Tuesday, September 6, 2011

Confessions ng Isang Masahista: Diary ni Ella

Kamusta na mga pips. Feeling ko ayaw ninyong dumalaw sa blog ko kasi tadtad na ng movie promotions kaya naman lilihis muna ako for one day. Instead of movie, book review naman me.

Sa mga nakapunta na sa bahay ni Empi, malamang sa alamang ay nakita na ninyo ang libro na aking nipropromote at i-rereview-reviewhan.

Kung nabasa ninyo ang title ng post, hindi yan ang original name ng book. Jinumble ko yan para naman maiba. hahahaha.

Heto na! Ipinagmamalaki ng Kwatro Khanto ang librong magmamasahe ng naninigas ninyong.... isip. Ahahaha. Eto na ang Diary ni Ella: Confessions ng Isang Masahista.


Ang librong ito ay para ding blog na isinapapel at ginawang libro. Eto ay tungkol sa kwento at buhay ni No. 88, Ms. Ella. Dito ay kanyang isasalaysay per post ang mga eksperience niya sa paghagod, paghimas, paglamas ng mga iba't-ibang uri ng katawan.

Sa libro ninyo mababasa ang iba't-ibang klase ng masahe katulad ng Swedish, Shiatsu at ang dalawang version ng Thai Massage (ang original at pinoy style).

Dito ay kikilitiin kayo ni no.88 sa mga samu't-saring aspeto na may kinalams sa buhay masahista! Ehehehe. Malalaman ninyo ang kwento ng okra, saging hanggang maging talong. Di rin patatalo ang kwento tungkol sa iglot este itlog.

Pak na pak na 9.5  ang iskor ng librong ito kasi talagang mapapabasa ka ng dire-diretso. (mapuputol lang ang pagbabasa mo kung may call ka : based from work experience). lols.

Sa halagang 130 petot, sulit ang binayad sa kwentong dala ni no.88: Ella!

Hanggang dito na lang muna mga folks. :D

17 comments:

  1. meron ako nito. pero di ko pa nababasa hahaha. tamad mode pa

    ReplyDelete
  2. Ayos… nabasa ko nga ang post ni EMPI, madaling araw pa noon grabe, almusal eh… nabasa ko na ang unang bahagi nito sa kakalase ko sa pinas.

    ReplyDelete
  3. mukhang ok yan ah lalo pa na ang sakit ng katawan ko at gusto ko magpamasahe.

    ReplyDelete
  4. mahanap nga yan..na curious tuloy me much! :)

    ReplyDelete
  5. Isa si Ella sa mga naka-close kong blogger (kahit hindi pa kami nagkita ng personal). Malaki ang naging impluwensiya niya sa 'kin dahil isa siya sa mga nag-eencourage sa 'king mag-blog. Isa din siya sa mga taong nagbigay sa 'kin ng advice bago ako lumipad patungong Singapore. Sobrang bait niyan at naaalala ko pa nung nagsusulatan pa kami sa e-mail dati. Sayang nga lang at hindi na siya nagba-blog ngayon at mukhang naging busy simula nang mag-asawa siya. Sayang! Crush ko pa naman siya. LOL!

    ReplyDelete
  6. 130 petot, mula lang pala.. haha! im sure pag mabasa yan ni anak bibili na niyan, ung mga books na nereview mo bumili siya ng kopya niya..

    ReplyDelete
  7. Aliw itong librong ito. Iilang parte pa lamang ang nababasa ko pero hitik na hitik ang nilalaman nito.

    ReplyDelete
  8. oi oi peram naman nyan, hehehe, nablog narin to ni mp at pareho kayong maganda ang review, kaya gusto ko basahin

    kamukamo.com

    ReplyDelete
  9. Ayan! May kopya ka na pala! :D

    ReplyDelete
  10. bakit ba walang mga ganyang libro dito?!!! huhuhuh

    ReplyDelete
  11. oysssst may pdf file ba yan?

    paforward naman. malayo ako sa pinas eh. hihihi

    ReplyDelete
  12. @bino, kayang basahin yan ng 3-4 hours

    @kiks, sana mabasa ninyo po

    @rah, pamassage kayo ni ms. sweet pea :D

    ReplyDelete
  13. @tabian, buy na!

    @gasul, wow, naging friend mo pala si ms. ella

    @mommy-razz, wow, natuwa naman ako, may bumibili ng napromote ko

    ReplyDelete
  14. @joeyvelunta, tama ka dyan sir!

    @kikilabots, hahaha, sige, pahiram ko sayo

    @empi, uu, naaliw ako sa review mo e

    ReplyDelete
  15. @iya, di ko alam e

    @ka-swak, wala ata pdf

    ReplyDelete
  16. nakkaintriga hehhee... san ba mabibili yan

    ReplyDelete
  17. actually, i just finished this book yesterday, kakatuwa diba?, na inspire tuloy akong masulat ng buhay ko, galing ni Ella. www.darwinfdalisay.com

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???