Back to work na ako after ng 9 days na pahinga. So medyo pagbalik ko ay inasikaso muna ang task ko sa opis. Saka na ang pagbackead ng 9gag. Since medyo idle sa mga oras na ito kaya naman naisipan ko na simulan ang wento ng bakasyones sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Note: Ang mga larawan na gagamitin sa post ay sa camera ng ate ko dahil nga nawala/naiwan sa taxi sa malaysia ang digicam ko.
Ang flight namin papuntang KL ay around 11am at ito ay sa paliparan ng DMIA (sa clark, pampanga). So mga 5am pa lungs ay naka-ready na kami at mga 6am ay nag-aantay na kami ng bus papuntang clark sa may Megamall.
tip: Mag-CR na at ibuhos ang lahat ng sama ng loob sa bahay dahil walang CR na malapit habang nag-aantay ng bus. Echusera ang mga establishment na malapit dahil ayaw magpa-CR).
note: Transpo fee from Megamall to Clark ay 400 petot.
Pagdating sa DMIA, Check-in ng mga baggage at bayad ng terminal fee at security fee (400+200 petot). Wala na ang dreaded Travel TAX kasi kasama na sa booking (buti naman at di kasama ang TT).
Hawak ko pa ang gigicam ko :(
Inaantok/pagod mode
Ang byahe ay tumagal ng 3 hours and 45 minutes, so almost 4 hours kung kasama ang pila-balde sa immigration and stuff.
tip: Maige kung nakapagpa-book online ng food para may makain or may dala kayong mangangatngat, else, matulog na lang sa mahabs na byahe.
Pagdating sa airport ng KL named LCCT (i-google na lang ang meaning), nagpasyang kumain muna kasi tomjones na. Kumain muna kami sa foodstore named Marrybrown (ang parang jalibi/kfc ng MY).
Then bus ride papuntang main city ng KL. (btw, ang LCCT ay parang DMIA din, so malayo sa syudads). Ang sasakyan dapat ay ang Airbus papuntang KL Sentral. Ang pamasahe ay 8 RM.
Ang byahe from LCCT to KL sentral ay aabutin ng isang oras. Kung nasa tabi ng bintana, pedeng mag-picture ng mga tanawins sa KL.
Pagdating sa KL sentral, may mga mag-oofer sa inyong taxi kung sakaling pupunta kayong Genting Highlands/ Resorts World Genting. Pero this byahe, nag bus kami at ang pamasahe each ay 4.30 RM.
around 1 hour ang byahe tapos idrodrop kayo sa Genting Skyway. Bale, pipila balde kayo saglit (possible 15 mins) ng another bus (wala ng bayad) na didiretso sa Resorts World bus station.
After ng roughly 20 mins, andun na kayo sa RW Genting. Nakadating kami mga around 9pm na. So di na kami masyadong nakalibot at diretso hanap na sa hotel namin para magcheck-in.
note: Maliwanag sa KL kahit na around 6 or 7pm (parang hapon lang dito sa atin). Ang dilim ng gabi ay nagsisimula mga 8pm ganyan.
Naligaw kami ng slight kasi malayo pala yung hotel na tutuluyan namin. Ang name ng hotel ay Theme Park Hotel kasi katabi ng outdoor theme park sa RW Genting. Ayun, nakakaduling sa gutom at pagod sa paglakad.
tip: Pack light lang. saka mag-jacket kasi malamig sa RW Genting, parang Baguio/Tagaytay ang lamigs.
After 15-20 mins, nahanap namin yung hotel at nakapag-check-in na. Dalawang room ang inokupahan namin. Hindi sya aircon kasi malamigs na dito. After ng makapag-unpack saglit ay bumaba lang kami sa lobby at doon ay may makakainan na.
At dito na nagtatapos ang day 1 adventure sa Kuala Lumpur. Salamuch sa nagtyagang magbasa kahit mahaba ang post. :D Take Care!
di din ba sila nalalayo satin?
ReplyDeletehindi nagkakalayo, much slimmer lang sila/ petite
Deleteayun o, pa-Malay-Malaysia na lang pala eh. haha, makakrating din ako diyan balang-araw... (inggit ako) haha
ReplyDeletemakakaratings ka dins! :D
DeleteYung hainan ba eh, pinoy restaurant? parang mga pilipino din ang hitsura nila :)
ReplyDeletenice shirt.
Mukhang very happy ang family sa vacation niyo. Ganda din ng hotel. malawak.
sayang nga lang at nawala ang chummy-ra mo sa tsi-tax. Dibale na, baka may maagandang kapalit ang darating. :D
hindi sya pinoy resto. parang SG type.
Deletehonga, sayangs camera
musta ung immigration ? ok lang ba? first time ko sa november sa Malaysia eh :D
ReplyDeleteoks naman immigration, tatak agads
Deletewew! baka next year pa ang out of the country sa ngayon lilibot muna me sa pilipinas..hehe
ReplyDeletenga pala khanto magkano damage sa pitaka? magiipon na me! ^_____^
medyo malaki pero keri lang. hehehe
Deletepm/tweet mo saken rates sa hotel nyo.. hehe tsaka ang total basag per person.. ha?.. hehe :)
ReplyDeleteihahanda ko na ang sarili ko sa puro byahe.. hehe
sige
Deletesaya naman ng out of country trip! nagutom ako sa pics ng fudang:)
ReplyDeletewahiihihih, salamuch
Deletetaray nemen, hehe
ReplyDelete