Sunday, January 19, 2014

Dahil Wala pang Ganap, Random Muna Tayo


Sunday na! Eto ang umpisa ng work week ko. As mentioned sa last random post ko, nagbago na ako ng schedule kaya naman medyo nagbago na din ng moment to post anik-anik sa blog.

Since wala pa naman talagng kaganapan na major-major, e daanin na lang natin sa random post kung saan sasagasaan ng makakating mga daliri ang kung anong mga bagay na gusto kong maiwento kahit sa ilan ay ito ay langwenta. hahahaha.

1. For a change.... walang wentong related sa opis..... wala... wala... wala pa. Siguro ay dahil deadmadela ang mga issues na dapat ay di naman na proproblemahin.

2. Ay wait, meron pala. Pero minor lungs. Na-dissapprove yung dalawang VL ko kasi pun na slots ng weekends. So baka hihingi ako special approval para wala na ako problemahin for Batanes.

3. Medyo adjusted na ako sa new house. Nasasakto ko naman ang aking gising at ang travel time from bahay to opis na composed ng dalawang jeepney ride. 

4. Difference between the condo living at ang new balur ay ang mosquitos. Di kasi nakakalipad much papuntang 4th floor yung mga mosquitos sa condo compared sa feel at home na lamok sa new place. Buti na lang uso na yung tennis racket na mosquito killah.

5. Ewan ko kung good thing or pede ding bad thing.... Nitong nagrestday ako, di ko na ramdam ang hunger games. Yung eksenang pagkagising, may probability na merong makakain compared sa solo living na tiis gutom unless sipagin na umalis ng condo, lumabas at bumili sa karinderyang bukas sa mga nais bumili.

6. Nitong restday ko, napagpasyahan ko na bumili ng pamalit na pants for my upcoming gala sa palawan. Medyo dyahe na at laspags na yung green walking shorts ko. Hehehe. Bumili ako ng other jean shorts. Pero nagtaka ako.... mas magka-price ang full jeans at ang jeans pants, maygas, e yung short e andaming kulang na tela. lols.

7. Nagsimula na ang season 13 ng American Idol. Infairview, mas maganda na ang edit ng episodes. They don't focus much on the pangit and ugly auditions to make pahiya much yung mga uber chaka voices. Saka may harmony between the 3 judges compared last year na o-o-awkward ang panel kasi may hidwaan between mimi and nicki.

8. Dahil di na ako nakakapag-hintay much na makolekta ng pirata ang lahats ng episodes ng new pokemon xy, ayun, nagdodownload na lungs me. hahahaha.

9. Biglang bumigay ang micro sd ng aking Cherry Mobile.... huhubels. Di ako makapag-candy crush or instagram. hahaha

10. Kanina, sa tv, pagsilip ko sa warto ng mudrakels na nanonoods ng tv, aba, merong bagong portion ang Showtime, ito ay ang Iam Pogay... Mga pogs na badinggerZ. Sila yung mga sayangs ang itsurabells at wankata na sana ganun ka bodilicious ang aking body. lols.

11. Sa haus, minsan, imbyernadette sembrano ang sister at mudra ko sa aking pudra kasi araw-araw daw nasa mall. Maygas... Kabog pa ako?! At ang nasagap kong balits, dahil nasa senior certificate citizen ang aking pudra, aba, libre pala ang movie watching niya. At siya pa ang mas madalas updated sa new films.

12. Wala akong maisip na t-shirt theme sa aking byahe sa Palawans.... Kahit ano na lungs. Sa Batanes na lungs ako maghahanda. nyahahah.

13. Di ko alam, sabi ng starbucks dito near sa opis, kahit tapos na ang promo, pede pa magpapalit at magclaim ng planner. Sana nga... hahaha, may isang card ako na kumpleto na, di ko lang napapalitan.

14. Ay may naalala pala akong wents sa opis. Hehehe. Meron kasing letter-letter thingy na pede kang magbigay ng short note to co-workers. And happy ako na hindi bokyakels ang aking letterbox. May natanggaps naman ako, apats. Oks na yun kesa zero diba?

15. Hanggang dito na lang muna....

Take Care!

5 comments:

  1. Kainggit naman at magbabatanes ka. Tsk... ikaw na ang gala! Daig ka pa ni father sa malling ha. Di masyadong siksik ang random mo pero gud thing walang negang ganap.

    ReplyDelete
  2. I want that planner! :) haha mail it to me!

    ReplyDelete
  3. enjoyin ang palawan! at walang kasing sarap ang kasama ang pamilya kesa magsarili :D

    ReplyDelete
  4. la la la. akin na lang sticker! hahaha. enjoy your tripSSSSSS,. Ako anytime soon me gala sa malayong lugar. sasakay ako ng eropleyn. yippiieeeee... gusto ko din pumunta sa batanes, nasa plano ko yan. hehe.

    ReplyDelete
  5. hah dameng ganaps ahh! di ko pa nakikita ung iam pogay na yan pero matunog s office ehh haha, anyway kaw n ayou already mag papalawan!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???