Sunday, January 5, 2014

Unang Buwan ng 2014 at ang Unang Random ng Taon


Hey! Wassap folks! Kamusta naman kayo? Okay sa alright ba ang inyong start ng taon? Nagpaputok ba kayo? Sa labas or sa loob? Well, kahit san nio man ipinutok, hopefully ay safe kayo and happy! 

Sa pagsisimula ng bagong taon, panibagong random nanaman ang babandera.

1. Sa opis nga pala ako nagcelebrate ng aking new year. Yung eksenang nagpuputukan na ang madlang pipol sa pinas aat ako ay nasa opisina, nakatingin lang sa salamin ng gusali sa 11th floor at nanonood ng mga makukulay na fireworks sa exclusive vill na tabi ng opisina at sa abot tanaw na Eastwood, Libis.

2. Same noong pasko, najojologsgan ako sa pakontest-trivia ekek dito sa opisina. Nakakaburaot na ang babadukis ng mga pinapagawa like selfie ekek or bring me or something tapos hahanapin mo si (insert name here) tapos di mo naman kilala kung sino yung person na iyon. Imbyernadette Sembrano much.

3. Slightly nagkakaroon ng gap at slight rift ang mga members from different teams dito sa opis. May mga pulis kasi na bantay-sarado much sa ginagawa ng ibang folks. Mga nanlalamang at ayaw magpalamang ganyan. Hay... minsan nakakainit ulo pero minsan, kailangan i-Deadmadela lang at maging apathetic... I dont' care anymore.

4. Kahaps, natuloy ang so-so thrilling na christmas party ng team. Bakit not so thrilling... E kasi di sya katulad ng energy namin last year na feel na feel mo ang christmas party. Buti nga hindi sa isang room lang sa opis ginanap at nag-walk-in na lang kami sa Dampa sa Cubao.

5. Currently, dapat ay restday ko pero dahil madali akong makausap, may teammate akong nakipagswap ng restday kaya naman ngayon ako ay on-shift... medyo may queue...

6. This January, may byahe me papuntang Puerto Prinsesa Palawans. I know nakapunta na ako doon kaso somehow, i need to make time with my HS friends kaya jumoin ako sa lakad na ito. Medyo madami pang gusot sa lakad pero hopefully maging okay.

7. For the travel plan sa palawans, mukang mapapagastos me. Nakopo, kailangan magtipid much kasi after noon, by Feb, sa Batanes naman ang lipads tapos mag surfing naman sa Siargao by March.

8. Kahaps, nawindang me pag-uwi ko sa condo. Ang kutson ng kama ko nakaangat, wala na ang mga damit ko sa drawer. Ang rice cooker ko nakabox na. Ang Aircon naka-unplug. Nagulat me kasi kahapon ay tinangkang ilipat na ako sa kabilang bahay... Agad-agad! Yung nakakaloks na ang kalat-kalat sa haus tapos nekwik pa pala ang tuluyang paglisan sa crib!

9. Medyo may epekto ang christmas season ah.... Medyo bumabalik me sa pagiging chubby-chubby. Napapasarap ang kain pati ang supdrinks at sweet treats like chocolates and stuff.... Need to balik alindog by tom. 

10. Di ko alam kung nabanggit ko na to sa ilang random ko, pero medyo naaasar na ako minsan sa shirt na 'Tabang na, tulong na'. I find it kinda annoying na parang pambansang damit na ng pinoy ito. Mag-jowa, mag-asawa, magka-opisina. Di ko alam kung for the benefit of bagyo victims ang pagsusoot nila nito or feel nila they are cool wearing that white shirt na minsan nakakaduda kasi iba-iba ang quality ng tela (may parang sobrang nipis na parang transparent)

O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

9 comments:

  1. Ahaha, heypi new year!

    buti na lng, yung Tulong na, Tabang na shirt ko is once a week ko lng isuot ahahaha. Di ko sya ginagawang uniform eberidey! saka masasabi kong orig yung akin, I bought it naman from Zalora eh na kapartner ng ABS-CBN store :))

    ReplyDelete
  2. I love the deadmadela term. Naku national shirt ng nga yan... hmmnnn... kakaimbernadet sembrano nga.

    ReplyDelete
  3. That statement shirt is getting annoying! I know its for a good cause but the fact that some people are buying fake versions just to save money, shows that nakisabay lang sila sa trending.

    ReplyDelete
  4. Yohohoo! Ang daming pokemons.

    Natawa naman ako sa mala transparent na shirt. Nakikiuso lang yung iba.

    ikaw na ang may alindog! haha

    yamans! Patravel travel nalang, hobby ng mga elites!

    Happy new year! :D

    ReplyDelete
  5. Ikaw nah ang The Traveller he he ... bongga ang mga vacay mode mo .... 'di ako nakiuso sa shirt na iyan ... walang pambili ha ha ha ....

    ReplyDelete
  6. welcome 2014!
    regarding sa tabang. medyo hindi patok sa akin. di ako naniniwalang lahat ng benta ay napunta sa survivors

    ReplyDelete
  7. BATANES??? pwede ko nang laslasin ng kutsara ang pulso ko sa hinlalaki!!! naiingit me!!! huhuhu

    pwede sama??? huhuhuhu

    ReplyDelete
  8. Hala parang sunod-sunod ang irritation mo sa bawat item sa post LOL sana hindi ito indication na hindi maganda ang 2014. Turn it around!

    ReplyDelete
  9. hehe luckily ako me slot ng undertime sa office kaya nakauwi ko before mag 12
    kahit super hirap ng byahe hehehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???