Sunday, August 25, 2013

Solo Travel sa Cebu Day2

Hello! Weekend is almost over at bukas ay simula nanaman ng bagong week para sa karamihan. Okay lang yan, isipin nio na lang na after another 5 days, restday nanaman.

For today, ipagpatuloy na natin ang kwentong pagbibiyahe ko sa ibang lupalop ng pinas. Ating ituloy ang aking experience ng solong pagbibiyahe sa Cebu.

Medyo inagahan ko ang gising ko kasi sobra-sobra din naman ang charge na nagawa ko sa body dahil naka-quota na ng 12 hours na borlogs. After makaligo at makapag-almuchow, gora na me para isagawa ang itenerary thingy na gawa-gawa ko from mga place na napuntahan na ng isang ka-opisina na nag-cebu.

Medyo lumagpas ako sa place na bababaan ko kasi di ata na-gets ng jeepney konductora na ibaba ako sa may Sto. Nino (landmark na bababaans). So nag-ride ako 2x sa jeep para makadating sa spot.

Damage: 16 petot (Otso-otso na pamasahe)

Unang hinto ay ang Magellan's Cross. Ito yung place kung saan makikita shempre ang Bakal na Cruth ni Juan Dela Cruth! Char! Syemps, ang literal na yung cross ni Magellan thingy.



 
Sa place na ito ay may nag-ooffer ng candle thingy tapos ipagdadasal kanila with dance stuff to the tune of gimme, gimme, gimme. Kidding! Sinulog prayer kinda thing daw. Medyo-Trap kinda thing kasi for 10 pirasong colored na patpating kandila, nagkakahalagang 100 petot. Pero baka mas magaling sila sa pag-pray kesa sa akin, sige, hayaans na lungs.

Damage: Candle- P100 petot

 


May special location kung saan mo pedeng sindihan yung kandila. Nga pala, may iba-ibang simbolo daw yung mga kulay ng candles. Red for love, pink for pakikipaglandian...... Nakalimutan ko na yung ibig sabihins... move on na sa candles.

Katabi lang halos ng Magellan's Cross ang next destination. Mga siguro 50 hakbungs lungs or mga sige, 70 steps ganyan, madadating na ang simbahan or ang Basilica de Sto. Nino. Ito po ay church kung saan naka-shelter ang important Sto. Nino.


Pasensya na sa selfie pic, walang kukuha ng pic ko eh :D





After sa Basilica, next stop ko naman ay ang Cebu Cathedral. Ito ay malapit lang din sa Basilica. Nakakapagtaka nga kasi, after ng isang simbahan, another simbahan nanaman? Slightly redundant? Pero wala na akong magagawa. Di naman ako nasunog sa unang simbahan kaya go naman ako dito sa Cathedral.




After the 3rd desti, medyo nagkaprobleyma me. Aba, naglakad ako back and forth pero parang hindi ko makita yung next desti ko. Akala ko kasing super close lang katulad ng first three spot. E medyo shy type me at takot akong magtanong. Lakad here, lakad there pero no sign ng next place.

Mga 10- 15 mins din ang tinagal ng paglakad ko from one street to another ng pagpasyahans ko na lungs magtanongs. Buti merong naawa sa naliligaw na Khanto at itinuro ang daans.

4th stop ay ang Heritage Monument of Cebu na somehow nasa bandang gitna-ish ng kalye. Parang center isle pero hindi sya center isle. 





Ilang hakbang lang from Heritage Monument ng Cebu ay ang next destination, ito ay ang Yap- Sandiego Ancestral House.





Damage: 50 petot for entrance.

Sa Yap- Sandiego Ancestral house makikita ang mga anik-anik ang shenanigans and thingies na oldies na. Imagine, napanatili yung place kahit na panahon pa ng kopong-kopong-kopong ang bahay. From pader to structure post pati mga kasangkapan and stuff.




Di naman creepy ang feel at aura sa loob ng ancestral house kahit medyo luma na ang mga gamit sa loobs. Nakakamanghamazing na namaintain yung mga bagay at napreserve ang mga ito.



Good thing about the place ay actually pede mong hawakan at upuan yung mga chairs and stuff. Just be careful na wala ka nga lang mababasag and something like that.

Woooooops kiri woooooops kiri wooooooops.... hanggang dito muna. Masyarong mahaba na ang post na ito at medyo jumpack kasi ang wento sa day 2 kaya 2 part thingy. hahahaha.

Take Care!


つづく

9 comments:

  1. kaw na ang more gala more fun sa cebu,
    dame mo makikitang magandang site dyan ahh
    nice inget nanaman ako

    ReplyDelete
  2. Ang bilis, kaka komment ko pa lang sa Part 1, mayroon nang Part 2. Sige pa, very interesting. been to Cebu pero sa Plantation Bay lang ako the whole time.

    ReplyDelete
  3. gud job!!! matagumpay ang selfie pic este solo travel mo :)

    ReplyDelete
  4. Hong gondo naman ng mga photos, lalo na yung mga naglalakihang simbahans!

    ReplyDelete
  5. the way you write is entertaining.:) congrats on the solo trip and the successful #selfie photo.

    ReplyDelete
  6. Nakakarelate ako sayo sobra dahil mahiyain din ako at di nagtatanong , next time sama mo ko pra taga kuha ng picture mo hihihi :) viva cebu!

    ReplyDelete
  7. Tibay ng solo travel! Paselfie-selfie na lang oh. :D

    ReplyDelete
  8. Taray ng mga selfie pics. At mas mataraybang paglalakbay sa cebu ng magisa kaloka ikaw na strong!! =)

    ReplyDelete
  9. honestly parang nag kainteresado ako bigla mag solo adventure dahil sa post na toh. at sa part 1. pero malamang hindi ko magagawa kase malungkutin ako.. at gusto ko lagi may kasama..

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???