naka shoesy at naka pants. 

Ang show ay around 1 hour ata o mahigit. Breath taking ang eksena kasi may mga naggygymnast, may nagmagic, may nag rorope dance and more. Grabe... Nakakamanghamazing ang show na to. :D

 Nakaw shot ng ate ko (no picture taking e :p)


Matapos ang show, tulog mode na kasi mag uuniversal studios pa kinabukasan. hehehe.

hanggang dito na lang muna. Tapos na ang day 1 ng lamyerda sa SG. :) TC!