Saturday, August 24, 2013

Solo Travel sa Cebu Day 1

Hello there! Kamusta na kayo? Hopefully ay okay naman kayo kahit medyo nagparamdam ng wagas at nagpapansin much etong si bagyong Maring.

For today, simulan ko na ang wento ng adventure ko mag-isa sa ibang place. Yep. Tama ang nabasa ninyo, byaheng mag-isa. Triny ko kasi mag-solo-backpacking eklavoo.

Sa tulong ng Tigerairways seat sale about last January, nakakuha ako ng planeticket ko papunta at pabalik for only below P400 petot, roughly 350 sa aking pagkakatanda.

Etong lunes, kahit na masama ang timpla ng panahon dahil kay bagyong Marings, go go go, fly fly fly padin at nothings gonna stop us now (teka, title ba yun ng kanta?). Kahit medyo nakakabutas man ng bulsa, no choice ako na mag taxicles papuntang terminal 4 para maka-go! Damage ng taxi, (P350, maygas, kaloks, katumbas ng 2 Venti Mocha Frap ang taxi)

Dahil umuulans, may payongs akong dala pero unfortunately, yung booking ko ay walang baggage check-ins so patay..... di pede i-hand carry ang payongs. I make pakiusap sa isang employee ng airport na ipatago ang payong ko tas babalikan ko (pero huhuhu, sad to say, hindi ko nahanap si koya worker nung pagbalik ko, naging sacrificial lamb ang fave payong kong fibrella)

Delayed ang flight due to bad weather dahil buhos kung buhos talaga ang rain ni manang Maring. Buti na lungs at may TV sa waiting area so nakanuod pa ako ng KrisTv, Sailormoon R at Naruto.






10:30am ang original flight ng plane pero nakaalis kami ng Manila ng mga 12:30 dahil sa sama ng panahons. Pero keri lang dahil noong nakalipads na, 1 hour and 15 minutes lang ay nakadating na agads ng Cebu. 

Pagdating sa airport, dapat magtataxi ako papuntang Crowne Regency to follow my Itenerary pero dahil sa certain circumstances, naiba ang plano.


Sa gilid ng airport, merong jeep na bumabyahe, so yun ang sinakyan ko worth P8 langs. Tapos nakigaya lang ako doon sa isang manong na nagtanong saan papuntang SM Cebu. Ayun, gaya-gaya-puto-maya. Bumaba din me tapos sumakay me ng vengaVan papuntang SM City Cebu. (note: fare ng van ay 25 petot).


May kalakihan din ang SM City Cebu kaya medyo makakapag-stroll-stroll ka or libot-libot and stuff like that. You can make kain here if tomjones kayo since madaming makakainan na resto or kahit sa foodcourt.

Slightly pagod ang katawang lupa ko kaya naman hinanap ko na yung hotel na tutuluyan ko. Buti na lungs at walking distance lang ito from SM Cebu kaya naman madali akong nakadating doon.




Nag-book ako ng accomods sa Sugbutel kasi yung ang nasuggest na pinakamurang stay by a blogger friend na itago natin sa ngalan na si Tabianmuch. hehehe. Imagine, sa halagang 250 or 300, may matutulugans ka na ng isang gabi. Magdadagdags ka na lungs kung gusto mo ng added blanket or bed sheets at towel ganyans.


Dormish typish ang accomodation na mura, meaning, may kasa ma ka sa area.... madami kayo sa isang aircon rooms with super daming beds na meron namang pinto na parang partitions and divisions.

Technically 8 persons per roomish. Ang kutson nila ay leatherish type so para ka lang humiga sa sofa. Kung maarte ka at medyo choosy, then why not avail of bed sheet ganyan. Tapos kung medyo lamigin ka, avail ka ng kumots.

Sa bawat space, merong kurtina for your privacy thingy at merong saksakan for charging devices and stuff at meron ding ilaw. 

Parang  nasa sleeping quarters lang ako sa opis so keri lang ang binayaran ko plus, mas may feature kasi pede magcharge ng phone at merong kurtina para di makita ang sleeping face ng ibang tao. hahahaha.

Dahil pagoda ang lolo ninyo, itinulog ko ng bongga ang day 1 ko sa Cebu to recharge for day 2.

Lesson sa day1:
-Wag magdala ng payong....
-Mahal ever ang pagtataxi! 

O cia, hanggang dito na lang muna..... nektaym na yung pasyal.... heheheh.

Take Care! Happy Weekend!


6 comments:

  1. wow mura naman ng nagastos mo, at ang cute ng beds ahh
    anyway trip ko din magbook naun pa lang para mura ung flight na makukuha ko

    ReplyDelete
  2. wow super gala to da max kahit bumabagyo sa Manila. at least sa Cebu, maganda kahit papaano ang weather :D

    ayyy, nakauwi ka na pala. nasan ang danggit koooo!??? XD

    ReplyDelete
  3. grabe yung taxi fare kasing presyo ng plane fare mo..hehe.. atleast mura ang plane fare ;)

    ReplyDelete
  4. wee!! nice one! pumapayat ka infernes =)

    ReplyDelete
  5. Ang poyot mo Khants! Pinag handaan mo ang Cebu trip no? :)

    Ang mahalia nga ng taxi, kapresyo na ng airfare! At buti may tv sa airpot kundi nakaka bugnot mag intay. At buti safe naman ang byahe kahit may julanis ni Maring!

    Ang cute naman pala sa Sugbutel! Masaya pa lalo kung may mga cute na ibang guest! Hihi!

    ReplyDelete
  6. Sobrang mura naman yan, magaya nga kita, ha,ha. Babasahin ko part 2 para pag napasyal ako ulit ng Cebu, same same lungs. Hindi na ako mag iisip.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???