Flashback Friday!! Sa mga oras na naipublish ito, malamang ay wala me kasi nagbabakasyones muna ako with some high school friendships sa Palawans. Pero kahit ganun, kailangan ma-maintain ang momentum ng pagpopost kaya naman merong scheduled post for today.
At since nabanggit ko nga na flashback friday ngayon, isang anime na medyo luma na ang aking post. Technically luma to pero still running at di pa tapos. Hahahah.
Ang anime for today ay ang Detective Conan or also known as Case Closed.
Ang Detective Conan ay una kong napanood sa Channel 7 waywayback di ko matandaan. Memgap lungs. Simula noon, naging fan din ako ng anime na ito pati na din yung manga pero slight lungs.
Ang anime na ito ay nasimula sa magchildhoodfriendships pero ayaw umamit na inlababo sila sa isa't-isa na namamasyal sa isang park. Si guy named Shinichi Kudo ay isang detective enthusiast at active-activan sa pag-iimbestiga.
Then, may nakitang kakaiba at suspicious si Shinichi at nakasaksi ng crime. Pero, nabuking siya at pinainom ng lason. Buti na lungs di sya natepok. Pero anyare ay nag-shrink si Shinichi at naging kiddo.
At dahil dito, kailangang magtago sa new identity si Shinichi at naging si Conan Edogawa. Siya ay magpapa-ampon ng slight sa bahay ng kanyang labidoods na si Ran Mouri at ang tatay nitong private investigator.
Dito na magsisimula ang adventures ni Conan bilang young detective na prumoproxy sa shungengots na detective. Madaming crimes at accidents ang kanyang ireresolve at mystery to unravel.
Heto ang ilan sa mga characters na kasama sa show:
Ang Mouri Family. Ang nanay ni Ran ay isang matalinong lawyer tapos ang tatay naman ay kengkoy at medyo bobingka na detective. Syempre, si Ran ang labidoods ng bidang si Shinichi.
Ang Kudo Family. Ang nanay ni Shinichi ay isang actress habang ang tatay naman niya ay isang mystery novelist. Alam ng magulang niya ang lihim ng batang si Conan.
Ang Detective Boys. Sila ang naging kaklase ni Conan sa gradeschool.Originally ay tatlo lang sila hanggang sa nakasama din si Haibara (girl sa taas na katabi ng batang may poknat). Si Haibara ay girl version ni Conan kasi nakainum din ito nung gamot na nakapagpa-shrink at nagpabalik bata.
Kasama din ang ilan sa nakakaalam ng lihim (pwera yung girl sa pic). Ang nasa taas ay ang Professor/scientist friend ni Shinichi na si Dr. Agasa. Yung nakasumbrero na halos hawig ni Shinichi naman ay yung magician na magnanakaw na si Kaito Kid at yung isang guy sa ibaba ni Prof. ay isa ding High School Detective tulad ni Shinichi na si Heiji.
Kasama sa stories ang kapulisan na nag-iimbestiga sa mga murders and crimes na nagaganap. Kasama na din dito ang FBI na humahabol sa organization na sindikato at ang cause ng pagliit ni Shinichi... ang Black Organization.
Ang Black Organization. Ang gupo ng sindikato at ang grupo na tinutugis/iniimbestigahans ni Conan. Nakakaaliw ang mga names ng mga nasa Black Organization dahil hango or may relate sa alak ang kanilang names. Andyan ang names na Gin, Vodka, Vermouth, Tequilla, Bourbon, Kir, Korn, Chianti, Pisco.
At last ay ang famous Silhouette na sumisimbulo sa mystery person na sangkot sa mga anik-anik na crimes.
Ang anime nito ay nasa episodes 700+ na pero still ongoing! Hahahaha.
Hopefully, magkaroon ng conclusion ang show na ito. Gusto kong makita ang ending.
O cia, hanggang dito na lang muna, Take care.
Grabe sipag ang creators at mga artists ng anime na toh. Maski ako, di na makahabol sa bawat episodes nitong DC!
ReplyDeleteBalak yata nilang talbugan sa dami ng episodes ang Doraemon with a record breaking 1,787 episodes!
One of my favorites. I always remember this together with the song of Michael Jackson’s Smooth Criminal.
ReplyDeletenice enjoy much ako sa panunuod neto too bad di naman naipapalabas sa tv nung later parts haha
ReplyDelete