Sunday, February 17, 2013

Inscrutable


Kamustasa? Happy Weekend muna sa inyong lahats! Hope you're all doing good! Since marami sa inyo ang naka-pahinga mode sa araw na ito, relak-relak lang at stay happy. 

May mga bagay na dumarating na di mo maipaliwanag. Alam mo yung Suddenly Moments.... uu... yung bigla ka na lang gugulatin ng pagkakataon tapos hindi ka prepared tapos poof.... Coco crunch.

Medyo madaming kaganapan at anik-anik na pinagdaanan kaya medyo tahimik ang bloghouse ko. Wala namang major-major thigy pero i don't know... anhirap i-explain.... pero try ko iwento... pampagaan na din ng loob.

1. Di ako masyarong apekted sa padating na balentayms. Keri lang na singleness me kasi sanay na din naman. Pero syemps, medyo me halong konting bitterness..... mga 3%.

2. Ang pamumuhay ng medyo independent ay may goodside at bad. Pero medyo tinamaan ako ng badside. Yung moment na feeling mo your alone. Yung eksenang kung wala kang internet sa bahay or dvd na binibili or games na nilalaro ay medyo nabuang ka na.

3. Nerf side ng going solo ay kailangan mo kumilos mag-isa. Yung maglalaba ka ng damit mo, kailangan mo maglinis ng slight ganyan. Then kailangan mo pagluto/ipagprito sarili mo ng makakain kahit walang rice. Medyo hassleness.

4. At ang isa pang side effect ng pag-iisa.... madedepress ka. Yep. I don't know pero may gut feeling ako na nadepress ako last week kaya naman dumating yung point na nag-deactivate ako ng twitter ko tapos dinelete ko tong blog ko.

5. Pero after that depression, it's good to know na may mga kakilala ka na napansin yung slight absence mo. Hahahah. Medyo nakakagaan ng loob na somehow, may mga tao pa na nakaka-notice.

6. Yung okay ka na ng slight pero bigla nanamang may news ka na mababalitaan, yung isa sa ka-team ko noon na medyo ka-close ko din ay nagresign. Yung nabawasan ka nanaman ng kakilala sa work environment.

7. Tapos may time na naalala ka lang ng isang kamag-anak kasi manghihiram sana ng moolah to buy a gadget. Yung eksena na di naman kayo naging super-duper-close. Okay lang din sana magpahiram kaso malaki yung amount. E di naman me rich saka kung sarili ko nga di ko mabilan ng new gadget kasi hesitant ako gumastos.

8. Yung sumapit ang balentayms day na kinarir ko yung pakulo sa opisina. Valentine Bingo. May eksenang sumasagot sa movie trivia para matatakan yung card. Merong nag-minute to win it challenge. Yung nag-jump-rope para makumpleto ang task. Yung na-over-lunch at sagad at wagas mag-aux-CR para matatakan ang 25 slots sa bingo card. A-for-Effort!

9. Di pa doon nagtatapos, nag-antay pa ng 2 hours at nagpila-balde pa para to claim the major prize na big teddy bear. Pero worth it naman. Atlist tanggal ang 50% ng negativity sa katawan at pasok sa jar at makakakuha ng bear.... kaso next week pa makukuha kasi naubos na. lols.

10. After all the shenanigans na nangyari for the past days.... naisipan kong mag baby steps towards solo travel. At ang unang destinasyon ko.... Manila Ocean park. Ang hantagal ko ng nipapangarap na puntahan, nadating ko din. Masasabi ko na na hindi na lamang ang mga kindergarten sa akin. Hahaha. Star City... ikaw na ang next target. lols.

11. Tapos sa opis, may upcoming meeting within our department at merong costume thingy. Noong unang mga teaser posters nila, sabi Nautical/sailor costume... So nakapag-isip na ako ng game plan ko ng susuotin. Sailor-sailoran (not sailormoon btw!). 

12. Even bought sailorhat/sailorcap kasi kailangan daw ang team parang may uniform. So my team leader asked if pede ibilan yung mga kasama. So why not.... pero at the event.... alam mo yung feeling na yung suggestion mo ay medyo na-okray-okray and even questioned the item if pang sailor talaga and even joked na pang muslim yung cap.

