Wednesday, February 6, 2013

La La La La Union... Ba Ba Ba Baguio!

Hey Wazzap! So naputol ang wents ko kahaps sa aming La Union Trip! Sisihin ang pc sa opis! hahahaah. Welll, kailangan magpatuloy na ang wento kaya naman, let's get it on! (mahaba kasi to... Todo na to!)


After mag picture sa kung saang parte ng beach, balik muna sa room para mag ready na for beaching. Ang mga surfer friends/officemates ko ay ready na din. Handang handa.... May rashguard cheverlins. Samantalang me, tshirt lungs at board shorts. Nyahahah. 

Jeff, Fyle, Ivan and May.... Ang surfer friends!

Well, sila lang ang nag-surf. Na-try ko na mag-surf sa Baler noon and it's a failure. Tama! Hindi ako nakatayo sa surf board. And i'm blaming my oversized weight. Kaya hanggat hindi pa ako pumapayat ng around 160 - 170 lbs, beach bumming muna ang gagawin ko.

Ilang oras din nagbilad sila sa araw habang ako ay nakaupo lang sa may lilim at nakasalampak sa buhanginan at pumapak ng kutsinta na binebenta duon sa beachside. hahahaha.



Yung isa naming kasama na itatago ko na lungs sa pangalang Chroky ay nagbeach bumming din. Nahihiya atang magsurf or nagkukuripots sa bayaring round 300 ata or 350 for 1 hour ng surfing with lessons from native surfers. Hayun.... nagbilad much sa araw kahit tanghaling tapat. At eto ang dahilan kaya natostado sya! Bwahahaha






Lunch time, di na kami lumayo at sa tapat ng resort ay merong karinderyang bukas sa mga taong gustong kumain. Keri naman ang presyo ng foodie. No pictures ng food ha! Baka laitin ako na pati pagkaing karinderya, nipicturan pa! hahahaha.

Right after, lakad-lakad muna kami sa paligid to check for souvenir items! Pero waler!! Ay, meron pala pero olats na olats sa kamahalan ng presyo! Ang ref magnet nasa 100 each!! Ang keychain ganun din!! Ang shirt na di ganung panalo ang design ay pumapalo ng 300! Pumapantay sa presyo ng Island Souvenir?!!! So instead na bumili ako ng mga pasalubong for friends.... kinuhaan ko na lang sila ng pics while roaming around sa shops..







Sa hapon, since pagod, mga nagpower naps ang mga folks at nag-aabangs ng sunset sa place. Unfortunately, hindi nakisama ang kalangitan at medyo cloudy. But then, hindi ito rason para hindi ienjoy ang magandang place ng La Union. Heto ang mga pics ng mga folks na kasama ko. Hindi nila alams na nipipictutan ko sila habang nakatalikods sila. nyahahah.






Syemps, kailangan may picture din ako. Nagpakuha naman ako ng pic para kahit pano may pic ako ng place. Bwahahah. Ay meron din pala akong shot mula sa camera ni Jeff. Hahaha, yun yung ginawa kong profile pic sa FB! :p




Syemps, kailangan meron din namang group pics. Ang mga larawan sa ibaba ay mga pics na naitag sa fb ko. nyahaha.




Pagsapit ng gabi, sumakay kami papuntang halos sa bayan para magdinner sa isang kilalang kainan named Midway Grill and Restaurant. Famed for Baby Back Ribs and grilled foodies. Ang food ay around 100-200 depende sa selection. Kaya wala naman pics dito ay na-lowbat na ang digicam ko na si Porn. Dumaan din kami sa banchetohan ng La Union kaso busog pa kami from dinner kaya borlogsgan na!

Kinabukasan, tipid almusal mode kasi sa ibang karinderya kami nag-almuchow. Again, no pictures kasi baka tarayan ako ni Donya Angelica na pati pagkaing turo-turo ay nipicturan pa. hahaha. For the morning til noon, surf mode padin at beach bumming ang drama.

Check out ay lagpas 1pm na. Since tomjones na talaga, e no choice kundi kumain muna sa bayan. Jollibee na lungs para quickie kasi medyo gahol na din sa oras. Doon na sa bayan kami sumakay paakyat ng bundok. Yep, nabasa mo title diba, nakalagay Ba Ba Ba Baguio.... natural nagpunta kami ng VIGAN! Chos! Baguio Syemps.

Sa bayan, merong terminal ng Partas na paakyat ng Baguio. Doon na kami nakasakay around 3pm na. Pero doncha worry, 1.5 hours lang ang byahe with the pamasahe worth 150 per person. Pwede na!


Upon arrival, iniwan namin ang mga anik-anik na dalahin namin sa bahay ni May na may bahay sa Baguio. Napagkasya kaming anim sa isang FX Taxi kaya naman mga 20 lang ang ambag sa fare. Tapos next stop namin ay ang Good Shepherds to buy Ube Jams. Kaso, close na. Hahahah.



Naglakads na langs kami to the next destination..... Mine's View Park! So syemps, picture picture! At nakita pala namin dito ang isang famed US singer!!! hahahaha.





 Starships.... Are meant to fly!!!!

Super Bass!!!

For dinner sa baguio, kumain kami sa Good taste na isa sa kilalang kainan sa bundok tapos right after noon, time to check the night Ukayan. Di ako nagdala ng camera kasi madami daw magnanakaw sa ukayan kaya salamuch sa hihiramin kong pics ni Jeff. Hahahaha. Ang food namin nasa 500 na good for 6 at busog lusog na. Ang ukay ay depende sa presyo, may 10, 20, 50, 2 for 90, etc.



By midnight byahe na dapat kami pababa kaso madaming tao sa Victory Liner so lipat kami ng Bus station. At dahil sa different na bababaan, nag-part ways na yung mga bulacan bound na bababa sa Dau at mga manila bound na walang stop over sa Dau. Pamasahe pababa ay roughly 450 din.

At dito na po nagtatapos ang mahaba at picture overload na post. Pasensya na, binuhos ko na kasi eksayted ako iwento next yung kapapanood ko lang na peliks!!! hahahah.

all in all, uber enjoy at masaya at nakapag-relak ako sa bakasyones ko. Damage sa bulsa ay sulit naman at damage sa Vacation leave ay 1 day lang. hahaha.

O cia, hanggang dito na langs muna! Take care folks!!!

6 comments:

  1. wow naman saya naman ng gala mo from beach to baguio
    haha kaw na talaga
    ganda ng sand sa launion
    at natawa ko kay nicku horsy minaj

    ReplyDelete
  2. gusto ko ung shot ng flowers and nung m ga vintage cars.. mukha naman nag enjoy kayo... thank you for completely sharing your adventure...

    ReplyDelete
  3. makakapunta din ako ng launion tiwala lang. baguio lagi ko yatang dinadalaw :)

    ReplyDelete
  4. ang saya saya ng mga beetle volks :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???