Good Morning! TGIF sa mga folks! Konting oras ng tiis na lungs at weekend nio na! Ako, restday ko na ngayong araw kaya naman may time to chillax at mag movie marathon. And speaking of movie, ngayon ay isang movie review post......
Hindi tayo pupunta ng bansang Thailand. Hindi rin po sa Korea at dehins din sa Japan. Asian country pero hindi sa China or kahit sa Taiwan. Curious ka na ba? Well, lilipad tayo sa bansang India. Yep! Bollywood film for today! At ang peliks ay may pamagat na......... Student of the Year!
Magsisimula ang wents sa isang narration ng isang may chubby-chubbihang guy na nagsasaad about sa isang Dean na biglang nawala at nagtago. Hinahanaps nila si Dean for some reason. And after long years, nagkaroon ng lead at napag-alaman kung nasaan ito. And then tinawag nia ang mga folks and former classmates. Akala nia walang darating pero meron naman.
And then dito na iwewento ng mga dating magkakaklase ang kaganapan sa past. Ang wento at buhay sa iskuwelahan. Kung saan merong taklong super main bida sa wento.
Merong isang anak mayaman sa campus na hartrab at sikats. Ang namesung ni guy ay Rohan. Si Rohan ay anak mayaman pero ang passion ay nasa music. Iniignore sya sa bahay nila lalo na ng pudrax nia kaya naman rebellious ang peg.
Rohan
Then eenter itong isang new guy sa campus na hartrab din. Ang name naman nito ay Abhimanyu pero paikliin natin at tawagin syang Abhi. Si Abhi ay galing naman sa di mayaman na family and striving to be rich ang goal in life.
Abhi
Nagkaroon ng crash (crash ha, hindi po CRUSH) si Rohan at Abhi kasi nagkaangasan ang dalawa pero eventually naging best buddies din. (best buds lang and nothing more ha! best buds lungs)
Si Rohan ay may jowawits na girl. Si girlay ay may pangalan na Shanaya (hindi po Twain ang apelyido). Si Shanaya ay rich girl din like Rohan.
Shanaya
Okay naman sana ang relasyones ng magjowawits na Rohan at Shanaya kaso, pabling much tong si Rohan. Nakikipag-flirt-flirt sa ibang girl na kaklase nila... yung cheerleader girl named Tanya. So dahil sa ganung sitwasyon, medyo nagkakalamat na ang relasyones.
Then, noong nagkaroon ng invite mula sa family ni Rohan to fly sa Thailand para sa wedding, nagkaroon ng plan na pagselosin ni Shanaya ang jowa nia by using Abhi. Effective namans. Kaso, may gusto pala si Abhi kay Shanaya. paktay!
So dito na eenter ang namumuong jelusi ganyan factor between the love triangle. Syemps, it hurts kay Abhi na nasa ibang guy yung type nia tapos bestpren nia yung guy na gusto ng mahal nia. ganung drama.
And syemps, kelangan magkaroon na ng intensity. Na-fall nga din pala si Shanaya kay Abhi tapos nagkiss sila at nakita ni Rohan at Friendship Over!! Na-feel-betrayed si koya Rohan... Feel na feel nia ang year of the snake kasi ang dating ay inahas sya! ganun.
Then dito ko na i-eexplain kung bakit student of the year ang title. Ganito kasi yans. Sa iskul, may pautot ang Dean nila na contest running for 25 years. Ito nga yung Student of the year. Ang mga studyante ay magcocompete sa isa't-isa to win the prize na parang education abroad ata.
So within the movie, well, middle of the movie, ipinakita na ang labanan. Una, IQ exam. Pangalawa, treasure hunt which is also parang amazing race type thingy. Pangatlo ay dance competition at ang last part ay Triathlon.
Friendships..... na maruruin :(
Dito nagcompete ang bawat isa at ang mga studyante ay talagang go go go, win, win, win. At ito din ang nagcacause ng hidwaan between friendships. :( friends turning against each other.
Ano ang ending?????? Secretong malupit! Di ko sasabihin. You NEED to watch this film kasi! It's good. It's nice.
For the score......... 9.8 ang score... almost perfect na din. Bakit?
Story- for me, parang di pa ata ako nakapanood ng peliks na ganito ang tema. Ewan ko, fresh ang concept sa akin.
Sing and Dance- Kahit bollywood film na may kantahan at sayawan, swak naman ang music at dance groves nila.
Acting- Oks sa akin yung pag-arte ng mga cast. Nadala nga ako sa love-triangle while watching... napapa-aw... oHHinde.... at hala... Yung eksenang napapaside comment at ramdam mo yung heartache ng casts.
Backgrounds- yung beach sa thailand saka yung ibang scenes.... swabe ang background na nagpapalutang sa mga actors.
Backgrounds- yung beach sa thailand saka yung ibang scenes.... swabe ang background na nagpapalutang sa mga actors.
Skin/katawan- oo, may skin/katawan factor. hahaha. Kaya hindi perfect 10 kasi nang-iinggit yung dalawang boys sa kanilang katawan! Leche! Sila na ang may katawang maskulado at pang-beach! Asar much! Sarap siguro mabuhay na ganun ang body. lols
Hahahah... gusto nio ba ng sample ng sinasabi kong skin/katawan? Heto ang screenies ng beach bods ng taklong main bida!
O cia, hanggang dito na lungs muna! Take Care!!! Enjoy ang padating na weekend!
Oh my holy cow... I got curious sa bollywood movie na ito.... Sobrang hot ng mga lead stars... ulam na ulam ang mga bodies...
ReplyDeleteThanks for sharing this...Ang taas ng rating mo ha... sobrang nag-e-expect ako ng mataas...
yep.... ulam!
Deletehonestly, sa mga reviews mo, naaappreciate ko na ang bollywood
ReplyDeleteuu, magaganda din gawang india
Deleteswak na swak ka talaga mag-review! nakakaakit panuorin tuloy ito.. ewan ko lang kung saan may available...
ReplyDeleteAyos ang love triangle, madalas nangyayari ito pero gusto kong makita kung papaano nangyayari ito sa mga Indian!
maganda/sexy talaga ang mga Indian!
Salamats, baka magshare ako link.
Deletexet! ang gaganda ng katawan nila anoh. summer na summer. at parang interesting tong movie na to
ReplyDeletetama... summer ng summer.
Deletehaha malditang shanaya to nang agaw na ng pangalan ng singer ee lumandi pa para pagselosin ang jowa haha
ReplyDeleteanyways aliw ako sa contest part ahh
battle royale na ba to?
taas ng ratings ahh
at ang ma katawan pwede ba pa xerox ko idikit ko sakin haha
hindi sya battle royal.. hahhaha
DeleteOooh I love you Bollywood movies, yan ang past time ko...hehe napanood ko na din ito...sempre alam na.
ReplyDeletepssst... bigyan mo naman me ng ibang recommended bollywood films
Deletedahil dyan I will start watching bollywood movies na:)
ReplyDeletego, watch na po. :D
DeleteAng galing, naaliw ako sa pagkakakwento mo!
ReplyDeleteGanda nga nitong movie! ganda rin ng pagkakakuha sa pelikula! galing ng pagkaka-advertise sa mga sponsors! haha
eh ang gwapo lang ni Abhi! :)
hahahaha. salamuch sa pag-appreciate.
Delete