13. And a little annoying, suddenly, mga days before the actual event, biglang nag-release pala ang commitee na pirate thingy din ay pasok sa theme. E di... like watdahel... Oo, may halong kapaitan kase..... mas madali ng slight ang pirate thingy compared sa paghahagilap ng pang sailor chuva... Sana hindi na lang yun yung pinag-isipan ko. E bandana lungs and stuff and eye patch and things e keri na pala. 

 14. Di ko na pinansin much ang BV na nadarama kasi nanalo naman ang team namin for some award internally. Salamat sa tulong ng mga performer sa team at somehow nakasama me sa team na nanalo. Inferview to them na kinarir ang pagiging uliran sa stats/grade.

15. And another shocking news ang nabalitaan ko.... yung isang manager na mabait dito sa opis ay nagresign na din. Yung nakakasad kasi mabait yung manager na yun at nangangamusta pa at nakikipag-small talk pa to others at very down to earth..... 

16. Right after the morning event at konting tulog, lipad naman me sa bandang Makati to meet blogger/twitter friend Archievener na nagbabakasyon here sa pinas. Before meeting them, at dahil nahihiya me ng 101% e pumasok muna ako sa powerbooks at may nakita akong 2 new libro. Gusto ko sana bilhin kaso nahihiya me kasi wala akong bag na pagtataguan ng bibilhin ko.

17. First time meeting bloggers like Xprosaic at Archievener. Andun din sila Bino at sir Mar. Dumating din si Sir John/Kumagcow and Pusangkalye/Anton. Met new folks like Levi (hope i got the name right and right spelling) and Ryno (based from twitter handlename). Sumunod din si Theo and AXL.

18. At inatake nanaman ng pagiging socially awkward penguin at tahimik nanaman. I know. Di na ako nakaalis sa pagiging wallflower at mahiyain much. 

19. Buti at nakayanan kong hindi magtawag ng uwak kagabi kahit na medyo umaangats yung nikain ko. Hahahaha. Nakayanang i-mind-over-matter na hindi ako bloated at napasobra ng kain. Sarap ng food so nakakapanghinayang kung iduduwal ko langs. Sayang ang libre.

20. At late ako sa opis today. Hope walang higher ups sa opis ang nagbabasa ng blog ko. Hahahah. Napasarap tulog ko dahil sa pagods at konting tulog. Tapos walang naghihilik sa sleeping quarters and sakto ang lamig at madilim ang room kaya naman... 3 hours akong late kahit na technically ay nasa opis na ako.

Wow! 20 random thingies! Di ko na sinama yung mga tv shows na kokomentan ko hahaha. Medyo nakakagaang na ng loob at i'm doing okay now. mga 5% na lang ang negativity sa katawan na sa tingin ko mawawala na din eventually.

Hanggang dito na lang muna! Take Care folks and always be happy! Enjoy the day! Smile!

6 comments:

  1. mabuti naman at nakita mo na si haring archieviner... feeling ko makukrus din ang ating landas balang araw sir...

    congrats sa internal award... sana dinagdagan mo pa ang andom thoughts... pareho tayo ng tingin sa balentayms...

    ReplyDelete
  2. Nakita ko yung picture nio uploaded by sir bino sa k dun?

    Masarap magrandom tlga :) be 100% panatag lols

    ReplyDelete
  3. Naalala ko yung sailormoon costume na suggestion ko sa'yo. haha!


    PS: para hindi ka na ma-bored minsan, mag-uwi ka ng chicks sa apartment mo.

    ReplyDelete
  4. Ang saya ng eb di ba. Ang ingay mo pa rin tulad ng dati lo.

    ReplyDelete
  5. ako want ko maranasan ung magisa lang ako haha

    want ko din makapasyal sa ocean park na yan!

    ang cute ng event na ganyan costume costuman ang peg
    congrats sa team nu

    nice saya nung mga pic nu naiingit ako dapat susunod din ako kaso maxado na gabi sa cavite city pako mangagaling

    ReplyDelete
  6. Never q p naratng ang ocean park, anu b un!? Haha T'was nicemeeting u as well gelo :))

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???