Sunday, August 12, 2012

Mask Rider Black!

Batang 90's ba you? Kung sagot mo ay oo, siguro naabutan mo sa telebisyon espisipikali sa channel 13 ang palabas na ibibida ko sa araw na ito. Ito ay ang Mask Rider Black!


♪♫Toki o koero sora o kakero kono hoshi no tame♫♪
*insert opening song


*Insert rider pose


Rider.......Change!!!!

Magsisimula ang wento sa kasagsagan ng Heypibertdei ng magkapatid na si Robert Akizuki at Stephen Akizuki. Ang dalawang brotherhoods ay na-Man-nap este nakidnap ng mga kulto-kultuhang tinatawag na Gorgoms.

 Ang mga kuto este kultong Gorgoms

Ang dalawang binate binatilyo ay na-gangbang at minolestya (joke lang). Actually, inoperahan sila (hindi po sila ginawang tranny). Sumailalims sila sa operasyones upang maging cyborg eklats dahil ang magkapatids ay kandidate sa Mr. Philippines pagiging Gogom Creation King.

Pero kelangan may intervention sa plan ng kalabs at ang step-no-step-yes-step-dad ng dalawang binata ay umepal at pinatakas ang dalawang bata bago sila ma-brainwash. Pero sa kasamaang palads, isa lamang ang nakaligtas at ito ay si Robert Akizuki.


Nalamans ni Robert ang detalye ng anik-anik na chinismis sa kanya and thus, sya ang naging bida sa wento. Dito na niya nagawang mag-transform from human to cyborgish black tipaklong na tinawag na Mask Rider Black.


At dito magsisimula ang pakikipagsapalaran ng bida laban sa mga kung anong kapekpekan ng mga kultong Gorgoms. Dito din tatakbo ang malandyutay este madramang tagpo sa pag-attempt niyang iligtas ang kapatid na magiging kalaban nia sa serye (si Stepehn ay naging kalaban named Shadowmoon).

 Shadowmoon

Sa seryeng ito, makikita ang kagilagilalas at kapanapanabik na mga laban ni Mask Rider sa mga halimaw na kung ano-ano ang forms.

Malalaman mo din ang famous 'finish him' attacks ng bida tulad ng Rider Punch at Rider Kick. Meron din syang extra talents like Rider Chop, Rider Sensor at Rider Flash.

Makikilala nio din ang dalawang motor ng bida. Ang popular na sila Battle Hopper at ang Road Sector.

 Mask Rider Black with Battle Hopper

 Mask Rider Black with Road Sector

Eto nga pala ang opening song ng legendary Mask Rider Black!



Nakakamiss ang palabas na ito. Isa sa memorable tv shows ng aking kabataan! :D O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

Note: Images ay napulot sa google.

23 comments:

  1. nag-guest appearance pa yan sa latest rider series eh. siya talaga ang paborito ko sa lahat ng kamen raiders :D

    ReplyDelete
  2. Hindi ko nasubaybayan to. Pero gusto ko mapanood, kung bata ulit ako.

    ReplyDelete
  3. di ako nahilig sa sentai. power rangers lang pinanuod ko noon hehe

    ReplyDelete
  4. ay siya ang fave ko sa lahat, astig..nakakamiss toh :))

    ReplyDelete
  5. napanood ko to pero hindi ko nasubaybayan..ang cute ni battlehopper :)

    ReplyDelete
  6. nagustuhan ko din nmn to kaso mas love ko lng tlga ung mga sentai like powerranges at jet man

    ReplyDelete
  7. di ko naalala yun opening na yan, ang naalala ko lang yun pag-tatransform nya e, haha..

    ReplyDelete
  8. <--- Certified batang 90's .. hehe

    ReplyDelete
  9. Hahaha.lahat ata ng batang 90's nagaya na nila ang ginagawa niya para magpalit anyo.Rideeeeeeeeeeer Change!!!!

    ReplyDelete
  10. ay abangers ako neto before, tapos minsan nga kinakausap nya yung tipaklong na motor nya pag sumasagot eh umiilaw lang yung mata..ahahaha
    takot din ako sa mga kontrbida noon, para kasing mga nasunog yung mukha nila creepy lang..waaaa!!!

    ReplyDelete
  11. napanood ko ito nung bata ako.. pero wala ako maalala sa storya kung di ang kanyang pagsipa lang at pagsuntok... :p

    btw, nahirapan ako basahin ang word na "espisipikali" hahahahahah

    ReplyDelete
  12. this is one of my favorite sentai series. batang 90's din ako :D na LSS pa ako sa first ending song nito. yung singer na sobrang baritone ang voice hehehe. astig tong Masked Rider Black way back then.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???