Tuesday, August 13, 2013

Aftershock

Hey! Yippieyayow folks! Kamusta naman kayo? Maulan padin kaya wag na wag na wag makakalimutan ang payong dahil ang ulan ay unpredictable, lulubog-lilitaw. Mahirap magkasakit kaya tekker okey?!

For today, another asian film ang tampok sa bloghouse na ito.... at ito ay sa bansang China.


Magsisimula ang peliks sa isang pamilya.... may mader, pader at dalawang junakis na gerl at boy. Sila ay nakatira sa tansan Tangshan sa may china mga taong 1976. Pinatulog ni mudrax ang kambal palang junakis sabay trip nia daw bumuo pa ng isa pang baby. So punta sila ni hubby sa kanilang truck at doon mag jejerjer and mag-gimme-gimme-gimme-gimme-gimme-gimme-gimme-gimme-gimme-gimme-gimme-gimme!

 The junakis twins (Fang Da and Fang Deng)

Pero may moment na aalog sa kanilang pagkukulakadidang at pagjujugjug..... nagkaroon ng earthquake! na shake, rattle and roll ang bayan ng Tangshan!  Honlokos ng pag-uga ng place, naguguho ang lups at talagang devastating at destructive ang prowess ng earthquake.

Di pa man ata nakakapagparaos ang mag-asawa ay run for their life na sila. Tapos naalala nila ang junakis na naiwan sa bahay nila pero hindi nila mailigtas kasi kailangan din nilang mag-survive. Iwas to the left, iwas to the right ang ginawa ng mag-asawa. Pero walang kawala. Ang nagawa ni hubby ay i-push si wifey para makaligtas at mabuhay ito.

 Windang na windang si Wifey

Deads si hubby..... Ligtas si Wifey pero ang dalawang junakis ay natabunan ng rubbles at ng mga rocks and stuff. Oh no! Nakakaawa ang 2 kiddos na natatabunan! Humihingi sila ng tulong sa mudrax.

Namatayan na ng asawa si wifey, so kelangan mailigtas ang anakish. Pero grabehan ang tadhana, hindi pedeng iligtas pareho agad-agad ang anak. Pinapili ang ina kung alin sa dalawa ang uunahin dahil ang isa ay mapipisak pag ginalaw ang nakatabun sa kanila. Hard choice for a mother to select between the boy or girl na nanggaling sa kanyang sinapupunan.

Na-pressure ang inang namatayan at natatakot na maging solo in life kaya pabulong niyang pinili na iligtas ang boy. But, narinig ni batang babae ang nasabi ng ina, napaluha siya habang alam niyang madudurog at mapipisak siya kasi ang uunahing iligtas ay ang kanyang twin-bro.

Umalis si wifey na durog na durog na durog ang puso sa kawalan ng asawa at pagpili sa anak na lalaki. Kailangan pa niyang dalin ang anak para malunasan dahil damaged at heavy bleeding ganyan.

While wala ang mag-ina, may himala! Nakaligtas ang babaeng bata........anong mangyayare???? secret! puputulin ko na hir ang wents. hahaha.

Score: 9! Grabehan! Nakakaawa ang kaganapan. Yung eksenang dinamdam ni batang girl na feeling niya ay pinabayaan siya ng mudrax niya. Yung mag-isang binuhay ng mudrax yung anak niya na naputulan ng kamay dahil sa earthquake. Yung piniling di mag-asawa ng mudrax dahil feeling niya utang niya sa dead hubby ang life niya. 

Maganda yung film, slightly mabagal lang ang pace kasi pinakita ang life after the event for the girl, the boy at kay mudrax. Pero ayos yung moment sa bandang huli, yung after 32 years, nagkita na ang magkapatid/mag-ina.

O cia, hanggang dito na lang muna.Take Care!

9 comments:

  1. bah taas ng rating ah 9!. parang malungkot nga lang

    ReplyDelete
  2. Mahanap nga sa rental shop. Kaya lang iyakin me sa mga sad movies.

    ReplyDelete
  3. Naalala ko yung amorosa dito. May moment din kasi na pinapili si angel aquino between enrique gil and martin del rosario sa mga anak nya. Anyway..ang taas ng rating infairness mukhang maganda kasi sakit sa puso ang peg hahaha


    By the way, if you have time feel free to visit my new blog.

    superjaid.blogspot.com

    ReplyDelete
  4. as in?? may gas. maganda to ah....nanonood na ako ng movie on the earlier parts of the review but...super bitin akew. -_-

    ReplyDelete
  5. waittt!!! dun palang ako sa choosing between the boy and girl. Di ko tinuloy. Lemme watch this!

    ReplyDelete
  6. wow napaka devastating naman ng movie na to nakakainis ka binitin mo pa ampness! pero angas deserving for 9 napakaunique kasi

    ReplyDelete
  7. Hahanap ako ng copy nito.

    Naintriga ako sa kwento. Very interesting.

    ReplyDelete
  8. Panood mo na yung sky tower ba yun? A film from Korea.

    Maganda :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???