Makikipaglaban…para sa kapayapaan.♫♪
♫♪Ang lahat ng nilalang dito ay may karapatan
(sa magandang bukas!)
Kung merong gumugulo ay wag mag-alala
Kami ang dakilang tagapagtangol nyo,
sa lahat ng oras
Handa kaming tumulong…
Ang aming mga kapangyarihan,alay sa karapatan♪♫
♫♪Kami’y narito asahan nyong magtatanggol,
Makikipaglaban para kapayapaan at kaayusan,
Kami’y asahan nyo
Hanggang sa dulo ng mund♫♪
Kung nakanta ninyo ang lyrics na nasa itaas, siguro ay napanood nio sa telebisyon ang anime na dinub sa tagalog. Tama.... ang tinutuks ko ay ang anime na may pamagat na eksaktong-eksaktong katulad ng title ng blogpost na ito. hahaha
Magic Knight Rayearth- eto ay anime tungkol sa taklong dalaginding na nag-aaral sa magkakaibang iskul bukol. Sila ay biglang nasummon from earth sa bagong mundong tinatawag na Cephiro.
Dito malalaman nila na ang prinsesang nag-summon sa kanila (Prinsesa Emeraulde) ay na-kidnap ng isang guy na tinatawag na Zagato. Tas ang mission ng taklong chikas ay i-save ang prinsesa.
Ang malantod na lovers
(Zagato and Emeraude)
Pero wait! Syempre may twist eklavoo. Kasi ang prinsesa pala ay inlababo sa kanyang kidnaper at meron silang mutual understanding ever. Kaya pala kinidnaps si prinses ay dahil ayaw ng kanyang lover na nakasalalay lang sa kamay ng prinsesa ang future ng planet nila.
Sa anime na ito, makikilala nio ang taklong primary character. Kilalanin sila sa baba.
1.
Japanese name: Fuu Houjii
meaning: Wind of Phoenix Temple
pinoy name: Anemone
Birthday: December 12
Magic Knight of Wind
attacks/spells: Emerald Typhoon and Emerald Cyclone
robot: Windom
lovelife: Ferio
Cellphone Brand: Blackberry
Network: Smart
2.
Japanese name: Umi Ryuuzaki
meaning: Sea of the Dragon Blossom
pinoy name: Marina
Birthday: March 3
Magic Knight of Water
attacks/spells: Water Dragon and Azure Hurricane
robot: Ceres
lovelife: Clef
Cellphone Brand: Samsung
Network: Globe
3.
Japanese name: Hikaru Shidou
meaning: Light of the Lion Shrine
pinoy name: Lucy
Birthday: August 8
Magic Knight of Fire
attacks/spells: Arrow of Fire and Crimson Lightning
robot: Rayearth
lovelife: Lantis and Eagle (dalawang boylet? PBB TEENS?)
Cellphone Brand: Cherry Mobile (Dual Sim)
Network: Sun/ TalknTxt
Bukod sa taklo syempre, may iba pang characters pero di ko na eeelaborate at idididscuss much kasi kulang na sa space (kulang sa space? Parang cellphone? Parang twitter? limited?)
Maganda ang anime na to kaya naman mayroong season 1 at season 2. Di ko na din iwewents kasi gahul na sa oras. (may time limit?).
Last na, syemps, di makukumpleto ang Magic Knight Rayearth timewarp kung di makikita ang famed rabbit-like pet..... si MOKONA!!! :D
O cia, hanggang dito na lang muna. TC folks!
Pinapanuod ko to si ABS dati. Ito yata yung isa sa mga nagustuhan kong anime sa ABS eh. Pati yung zenki tsaka Akazukin chacha.
ReplyDeletewaaah!gustong gusto ko tong anime na to. naku naman may notebook pa ako noon na may info tungkol sa mga bida at kung anik anik bout sa rayearth. bibili pa lang ako ng dvd nito eh kaso naubusan ako noong nakaraang event kaya di ko pa napanuod ulit. kainggit. buti ka pa napanuod mo na ulit.
ReplyDeletefave ko din 'to nung bata pa ko. at saulo ko pa rin yung kanta. hahaha!
ReplyDeletenakakamiss naman. halatang tumatanda na tayo! :))
Waah! peyborit ko toh way back in mid 90's. Gustong gusto ko din yung dub ng ABS-CBN. Season 1 is da best, yung season 2, mejo ok sya pero di ko sya masyado gusto kasi nabago yung character designs nila mula sa season 1.
ReplyDeleteHaha, tawa much naman ako sa profile nilang tatlo at talagang may cellhone brand pa at network ahahaha :D
Napadpad po muli sa iyong blog!
fave ko to nun bata pa ko.. ang galing, naalala ko yun kanta..
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteFanatic ka pala ng anime na to. Napanood ko rin to.. Lakas makaaddict. lol
ReplyDeleteisa sa mga paborito ko'ng anime
ReplyDeletewow! fave ko to nun, ako pa nga si marina kasi haba ng hair haha!
ReplyDeletetawa ako ng tawa sa cellphone brand at network nila hahaha, si Makona ba walang cellphone?!
grabe ganda nito pati ung lanta tanda ko pa hahaha miss ko to
ReplyDeleteNapanood ko to dati. hehehe
ReplyDeletenaalala ko ito.. naging mascot pa nga ng CLAMP si Mokona sa sobrang famous nya ^_^..
ReplyDelete