Monday, September 12, 2011

Witch Hunter

Wala munang movie review for today. Syempre, baka naman lumabs na ang mata ko kakanood ng peliks araw-araw. So for today, iba naman.

Manga- hindi ito yung prutas na sinasamahan ng masarap na bagoong alamang. Ito ay ang comics na usually pinagmumulan ng anime.

For today, ang aking ibibida ay ang manga na nabasa ko 2 weeks ago, noong super bored ako sa opis kasi uber petiks at walang magawa kasi wala kang makausap, walang mabasa at walang mapanood na trip ko.

Manga for today is Witch Hunter.

Eto ay ang wento ng isang binatang Witch Hunter na nais maibalik ang kanyang kapatid bilang isang normal na tao. Ang siste kasi ay naging witch ang younger sister nia. 

Kasabay ng paghahanap sa kanyang kapatid, iikot ang story sa adventure niya fighting different witches. :D Sa adventure makakasama ang partner niya na mukang jack-o lantern na nagkatawang tao. :p Dito sa kanyang paglalakbay ay makakasasama niya ang magiging friends na kapwa witch hunter.




Currently in progress pa ang manga na ito so therefore possible na mabitin kayo pero i recommend this one kung ang hilig ninyo ay adventure, action, magic etc. :D Masayang basahin to lalo na kung bagot kayo. 

oks, hanggang dito na lang muna. Kung gusto ninyo ng medyo mature manga, say it... recomend ko yung ni recommend sa akin ni iyah :D hahaha

2 comments:

  1. di na ko nakakapagbasa ng manga. naging busy na hhehehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???