♫♪
Wansapanataym sa aking buhay
Napawi ang lumbay, napuno ng kulay
Mga pangarap ko doo'y nagkatotoo
Wansapanataym, babalikan kahit sa panaginip lang
♪♫
Wait staps! mali ata ang song na kinakanta ninyo sa kanta na dapat para sa show na ibibida ko para sa araw na ito. Nope. Hindi po ang tagalogs show na Wansapanataym ang featured show.... it should be the english thingy.... should be 'Once Upon a Time'.
Ang wento ay magsisimula sa mundo ng pantasya (nope, hindi po ito yung nausong website na may erotic stories shenanigans). Ang tinutukoy ko ay ang lagar ng mga Fairytales (nope, hindi po yung anime na about wizards and stuff).
Doon pinakita ang wagas na chorbahan este pag-iibigan ni Cindirella-ella-ella-eh-eh-eh Snow White at Prince Charles Charming. Eto yung eksenang dahil sa wagas na pagmamahalan at sa halik (sabay patugtog ng aegis song na halik) ng prinsipe, nawala ang sumpa kay Snow. And they live happily evah aftah..... not!
Dahil, never say never ang motto ni Evil Queen.... Aba..... ayaw niya na maging si enrile na gusto niya happy ka.... no! So she make banta na hindi magiging maligaya si Snow at ang Prince at ang mga characters sa Fairytales.
May curse na ginawa si Evil Queen kung saan ang mga characters sa fairyworld ay mapupunta sa normal human world at makakalimot kung sino talaga sila. Eto ang higanti ng queen.
Pero hindi papatalo ang goodness.... nakagawa sila ng paraan somehow.... Ayon sa prophecy, ang junakis ni Snow at Charming ang magiging saviour. So they make a way para makatakas sa curse ang baby girl. Pinag-spacewarp ang baby.
sa present world, ang baby girl ay tumanda na. Dito ay dadalawin siya ng isang batang yagit na magpapakilala as anak niya na kanyang inabanduna nung natisbun sya. Ipinaalam sa kanya na meron siyang misyon.... ang iligtas ang mga fairytale chararats na na-trap sa modern world na tila may amnesia sa kanilang true identity.
*-*-*-*-*-*-*-*-
Natapos ko na yung unang season at naaliw naman me sa wento. Mahusay ang pagbabacktrack ng kaganapan sa story world. nakakaaliw ang pagkakakonekkonek ng mga characters at kaganapan.
ang mga factors na kinaaliwan ko....
Yung eksenang handaming deal na ginawa ni Rumpletiltskin sa iba-ibang characters
Yung twist na si Red Riding Hood ay isang Big Bad Wolf
yung twist na si Pinakyou este pinokyo (can you spell this for me?) ay nakaalis din ng fairyworld.
Ang labstory ng Grumpy at ng isang Fairy named Nova (hindi villa ang apelyido)
Ang labstory ni Rumpletiltskin at ni Belle
at madami pa!
By next-next week, baka simulan ko na yung season 2. hehehehe.
O cia, hanggang dito na lang muna!
Waaah, ayos pala tong Once Upon a Time. Nilagyan ng modern twist ang isang fairy tale. Aliw!
ReplyDeletepinakyo - pinokyo - Pinocchio - ahahaha!
Rumplestiltskin at Belle? may lesbianism na ganaps?
ay ung trailer pa lang nakikita ko
ReplyDeletepero naangasan ako sa plot ee
nice pag maluwag na shced ko susubaybayan ko na din yan
i am following this series ^_^ tsada talaga. hehe.
ReplyDeletesa season 2 andyan na si captain hook.
Already waiting for season 3. This is a good series. It feels like I'm watching Lost. :)
ReplyDeleteAkala ko movie series pala at mukhang interesting ang plot dahil fairytale character in real world, lakas makaenchanted!
ReplyDeletedi ko to nagustuhan eh. naiiba kasi ung kwento ng mga fairy tales hehee
ReplyDeleteParang hawig ni KC Concepcion yung evil queen...
ReplyDelete