Wednesday, January 8, 2014

Napakasakit, Ate ChaCha

Mustasa kalabasa? Okay ba kayo??? Ako? Oks naman! Lalo na at nagkaroon na kami ng shift bid for the month of Jan-Feb work schedule... Luckily ang aking restday ay natapat sa ilang dates na ako ay mag-le-leave kaya less days to file VL and more time to make VL sa future.

Heniway, walang kinalaman ang intro-intohan ko sa post ngayon. Nope, hindi po random ang post na ito kasi hindi mo naman nabasa sa pamagat ng post ang salitang random diba? So for today, tayo ay magkakaroon ng book review-reviewhan.
 
Since medyo uso ang mga radio DJ's to publish book, heto ang book review sa libro ng isang DJ... Eto ay ang libro ni DJ Chacha (dehins ko sya kilala since matagal na akong di nakakakinig ng FM radio at madalas ay Love Radio ang nipapakinggan ko sa mga jeepney).
 
 
Ang namesung ng book ay di naman obvious sa title ng post at sa larawan sa taas... Ito ay 'Napakasakit, Ate ChaCha'.

Ayon sa pabalat ng libro (naks, pabalat.... bagay na bagay sa larawan ng binalatang saging na hiniwa-hiwa), Ito ay usapang malikot, maharots at makirots. So... kinda naughty and kinky and something like that daw.

Ano ang laman ng book? Ito ay compilations ng naging topic or discussion ng Radio jock na si DJ ChaCha. ANg libro ay merong mga topic tulad ng mga Girl Code, Paano Mang-akit, Tamang luto ng relasyon, Something Fishy o Pagdududa or tamang hinala, Paano umiwas sa temptation island ganyan, sexcapades, usaping notes and flowers, kabet-pakbet and etc-etc.

An masasabi ko sa book?? Medyo akma ito para sa mga girly readers.... Why? Kasi ang topic much dito ay intended ata for girlaloo audience. Almost all topics ay sa mga gurls... sige... isama mo na din ang mga pa-gurls.

Based sa content... Sakto naman... Medyo naughty na di naman sobra-sobrang kawili-wili factor... may nakakatawang part at merong... meeeeeh (basahin na parang kambing ang boses)... It is just Okay... Its Suso este so-so... Hindi sya stunning on my own perspective kaya naman bibigyan ko ito ng score na boobies... (.)(.).... so ocho ang score... 

Note: Last december ko pa na-acquire ang book na ito at since di ako super enjoy or naaliw much, kaya ngayon lang nagawan ng post...

O cia, hanggang dito na lang muna! Medyo idleness kaya nagkaroon ng time magblog... 

Take Care Folks!

4 comments:

  1. Mahilig ka pala basa basa ng mga book na ganyan hehe.

    Ako movies lang talaga. Makakatulog ako kapag nagbasa ng book. Lol

    ReplyDelete
  2. morning rush lang talaga nagustuhan ko sa mga libro mula sa mga DJs lol

    ReplyDelete
  3. uy book ng radio djs din ung madalas namen sa office
    ung madameng nakakatanwang lines nakalimutan ko lang ung mga names nila
    haha

    ReplyDelete
  4. sino may extra book nito with in davao? bilhin ko 500... txt me..

    09471474971

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???