Wednesday, February 27, 2013

O-o-o...O-o-o... Ocean Park- Manila!

"Well I can't tell you where I'm going, I'm not sure of where I've been; 
But I know I must keep travelin' till my road comes to an end"- Travellin' Thru

Isa akong tao na mahiyain at medyo matatakutin. Madaming wino-worry at madaming inaalala at iniisip. And since may plano akong mag-solo travel by August sa Cebu at another solo travel within this year papuntang Ilocos, kailangan kong matanggal ang kaba at agam-agam sa pagbyahe mag-isa.

So last Feb. 15, right after ng balentayms day, nagpasya akong magpractice ng slight sa pagiging lone traveller. At ang destination ko.... ay ang Manila OceanPark.

I know, baka may mga folks na mapapataas kilay isama mo pa ng roll ng eyeballs dahil sa place na pinuntahan ko. Well, sensya... tao lungs. Ako na ang taga-manila na di pa nakakapamasyal doon at kinabog pa ako ng mga estudyanteng nakapag-fieldtrip na doon.

So na-print ko na yung Metrodeal voucher na nabili ko for Oceanpark at lumipad na ako papuntang manila. Joke. Syempre, di na kailangan mag-airplane papunta. MRT-LRT combo plus lakad lang ay nakadating din ako. Salamuch sa google at nalaman ko ang gagawin. (MRT papuntang Taft, LRT papuntang UN Ave. tas lakad mode). Salamat din sa good samaritan sa kalsada na sumasagot sa tanong kung pano ako makakadating sa Oceanpark.


Pagdating doon sa place, inabot ko yung voucher at pinalitan ng ticket. Mabait din yung babae sa booth kasi nilagay ang time ng mga shows at sinuggest ang unang puntahan at ininform ako kung ano yung mga pedeng puntahan anytime.


First stop...
Sea Lion Show

Dito ay ipinakita sa madlang pipol ang dalawa sa trained Sea Lions na may namesung na Isabel at Vincent. Dito ay nagpakitang-gilas sila sa kanilang skills and intellect. Dito ko natutunan na magkaiba ang Sea Lions sa Seals.... hahaha. Akala ko kasi shinortcut lang at pinaikli ang name kaya naging seals. Good start at okay panoorin.

 Minamanyak ni Isabel yung trainer nya!

 Parang Sea Lion pose din yung lalaki... lols

Pinopormahan naman ni Vincent yung chikas!

2nd Stop...
Penguin Talk Show

Eto naman ay isang parang digital puppetry show for kiddos kung saan nagbibigay ng info about penguins. Well, technically, i don't know. So-so lang naman to. 20 mins. lang. Kung medyo mababaws, pedeng maaliw... Pag hindi.... pedeng umalis. Hahaha. Inperness, medyo swak yung animation sa mga pinaguurat at pinagsasabi ng voice dubber. For me, too much pangbata to.

Ang mahirap picturan na penguin

3rd stop...
All Star Bird Show

Eto ang next show featuring BIRDS! hahaha. Wooopppsss.... Hindi ito yung birds na may curly black feathers at nandudura ng white sticky icky thingy! hahaha. As in birds na nasa lahi ng mga parrots ang tinutukoy ko. Well, dito nagpamalas ng galing ang mga tamed birds na may brains din sila. (so-so show, okay lang saka anhirap kumuha ng pic kasi medyo may kaliitan ang birds at gigicam lang gamit ko).



4th stop...
Oceanarium

Eto na yung place na makakakita ka ng samu't-saring fishies! From mga gigantic isda na mukang aruwana to mga parang anchovies size fishes. Meron ding Sea Horse at si Nemo. Andyan din ang underwater tunnel kung saan kita mo yung mga Sting rays at sharkies. Meron ka din makikitang folks na nagtry yung Oceanaut.





5th Stop...
Trails to Antartica

Dito ay may hallway exhibit about antartica, tapos andun yung ice slide (kaso may bayads ata kung gusto mo matry). Andun din yung parang aquarium na may mga penguins. Medyo unclear na yung glass case kaya medyo malabo sa part na makikita mo yung nagswiswimming na penguin. Saka ambilis nila lumangoy, anhiraps picturan. Dito din yung Snow village na pasusuotin ka ng Jacket. Don't worry, mabango ang jackets, hindi amoy putok or whatsoever from other users. hahaha.




6th stop..
Jellies Exhibit

Hindi po ako yung nakadisplay... mga Jellifish. Tama. Yung mga hinuhuli-huli nila Patrick at Spongebob sa Bikini Bottom ang makikita sa place na to. Medyo so-so lang kasi parang room lang na may samut-saring translucent thingies na nakakaabsorb ng lightings kaya okay din tignan. Maliit lang ang room pero madaming mirrors to look big.


Extra....
Sa Ocean Park din pala yung SeriLand.... Wala lungs. Nagpicture lang sa labas nun. tapos sandamukal ang mga cutie stuffed animals na binebenta. Meron din palang Ghost House at yung 4D ride... pero syemps, extra bayads na gagawin kung gustong itry.




Hindi na ako nakapagstay para sa isa pang show which is the Musical Fountain show kasi 7pm ang start nun e kailangan kong dumaan sa Quiaps para bumili ng porn este ng possible outfit para sa isang office gathering na Sailor/ Nautical ang outfit/peg.

 Pic bago lumayas ng OceanPark

SideTrip..
Rizal Park

Papuntang Quiaps, napadaan ako sa Rizal Park. So while naglalakad-lakad pabalik LRT station, nagawa kong dumaan at mag-enjoy sa mga tanawin ng mga taong naglalaro, nagpipicnic at nag-iistroll sa Rizal Park. 


At dito na nagtatapos ang wento-wentuhan ko about sa mini adventure ko papuntang Oceanpark. :D

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! Wacky Wednesday to all!

9 comments:

  1. nakakahiya dahil di pa ko nakakapunta ng ocean park!

    ReplyDelete
  2. Nakapunta na ko dati jan pero andami ng bago. Sayang hindi mo pinanuod yun Musical Fountain show, maganda yun e! Bet ko rin gorahan yang Seriland. At yung Rizal Park, haha

    ReplyDelete
  3. mukang nakakarelax tignan yung sa Jellyfish thingy.

    Andami ng bago sa ocean park! hahha

    ReplyDelete
  4. di pa ko nakakapunta dyan haha mahal kasi dapat kasi kasama buong family eeh
    gaganda ng attraction ahh lalo na ung sa mga jelly fish!
    at ang cucute ng mga stuff toys

    ReplyDelete
  5. Ito yun plano sanang pagdaosan ng EB ko sa inyo...hindi ko alma kung ano nangyari at naging Makati to MOA. LOL

    ReplyDelete
  6. "Minamanyak ni Isabel yung trainer nya" - bwahahaha

    felt na felt ko mag ocean park na tuloy next time pagpunta ko dyan...hehe (inggitera mode na naman)


    OT: infairview gelo, pumayat ka na talaga...clap, clap, clap!!!

    ReplyDelete
  7. Geez, hanggang labas pa lang ng Ocean Park ang napupuntahan ko. Di pa ko nakakapasok sa loob lol

    Thanks for touring us inside the park sir Gelo!

    ReplyDelete
  8. Di ko na napuntahan ang Ocean Park na yan! loser ko! Hmp

    Pero thank you sa pag tour. :)

    ReplyDelete
  9. ang saya! ang daming bagong attraction sa ocean park ha :)

    sayang di mo na naintay ang light show, maganda un pero okay lang maganda din naman ang porn :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???