Monday, January 20, 2014

PaKapLog


♪♫♪Maalaala Mo Kaya.... Ang Sumpa mo sa akin♫♪♪

Dear Ate Charo,

Itago nio na lamang po ako sa pangalang Jonathan pero para masaya tawagin nio na lang po akong JunJun. Ako po ay isang bata-batuts na walang ginawa sa buhay kundi magbate. Ate charo, wag pong darteh ang inyong isip. Ang pagbabate na tinutukoy ko po ay yung english ng greet...You know, yung hey, hawaryu, ampayn tekker ganyan...

Heniway Ate Chars, nais ko lamang mag-share ng aking wents na sana ay mabasa sa iyong palabas tapos lalagyan ninyo ng title at papahulaan ninyo sa mga shungang viewers na magsasayang ng load para sumali at may chance kunwari na manalo ng price pero sa tingin ko ay malaking kagaguhans lungs. Nawa din ay may kapulutan ng aral o kaya makaubos oras at delaying tactics lang para sa next show ninyo na baka inaabangan ng ibang viewers.

Heto na po ang aking wento...

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Isang araw, umuwi ng bahay si Junjun na galing sa labas matapos makipagbahay-bahayan sa aking kalarong si Magda. Katatapos lang namin gawin ang ginagawa ng mag-asawa sa gabi..... 

Junjun: '(hinihingal) taaaahy... haaaa... haaaa... Maysusumbong ako.'

Tatay: 'Oh, anak, andyan ka pala!'

Junjun: 'Wala! Wala! Nandoon ako sa kapitbahay nating si Magda na nagbabahay-bahayan!'

Tatay: 'Bakit ka ba hinihingal dyan? Siguro may ginawa kayo ni Magda no?'

Junjun: 'Taaaahy! Ikaw kaya tumakbo ng 100 meter dash mula sa kapitbahay, ewan ko lang kung di ka hingalin!'

Tatay: 'And So??? Wala kang sexercise? Hingalin? Di ka nag-cacardio? '

Junjun: 'Exercise?? Kelan pa nauso yun? Like duh! Panahon na ng porn, computers, ain't got no time foh that!'

Tatay: 'Sige na, ano yang susumbong mo? Sumbong ka ng sumbong! '

Junjun: 'Why o Why po ganun ang life ng humans? Problema, Solve, Problema, Solve! Parang endless at naka-unli po ang problems! Maygas Abelgas!'

Niyaya ng Tatay ni Junjun ang anak sa kusina. Dito ay nagchange background ang kitchen at tila naging linis tulad ng nasa home shopping network. Nilabas ng Tatay ni Junjun ang taklong Coocan Stovetop Oven na binili ng pamilya dahil napanood nila sa peborits tv network nila.

JunJun: 'Tay, Enenenemen yen?!'

Tatay: 'I'm gonna show you something! I just need to boil water to this 3 Coocan thingy.'

Junjun: 'Hala! Di ka pede magpakulo ng H2O dyan! Ayaw pa kasing gamitin yung normal na kaserola e.'

So nagpakulo na lang sa kaserola ang tatay ni Junjun. Noong kumukulo na ang tubig sa tatlong kaserola, Inilabas ng tatay ni Junjun sa kanyang bulsa ng maong pants ang isang patatas, isang itlog at coffee beans. Nilagay niya ito sa magkakahiwalay na kaldero.

Makalipas ang dalawampung minuto, Inilipat ng tatay ang patatas at itlog sa isang platito at isinalin ang kape sa Tarbucks Mug na koleksyon ng asawa.

Hinilera ng Tatay ang tatlo sa harap ni Junjun at nagtanong:

Tatay: 'Nak, ano ang nakikita mo? Paki-explain at isulat ang kasagutan sa 1/4 sheet of manila paper.'

Junjun: 'Hayahay ka talaga tay! Joke Yun? Ayambot! '

Tatay: 'Uh-huh! So ano nga nakikita mo?'

