Friday, August 9, 2013

Visionaries: Knights of the Magical Light

Nag-smile na ba ang crush mo sa iyo? Smile ka din! Hindi ganyan.... konti lungs! Smile-smile din pag may time! ganyan!

Flashback Friday tayo ngayon at medyo pahinga muna sa pagrereview ng film. Saka medyo may katagalan na din pala ang huling post ko ng anime/cartoon related stuff.

Medyo matagal na yung request for this show pero dahil minsan tamad-tamad mode at wala much akong makitang images online for samples and stuff kaya naman delayed much ito.

Ang show for today ay ang cartoon na ipinalabas somewhere in 90's..... at ito ay ang Visionaries: Knights of the Magical Light. Ipinalabas sa channel 2.


Ang story ng palabas ay tungkol sa palnetang kukurifafu  Prysmos kung saan namamayagpag ang technology and stuff like that. Pero may suddenly moments na nangyare at lahat ng bagay na pinapatakbo ng energy ay biglang di na tumatalab. Naging back to old school shitness ang planeta.

Tapos biglang eeksena ang isang matandang pinsan ni Gandalf the Gray/White at Albus Dumbledore.... eto ay ang wiz na si Wiz Khalifa Merklynn. Dito ay nag-invite sya ng mga soujaboys na sumali sa isang competisyon para magkaroon ng magical thingamabob na magiging somehow pang alternate use ng technology.


Sa challenge nitong si Merklynn (hindi kamag-anak ni Jacklyn), tanging ang mga cream of the crop at skilled soujaboys lang ang makakatanggap ng regalo ng magical powers anik-anik.


Ang mga warriors/soldiers na merong kakaibang angkin galing ay nabiyayaan ng kakayahang magtransform to something na angkop sa pinakitang galing at kakayanan ng tao. Aside from that, yung may dala-dalang banner/staff, nabigyan din ng kakaibang powers.



Nahahati ang mga nabigyan ng gifts sa dalawang lupon.... Ang mga goodie-goods na soldiers na tinatawag na Spectral Knights at ang mga evil-evilan groupies na Darkling Lords.

Spectral Knights:

Pinamumunuan ni Leoric o yung may may powers na maging leon. Kasama niya sa knights ang may kakayahang maging Cheetah na si Witterquick at Bear na si Cryotek.


Ilan pa sa mga members ng Spectral Knights ay si Ectar na nagiging Fox, Arzon na nagiging Eagle, Feryl na nagiging Wolf at ang only girl na si Galandria na nagiging Dolphin.


Ang staff na napunta sa mga Spectral Knights ay ang Wisdom, Strength, Knowledge at Lightspeed.


Darkling Lords:

Pinamumunuan ng leader na si Darkstorm with the power to change to Mollusk. Kasama niya ang soldier na named Cindarr na nagiging Gorilla at si Cravex na nagiging Pteradactyl-ish na animal.


Ilan pa sa mga Darkling Lords ay sina Mortdredd na nagiging Scampering Beetle, ang badgirl na si Virulina na nagiging Shark, si Reekon na nagiging Lizard at Lexor na nagiging Armadillo.


Ang staff naman for Darkling Lords ay Decay, Destruction, Fear at Invulnerability.


Maganda sana itong cartoon na ito from the past pero unfortunately, nagkaroon ng masaklap na kaganapan sa palabas. Inihinto ang show at tanging 13 episodes lamang ang inilabas. Hindi nagkaroon ng closure sa wento at di natuloy ang plano na magkaroon ng additional members ang bawat team.

Sayang pero ganun talaga. Pero isa padin sa mga okay na palabas ito noong kabataan ko. :D

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

9 comments:

  1. waah peborit ko to nung bata ako :D

    ReplyDelete
  2. ei! peborit ko ito dati...ehehehhe...napaghahalataan ang edad tuloy.. :P maganda rin yung sky commander.. ehe.. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe maganda din ang sky commander, centurions power extreme, saka dino riders nyahaha. I miss those cartoons :D

      Delete
  3. waaah, wala ako masyadong memories sa visionaries dati eh... yung kuya ko lng kase ang mahilig manood nyans >_<

    ReplyDelete
  4. wow angas neto ahh, pero di ko ata tanda to haha

    ReplyDelete
  5. nakakalungkot kasi nga di na nila tinuloy ang palabas na ito... Isa pa naman ito sa mga panghapong palabas na pinapanood ko, kung hindi ako nag kakamali eh pagtapos nito eh inhummanoids naman ang palabas..

    ReplyDelete
  6. ay...hindi ko nahiligan ito nung bata... carebears then sailor moon lang ako nun eh...kaya...alam na...

    ReplyDelete
  7. pasensya hindi ko alam 'to...

    dora and barnie na kasi naabotan ko eh..wehehe

    ReplyDelete
  8. wow naalala ko sila! very malabo lang ang alaala pero naalala ko pa rin. ganito siguro feeling ng may amnesia hehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???