Hello there! O, O, wag na maging hater ni Monday... talagang sya ang sasalubs sa inyo right after niong makasama si Saturday at Sunday...
For Today, i'm gonna make wento lang ng kaganapans sa mga di naman uber important na detalye sa aking daily experience ganyan sa nakaraang araws.
1. Sa nakagawian, kailangan work related ang unang part ng randomness. So to start... may new schedule na ako. Kung last month ay 9pm to 6am ako..... Now ay 12am na ako. Yep! Hatinggabi ang simula ng work... So it's technically the graveyard shift.
2. In terms of restday naman... I'm saying goodbye to my Sat-Sun restday and i'm saying hello to Fri-Sat pero due to schedule ng work, technically, Thursday-Friday halos ang pahinga.
3. Sakto naman din for my VL applications sa dalawang gala ko ng January at February. Bawas sa VL means extra VL for next adventures.
4. Friday ng haps, medyo nawindang ako sa kumatok sa pinto. Aba, shocking! Yung next possible na titira sa condo, ayun, titignan daw yung unit! Like... agad-agad?! May nakatira pa. Di makapag-antay na tuluyang mabakante ang place??!
5. Saburdei, medyo nakakasad na kailangan na mag-ligpitation ng place, pack my belongings and go... Parang PBB na na-evict. Parang survivor na na voted out of the tribe. Parang Project runway, one day you're in, the next day your out.
6. Nakakapagod pala mag-lipat bahay ah. Paano, noong lumipat ako sa condo, mudrax at pudrax ko at sister ko ang umasikaso. So yung actual day ng lipat, e dala ko lang ang laptop ko at go na. Atsaka, yung time na yon, pede pang may maiwan na gamit sa lumang tinirhan. Pero ngayon, everything must go. Bawal mag-iwan ng bakas ganyan.
7. Tapos na ang buhay solo mode. May kasama na ulit sa bahay. Kasama ang family. At may mga mang-iiritate nanaman na mga bagay. At ang part na kahit paano, may makakain na kasi may chances na may magluluto na sa bahay.
8. For unknown reason, biglang nasira ang SD card ng aking cherry mobile. Huhubels. Di ako makapag-candykras at plantzvsZombies2. Pano na ang instagram at slightly mobile tweeting and facebooking.....
9. During the lipat-bahay, isa sa umulong sa pagbubuhat-buhat ng kasangkapan ay yung kababata ko at kamag-anak namin. Nagkaroon ako ng realization na wala pala akong social life since wala akong mga na retain na friends na relatives habang tumatanda.
10. Stop muna ang movie marathons kasi di pa nakakaset up ng TV at speakers sa bahay. Nakatabi muna ang mga DVD peliks.
11. Medyo dumarami na ang mga kakilalang bloggers noon ang di na nag-uupdate.... Medyo i feel akward to bloghop and make exchange links like the pagpapakabibo ko noong nag-uumpisa ako na kung saan-saan ako dumadayo. Now, kung sino lang yung mga dati ko ng finofollow, doon na lang ako napapadpad or sa mga new followers lang ako bumibisita...
12. Yan lungs muna... gusto ko sanang maglahad ng much personal level kaso nga lungs, family members already know that i'm blogging. hahaha. kenatbe tutubi... Makagawa na lungs ng journal at magsulat sa papel. lols
Take Care folks!
sakit sa ulo ng shift mo! pero okay ang rest day.
ReplyDeleteat nakalipat ka na naman pala ng place. nice!
dami ng hiatus sa mga kasabayan sa blogging. that means they found a life outside blogging hahaha.
Naku mahirap mag-blog pag nababasa ng relatives... hindi makapag-all out keme... post ka about sa bagong lilipatan... sana maraming awrabells
ReplyDeletepabasa ng journal ha! :)
ReplyDeletedaming change, form lipat bahay to lipat schedule! gow lang ng gow! :)
ang stressful naman ng sched mo parekoy hehe at alanganin pa off hehe
ReplyDeleteako mukang mababago nanamuns ung akin ee buchet nga,