Junjun: 'Patatas, Itlog at Kape natural! Alangan naman na magbago ito at maging Cabbage, Peanuts at Juice!'

Tatay: 'May Tama ka! Ngayon, subukan mong hawakan ang patatas, basagin at itlog at tikman ang kape.'

Sinunod naman ni Junjun ang sinabi ng tatay.

Junjun: 'So anong kinalaman nito tay sa tanong ko kanina? Parang walang konek! Ilagay ang sagot sa 1/2 lengthwise na illustration board!'

Tatay: '(Sinampal ang anak) Makinig ka muna nak!

Anak, ang pagsubok at problema sa buhay natin ay parang apoy, tayo naman ang taklong sangkap.

Ang patatas kapag raw ay matigas at tila hindi basta-basta nasisira. Pero noong dumaan ang pagsubok, nanlambot ito at tila nawalang na ng ganang lumaban.

Ang betlog este itlog naman pag hindi luto ay madaling mabasag, sensitive at mahinang-mahina. In short... WEAK! Pero pagkadaan sa apoy, tumigas, nanindigan at taas noo.... kahit kanio.. ang pilipino ay ako at hinarap ang problema.

Change me naman daw ansabeh ng kape. Kasi pagkasalang sa apoy at pagsubok ay nagbago ang kanyang anyo. Pagkatapos subukin ay naging yami, mabango at nakakamangha siya.

Pagdumating ang challenge sa buhay mo, pipili ka lang kung sino ang gusto mong maging: Si Bulbasaur, Charmander or Squirtle Si Patatas, Si Itlog o si Kape'

Junjun: Wharever Tay! Makaalis na nga, parang di mo naman nasagot ang tanong ko. Magbabahay-bahayan na lang kami ulit ni Magda at gagawin ang ginagawa ng mag-asawa tuwing gabi!

Tatay: ANO????? Magkekembyular kayo?

Junjun: Tay! Matutulog! Di ba kayo natutulog ni nanay tuwing gabi?

Tatay: Ay oo nga, sige! Go!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

At dyan po nagtatapos ang aking wento ate charo.

Nagmamahal, 
JunJun.

==============================================
Ate Charo: 
Life is like a Rosary.... Full of Mystery.
Life is like a stone... It's Hard.
Life is like a box of chocolates.... Whareves!

At para sa iyo Junjun, wag mo na pakialaman ang title mo text mo promo namin. Shutangina ka! Hala sige, magbahay-bahayan na lang kayo ni Magda.

==============================================

Ang istorya ay nabasa ko lang somewhere at muli ay nilagyan ko lang ng flavor kasi ewan ko... natatabangan ako kung simple at payak lang ang wents.

O, hanggang dito na lang muna! Take Care!

PS: Tama ang hula ninyo, ang title ng liham ay PaKapLog. 


6 comments:

  1. mahusay ang paglalagay ng personal touch sa kwentong ito. may humor pero nandun pa rin ang moral lesson

    ReplyDelete
  2. Though not so clear at first. I finally got the message after reading it for the 2nd time hahah :)

    ReplyDelete
  3. Kudos to you! Magaling!

    Anyway, sa,wari ko, ang pagsubok ay sukatan at repleksyon ng pagkatao!

    ReplyDelete
  4. na aliw naman ako dito.... galing ^^

    ReplyDelete
  5. Siguro ang pipiliin ko sa tatlo ung Egg. Malambot sa una pero kapag dumaan na sa apoy at iba't ibang pagsubok ng buhay, unti-unti nang tigasin at matatag!

    Natawa ako sa usapan nilang mag-ama. Di ako maka-concentrate ng maayos ahahaha :D

    ReplyDelete
  6. haha ikaw ang kuya bogie sa kalokohan parekoy! iba talaga ang epeks ng wento mo! clap clap clap naman ako

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???