Friday, February 22, 2013

Para sa Hopeless Romantic

TGIF! O ha, palapit na ang restday sa ilan sa inyo. Pero mauuna na akong magpahinga at magchill-chill kasi restday ko na sa araw na ito. Medyo makulimlim ang kalangitan kaya mukang tambay sa bahay muna.

Last week, kasabay ng pagbili ko ng libro ni Papa Jack, hinunt ko yung 2nd book na nakita ko noon sa Powerbook Greenbelt. Wala sa Bestseller sa Galleria kaya fly ako sa Megamall. Buti meron pang stock. Aun. Nakakuha din.

So for today, heto ang featured book....... "Para sa Hopeless Romantic".


Ito ay magsisimula sa wento ni boylet1. Nagkaroon sya ng pagtingin sa kanyang kaklase sa college na si Maria. Pero nachochorpe sya. Kung kelan nagkaroon sya ng guts na ipagtapat ang saloobin niya... saka pa sya naaksidente.

Wooops... hindi dyan magtatapos ang wento. Dahil ang totoo nian, ang story ni Maria at ni Boylet1 ay isang story na gawa ni Becca (hindi yung Becca ng PitchPerfect). Si Becca kasi ay iniwan ng kanyang boypren at di maka-move-on kaya naman ang story na ginagawa ay tragic. Walang happy ending.

Pero magbabago iyon dahil sa kanyang kausap via chair vandal. May nakakausap syang boy mula sa pinagsusulat niya sa upuan. Parang nagkakaroon ng new hope. Pero paano kung biglang eeksena ulit ang ex. At it turns out, mahal nia pa din ito kahit di niya aminin.

Meron nga ba talagang destiny? Merong second chances? Meron bang tadhana at kapalaran? Ito ay malalaman sa wento.

Score: 9. Maganda ang klase ng narration at pagbuo ng istorya. Hindi gaanong magulo ang flashback-present-flashback scenes at mahusay ang pagkakatumbok ng kwento. Magaling ang pagbuo ng concept at pasok na pasok at check na check ang story.

Sa halagang 150 petot, sulit ang pera sa mababasa. Maganda din ang quality ng papel na ginamit pati ang front cover. :D

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care! magdala ng payong kasi umuulans na!

7 comments:

  1. naku spoiler ka... bibilihin ko nga sana kasi sabi ng friend ko maganda yan...ehehehehe

    ReplyDelete
  2. interesting noh. pero di sana masaklap yung ending.

    ReplyDelete
  3. Antaas ng iyong iskor. Sa tanong na meron nga bang tadhana at kapalaran? Naniniwala ako, at maging sa mga taong kayang baguhin ang nakatadhana sa kanila

    ReplyDelete
  4. oi may book na pala si marcelo...

    ReplyDelete
  5. haha book enthusiast talaga ang peg mo aah
    well nakafollow ako sa kanya sa twitter di ko alam na
    author pala sya

    ReplyDelete
  6. ganda ng librong yan... mahilig din ako sa mga ksabihan tulad ng sa blog na to..
    http://pusong-bato.blogspot.com/

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???