Eto ang featured cartoon o show na ipinalabas noon. Ang Eto Rangers ay hindi tipikal na Ranger series na ipinalabas noon sa telebisyon. Hindi sya tulad ng Power Rangers na may lima o anim na bida sapagkat ang mga tauhan dito ay labindalawa! Bakit naging labindalawa? Sila ay ang mga kumakatawan sa 12 Chinese zodiac. Korekted by! Parang tumutugma ang show sa pungsoy at sa bagong taon. Ang nakakatawa at nakakaaliw sa show na ito ay sila ay nagtratravel o naglalakbay upang itama ang mga childrens story na nababago ang takbo ng kwento. Mga halimbawa ng kwento na kanilang inaaayos ay 3 little pigs at Little Red Riding Hood.
Heto ang pangalan ng mga tauhan o ng 12 Zodiacs (Ang imahe ng mga solo characters ay yung hindi tagalog names ang gamit)
Powell- sya ang leader at ang pinuno at ang unang nakadating sa karera at may kapangyarihang mala-laser sword at salamin upang tumawag ng kakampi.
Delacao- Ang Tiger na na may kakayanang lumaki kapag sinusuot ang shades nia na armani. ehehehe
Kelly- Ang kumakatawan sa playboy este kuneho. May magic wand upang palitan ang kasuotan ng kasama.
Pakalachi- Kumakatawan sa Dragon. Katulad ni son goku na may ulap na masasakyan at may bolang kristal.
Wannie-wannie- Ang literal na ahas sa grupo. Kakaiba sya dahil may imbisibol na kamay ang ahas na ito.
Cesley- Sya ang cute sheep. May magical compact na kayang makadetek ng bakal.
Chickee- Parang ung karakter lang sa Jollibee, ang manok na nagtratransform sa human-like form upang mangarate!
Vivi- Ang baboy na bunso ng grupo. May kakayanan na umiyak ng malakas.
Sa mga may history ng chinese zodiac, alam nio siguro yung kwento sa pang labin-taklong zodiac animal. Yep! Meron pong 1313th animal. Iyun ay ang pusa! At kasama ang pusa sa eto rangers! kaso ngalang, naging kalaban ito!
Sa Eto Rangers, ang nangyari ay may nagpanggap na dyosa ng land at nagpakita sa pusa noong gabi before the race. Sinabihan siya na umalis ng bahay before 12mn! Ayun, sumunod sya at na-disqualify! Sa sobrang bitterness ay nagalit sya at siya ang naging alagad ng kasamaan!
Hays.... Nakakamiss ang show na ito!! Sana ibalik sa TV! Hahahaha.
O cia, hanggang dito na lang muna! TC!!!
Note: This post ay semi-repost! Updated with pics ng 12 zodiac at ng pussyketdoll! Ang mga larawan ay hindi ko po pagmamay-ari.
Sa Eto Rangers, ang nangyari ay may nagpanggap na dyosa ng land at nagpakita sa pusa noong gabi before the race. Sinabihan siya na umalis ng bahay before 12mn! Ayun, sumunod sya at na-disqualify! Sa sobrang bitterness ay nagalit sya at siya ang naging alagad ng kasamaan!
Hays.... Nakakamiss ang show na ito!! Sana ibalik sa TV! Hahahaha.
O cia, hanggang dito na lang muna! TC!!!
Note: This post ay semi-repost! Updated with pics ng 12 zodiac at ng pussyketdoll! Ang mga larawan ay hindi ko po pagmamay-ari.
hindi ko to maalala eh.
ReplyDeletefeature mo naman ung Visionaries Knights of the Magical Realm :D
Waaah, super na miss ko ding tong anime na toh. ABC 5 toh dati pinapalabas eh.
ReplyDeletepeyborit ko jan sina Powell, Kelly at Cesley :) yung mabait na princess Aura nila jan maganda din.
Maganda ending song nito. Listen nyo.
hahaha... galing... kakamiss nga ito!
ReplyDeleteito ang cartoons na inaayos ang mga maling ngyari sa story ng mga fairy tales ehehe
ReplyDeleteHindi ako familiar dito! So pano nila inaayos ang mga kwento? Ano nangyari sa 3 little pigs at kay red riding hood? Na-curious ako, hehe. Bet ko si Kelly, saya ng kapangyarihan niya, pang designer lang ang peg!
ReplyDeleteAw! Antanda ko na at naalala ko ang cartoons na ito. Kapag hapon eh maaga akong umuuwi para abangan ito. Hehe. Si Pakalachi ang gusto ko dito. Tsaka si Yalong kasi kalmado at magaling sa combat gamit yung humahaba niyang buto. Lol.
ReplyDeletedi ko alam to.... probinsyano kasi. hahaha
ReplyDeletetandang tanda ko to aliw na aliw ako
ReplyDeletepag pinipili sila para sa mission haha
nice one parekoy
ay alam ko itong anime na ito.. favorite ko si pakalachi kasi akala ko noon year of the dragon ako pinanganak.. hahah
ReplyDeleteWaaaaa.. old school to ah!! hehe tagal ko na di napapanood to! :D
ReplyDeleteisa to sa mga palabas na fave ko dati asa channel 13 to di ba? kung tama ang pagkakaalala ko...
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteMatagal ko nang pinag iisipan kong anong title nito lagi tong nag lalaro sa isipan ko tapos hindi ko maala alala kung pano ba yung storya nya natatamdaan ko lang yung itsura nung charcter na si baku-maru basta alam ko lang after mcgyver napinapanood ng lola ko isa to sa mga sunod sunod na cartoons na mapapanood fiveman , etc tsaka ito ,
ReplyDeleteLupet mo bro . Salamat sa pag papaalala ������
Shacaola iyong name ng pusa...Then nung corrupted na siya ni Bargie(iyong napanggap na dyosa), naging Mostar iyong name niya.
ReplyDeleteMaalala ko pag sinasabi ni Powell na, Lumabas ka halimaw!!!
ReplyDeleteKapag tinututok nya ang revealing mirror nya sa isang unknown na character sa kwento, tulad nung bartender sa kuwento ng "Ang Pagong at ang Kuneho" Ang bartender ang naging halimaw sa kuwento na yun....